Share

CHAPTER 3: MEETING THE DEVIL

Sophie's POV

Saktong pagtunog ng bell na hudyat na ng dismissal, kaagad akong tumayo sukbit ang backpack ko. Tuluyan na sana akong lalabas ng classroom namin nang tawagin ako ng prof. 

"Miss Laurens."

Kaagad ko siyang nilingon. "Miss?"

"Pwede mo bacng puntahan sa infirmary si Mr. Jacobs at sabihin mong pumunta siya sa office ko?"tugon niya habang inaayos ang suot niyang salamin. Siya ang prof na kung hindi ako nagkakamali ay nasa 25 pa lamang ang edad. Maganda siya, at siya ang prof namin sa literature. Tumango na lamang ako sa kanya. "Yes, Miss."

"Thank you."

Si Mr. Jacobs o Doc Jacobs ay ang official school doctor ng unversity namin. Isa siyang gwapo, at matipunong lalaki na talaga namang hinahangaan ng lahat ng babae rito sa university. Napakaganda rin ng mga mata niya. Sa twung titignan ka niya, tila ba matutunaw ka. Para siyang isang Greek God sa sobrang perfect niya! At kung tatanungin niyo ako kung gusto ko siya, obvious ba?

Una ko siyang nakilala noong unang salta ko pa lamang dito sa university. Nilapitan niya ako noong mapansin niyang naliligaw ako at noong sinabi ko sa kanya kung saang building ako, hindi siya nag-atubiling sabihin sa akin, inihatid niya pa ako hanggang sa makapasok sa klase. Buong akala ko noon kaklase ko siya dahil mukhang magkasing-edad lamangkaming dalawa, pero nagulat ako nang malaman kong university doctor pala siya.

Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang makita ko si Dr. Jacobs na nakaupo sa swivel chair niya habang may isinusulat sa isang papel. Suot niya ang makapal niyang salamin na siyang lalong nagpapa-mukhang matalino at gwapo sa kanya. 

Bakit ba napakagwapo niya? Napapaisip tuloy ako kung may girlfriend na siya. 

Sana nga wala nalang...

"D..Dr. Jacobs.." halos pabulong kong tawag sa kanya.

Huminto siya sa pagsusulat saka lumingon sa direksiyon ko. Kaagad na gumuhit ang malaking ngiti sa mga labi niya nang magtagpo ang mga mata namin. "Ikaw pala, Sophie!"

"G..Good morning, Dr. Jacobs.." matamis akong ngumiti sa kanya. Isang ngiting tanging sa kanya ko lamang ipinapakita. 

Tumayo siya saka naglakad palapit sa akin. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Kamusta? May maitutulong ba ako sa'yo? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Oh, God. Hayan na naman ang pinakagwapong lalaki sa buhay ko. Pwede bang sabihin ko na lamang sa kanya na hindi maganda ang pakiramdam ko dahil parang tatalon na yata palabas ang puso ko mula sa dibdib ko?

"H..Hindi naman... Si Miss Perry kasi, gusto ka raw makita."

"Ah, ganoon ba? Salamat sa pagpunta mo. Pupunta na rin ako roon kaagad."

"Thank you, Dr. Jacobs. Aalis na ako." tugon ko sabay iwas ng tingin mula sa kanya. 

Ginulo niya ang buhok ko saka ngumiti. "Thanks, Sophie."

Hinawakan ako ng isang anghel! Ang swerte ko naman!

Nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas ng infirmary habang kumakaway pa rin sa kanya. Hay, kung pwede lang, uupo na lamang ako rito at tititigin siya habangbuhay. Ang creepy ba pakinggan niyon?

Bumuntong-hininga ako habang isinasara ang pinto. 

Hay, Dr. Jacobs, pwede bang sa akin ka nalang?

Kung pwede lang talaga na ako nalang ang girlfriend niya. Pero imposible, estudyante lang ako sa university na ito kung saan siya nagt-trabaho. Wala pa akong maipagmamalaki sa kanya bukod sa grades ko. Pero ipinapangako ko sa sarili ko na balang araw, kapag may maganda na akong trabaho at may sapat na pera, babalikan ko siya at aaminin ang tunay kong nararamdaman. Sana naman may pag-asa ako...

"Teacher Sophie!" si Laila, isa sa mga estudyanteng tinuturuan ko ay nagmamadaling tumakbo palapit sa akin nang makita niya akong pumasok sa kindergarten. Parati siyang sabik na sabik na makita ako kaya naman maging ako ay nae-excite rin na magpunta rito. 

"Laila!"

Patuloy lamang siya sa pagtakbo palapit sa akin nang bigla na lamang may lalaking dumaan, kaya naman bumangga siya sa legs niyon atsaka natumba. 

"Laila!"

Kaagad akong tumakbo palapit sa kanya. "Laila, I'm sorry. Ayos kalang ba?"

"Teacher...Sophie....Uwaaaaaa...." nagsimula na siyang umiyak.

"Ssshhh... Tahan na... Ayos lang iyan, Laila. Huwag kanang umiyak, okay? Gagamutin natin ang sugat mo tapos ibibili ka ni teacher Sophie ng ice cream, okay?" Inalalayan ko siya paupo sa isang bench saka ko nilingon iyong lalaking nakabunggo niya. 

Kaswal lamang na naglalakad iyong lalaki na tila ba walang pakialam sa nangyari. 

Ang sama naman ng ugali niya! Ni hindi man lang siya nag-sorry sa bata?! Tao ba ang isang 'yon?!

Habang kumukulo ang dugo at nanginginig ang mga kamay, naglakad ako palapit sa lalaking iyon saka siya hinawakan sa braso, dahilan upang mapahinto siya sa paglalakad. "H..Hoy, Mister!"

Nang maramdaman niya ang paghawak ko sa braso niya at marinig ang boses ko, kaagad siyang lumingon sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya at nang ma-realized ko kung gaano siya katangkad. Hanggang ibaba lamang ako ng balikat niya. Wala ni anong emosyon sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Teka nga, robot ba ang isang 'to?!

"What do you want from me?" tanong niya. 

Doon ko na-realized na nakahawak pa pala ako sa braso niya kaya naman kaagad ko rin iyong binitawan saka ako tumingin sa kanya. Anong nangyayari sa akin? Bