Share

MY PAINFUL MEDICINE
MY PAINFUL MEDICINE
Author: AmiorGracia

CHAPTER 1

ELIZABETH’S POV

“Omg! Finally, graduate na tayo ng senior high!” Sabay-sabay kaming tumili dahil sa sayang nararamdaman namin, hindi matawaran. We’ve worked hard for this. I kissed Jai’s and Tine’s cheeks. They are my best friends since grade seven. I am so glad to have found someone who I can be totally, completely myself around and know they will embrace me 100 percent. 

“I love you both! College na tayo!” sigaw naman ni Tine. 

We are here sa isang Beach and Hotel. Nag-rent ang mga parents namin para isahan na lang ang celebration naming tatlo, siyempre ayaw naming maghiwa-hiwalay lalo na sa mga ganitong occasions. 

It’s two am in the morning at nandito pa rin kami sa tabi ng dagat. We are like sisters. Hindi kami mapaghiwalay. It’s like kaaway ng isa, kaaway ng lahat. I don’t know what would be my life without them. And korni man pakinggan pero I will do anything and everything to make them happy, kahit ano pa ang mangyari and alam kong ganoon din sila sa akin. Napahigpit ako ng kapit sa bote ng Smirnoff ko. My heart is warmth just being with them. 

“I am gonna be an engineer, Tine is going to be a doctor and Jai will be a ─ wait, ano na nga ulit? Nakapag-decide ka na ba?” Napatingin ako kay Jai at napailing siya pero natatawa, hindi pa rin yata decided. These small moments and small talks are treasured. It’s worth it.

“What else girls? Business Management!” Oo nga pala, since undecided pa siya tinanggap niya na rin iyong alok ng parents niya. Although, ayos lang naman sa kanya at same school pa rin naman kami ng papasukan kaya no problem. 

Napapikit ako at ninanamnam ang simoy ng hangin. I smell the salt from throughout the ocean. Napatingin ako sa kanila nang mapansin kong nakatingin din sila sa akin habang nakataas ang mga kilay nila. 

“What? Spill!” Napatawa at napailing ako sa kalokohan nila. 

“Eh kayo ni Elias? Same school parin ba kayo sa college?” tanong ni Tine. Sabi ko na nga ba, about kay Elias itatanong nila kaya ganoon na lang sila makatingin. Napasimangot ako sa thought na hindi na kami parehas ng school na papasukan pero kalaunan ay napangiti rin ako dahil it just means that we’re up to bigger challenges and responsibilities in life.

“Nope, sa St. Mary Academy siya since doon lang ang may magandang standing ng Law na course. At saka okay lang naman sa akin, we already talked about it na and we’re fine with it.” 

Hindi naman ganoon kalayo at may sasakyan naman. Seriously, I am really fine with it. Malaki ang tiwala ko sa kanya ganoon din siya sa akin. Elias is my boyfriend since grade 10, yes, legal kami sa mga parents namin as long as alam namin mga limitations namin. Wala siya rito ngayon kasi may celebration sila sa bahay nila with his ate na kakagraduate lang din ng college, it’s a double celebration. Magkikita naman kami tomorrow. 

Tumango-tango silang dalawa sa sagot ko. 

“Sana all!” Napahagalpak ako ng tawa nang marinig ko silang sabay na nagsabi. Mga abnormal talaga. Binitawan ko muna yung smirnoff ko and hugged them. 

“I love you both. Thank you so much for everything,” sabi ko. Niyakap naman nila ako ng pabalik na naiiyak. Finding real friends isn’t easy. But sometimes you have to put in the effort and you will see who will make your life extraordinary. 

Hapon na at kakauwi namin dito sa bahay. We just took pictures and ate lunch together bago umalis sa beach. Kakahiga ko lang sa bed ko nang tumunog iyong phone ko. Dali-dali ko namang sinagot nang makita ko kung sino ang caller. 

“Hey, love?” Napakagat labi ako, pinipigilan kong ngumiti pero trinaydor lang ako ng sarili ko. 

“H-Hey!” Ano ba iyan?! Magda-dalawang taon na kami pero kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. Is this even possible?

“Are you tired? You can rest muna, love. I can wait here sa sala niyo.” Wait, what? Nandito na siya? Napabangon ako bigla. 

“What? You’re here na? Kailan ka dumating? Halos kakaakyat ko lang ah.” Elias have been on my side besides my best friends. He’s always there to support me. He is always consistent. Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.

“Okay, shower lang ako saglit. Wait lang!” sabi ko at pinatay na rin. Hay nako! Elias Salazar, you never fail to surprise me.

Nakapagpaalam na kami sa parents ko. May tiwala naman na sila kay Elias. He’s driving at wala akong idea kung saan kami pupunta. Palingon-lingon ako sa kanya. Bukod sa gwapo siya at matalino, mahal na mahal din niya family niya kaya sobrang effortless niyang mahalin at magustuhan. Actually, marami talagang nagkakagusto sa lalaking ito pero sorry sila, ako ang girlfriend. 

“Shaine Elizabeth Montoles Javier. What are you thinking again, love?” Napasimangot ako nang tawagin niya ako sa whole name ko. Alam ng buong school na kami for the couple’s name na Eli Couple, parehas kasi kaming Eli ang nickname. 

“Nothing. Saan ba tayo pupunta?” tanong ko ulit. 

Kanina pa kasi ako nagtatanong pero puro ngiti lang ang sagot sa akin. 

Familiar iyong daan so may idea na ako kung saan. Huminto kami sa isang restaurant na naging favorite place na namin simula noong sinubukan naming kumain dito. It’s not a fancy resto pero hindi naman siya ganoon kaliit. Sakto lang and the ambiance is good and welcoming. 

“Pasecret-secret ka pa ha!” singhal ko sa kanya sabay irap na nagpatawa sa kanya.

“Baby, hindi pa tapos ang araw. Just relax,” sabi niya. Pagkatapos ay kinindatan ako.

So mayroon pa kaming pupuntahan? Nagkibit-balikat na lang ako at pumasok na kami. Pagkapasok namin ay naamoy ko na iyong mga lutong ulam. Natakam tuloy ako, favorite kong orderin iyong adobong atay ng manok, siya naman sa bopis, it’s like karne ng baboy na durog-durog. At sakto nandito iyong matandang may-ari, si Nanay Lucia, tuwang-tuwa noong makita kami. Nakilala niya na rin kami kasi madalas na talaga kami rito at hindi na sila nagtatanong ng mga orders namin. 

“Buti naman at napadalaw ulit kayo mga anak. Congratulations sa inyo mga anak, sa wakas at graduate na kayo!” Nabanggit din kasi namin noong last na kain namin dito na ga-graduate na kami ng senior high school.  

“Oo nga po. Thank you po, Nanay!” We smiled at her, genuinely. Nanay Lucia is 51 years old already. Iyon lang ang alam namin tungkol sa kanya.

“Oh siya at maupo na kayo riyan, hintayin niyo na lang pagkain niyo ha? Enjoy kayo!” Napatango kami at umalis na rin siya para mag-asikaso ng ibang customers. 

After naming kumain, hindi ko na naman alam kung anong daan itong tinatahak namin. Dumaan pa kami kanina sa 7/11 para bumili ng pagkain. Hinahayaan ko lang siya at siya na nga raw bahala. He’s always like this, he loves surprises.

Even before he courted me, we were grade nine back then. There’s someone kasi na laging nagbibigay sa akin ng flowers, chocolates and letters since grade seven. Imagine that? We were so young! Hindi ko alam kung sino ang nagpapadala just the initial of letter E at noong grade 9 nagpakilala na siya sa akin, infront of the class! And before siya nagpaalam na manligaw sa akin nakapagpaalam na siya sa mga magulang ko. Since then, I knew that his intentions were pure kaya grade 10 sinagot ko na siya. 

Nagising ako nang maramdaman kong may humalik sa noo ko. 

“Hey!” Nakaidlip pala ako.

“Sorry.” I pouted. Nakaka-guilty naman. 

“Silly. It’s okay. We’re here na, baba na tayo.” Napalingon naman ako sa labas. Dali-dali akong bumaba sa kotse. Wow! Ang ganda! Makikita mula rito ang mga ilaw na nanggagaling sa mga buildings, houses and streets. Ang peaceful. May ganito pala sa lugar namin? 

“How did you know this place?” I asked him. Inaayos niya naman iyong blanket na uupuan namin. He’s prepared!

“It was two months ago. Sinamahan ko si Papa na pumunta sa isang lote na bibilhin niya malapit dito.” Napatango-tango ako at tumingin ulit sa view. City lights! I can live for these sights. 

“Come on, sit here. Do you like it?” Sumunod ako kahit hindi welcoming iyong pagkakasabi niya, ano ako? Aso? Hmp!

“Thank you, babe! Ang ganda. I love it! You are very well appreciated.” Medyo lumapit ako at hinalikan siya sa labi. Yes, we do kiss. Pero hanggang doon lang. Beyond that? Wala pa sa isip namin and he respects me so much.

Ginalaw niya ng bahagya iyong ibabang labi niya and I did the same. He smiled at me nang maghiwalay na mga labi namin. He kissed me again in my forehead. Namumula man, umayos na rin ako ng upo.

“Pikit ka love, may ibibigay pa ako.” Napakunot noo naman ako. Ano ba iyan? Wala man lang akong kadala-dalang kahit ano! Pumikit na lang din ako. 

“Pagbilang ko ng tatlo, dilat ka na, okay?” I nodded. Sumasakay sa kung anong balak niya.

“One, two, three!” Unti-unti akong nagdilat ng mata. Wow! Sa harapan ko, isang anklet, hawak-hawak niya sa isang red na box. Inabot niya sa akin. At napapaiyak na naman ako. Kainis naman kasi eh! Kinuha ko ito at tuluyan na ngang naiyak nang makita kong may naka-engraved na Love Eli. Tumawa siya nang makita niya akong umiiyak. He wiped my tears, gently. Niyakap niya ako. 

“Happy Anniversary Baby! I love you.” Napangiti ako at napapahikbi pa. Why am I too soft? Napaka-crybaby ko talaga kahit kailan!

“Kainis ka naman eh! Hindi pa naman kasi natin anniversary, next week pa iyon. Wala akong dala, love. Ang unfair!” Mas lalo akong naiiyak. Narinig ko na naman siyang tumawa. Why is he laughing? 

“Shh. Mayroon kang dala, ikaw mismo. You are a gift from above, love. You complete me…ikaw lang ang gusto ko. I love you, so d*mn much.” I hugged him tighter. 

“I love you more. I love you most. I love you!” And we kissed under the moon and the stars. 

Pinaalam ako ni Elias kila Daddy para sa second anniversary namin. Siyempre pumayag sila kasi kasama rin mga kaibigan ni Elias at mga kaibigan ko. It's a three-day trip. Sa Blue Lagoon kami pupunta. Magca-camp kami doon. Excited na ako! Actually pangarap talaga naming makakaibigan ito kaso lang hindi pa kami pinapayagang lumabas na kaming tatlo lang.

Dalawang Van ang gamit namin since marami kaming mga dalang gamit. Si Elias ang nagda-drive for girls tapos sa isang sasakyan naman ay mga kaibigan ni Elias and ibang gamit. Katabi ko si Elias, sa dahil hindi talaga kami mapaghiwalay. I'm wearing Black leggings and simpleng white na v-neck shirt lang tapos naka rubber shoes na black din. Elias is wearing a simple short and white shirt also. Ewan ko ba riyan, hindi naman kami nag-usap eh. Kaya kami natutukso na naman kanina at nakacouple shirt daw kami. 

"Baby, you okay?” Napatingin ako sa kanya bigla. Sumulyap siya sa akin saglit at binalik din ulit ang tingin sa daan.

"Of course!" I smiled. Bakit sana hindi? Masyado na siyang maraming ginawa at ginagawa sa relasyong 'to. Elias is not perfect but he always makes everything perfect.

"Are you sure? Gutom ka ba? Do you want music?" tanong niya ulit. Napatawa ako. He pays attention talaga sa lahat ng reactions ko. 

"Yes love, I am 101% sure. Pero okay iyong mag-music tayo." Binigay niya phone niya sa akin, kasi nasa likod iyong bag ko. Napasimangot ako sa lockscreen niya. Pero kinikilig pa rin. I laughed silently. 

"Hey! Ang pangit ko rito!" sabi ko. Kunwaring naiinis pero ang totoo pinipigilan ko lang ngumiti. Narinig ko siyang tumawa. Sh*t, ang sexy! Napahinto ako at napatitig sa kanya. Shaine Elizabeth! Ano iyang iniisip mo? Namula ako sa sariling pagiisip. Buti na lang talaga at nagmamaneho siya. Seriously? Kinikilig ka pa rin? Sayo iyan. Sayong-sayo!

"Of course not. You are always beautiful. Cute nga eh," sabi niya ng natatawa. Hindi ko alam kung seryoso siya or nang-aasar lang. I just rolled my eyes and opened his phone. I connect sa Bluetooth. May fave song. Ikaw at ako ni Moira Dela Torre. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status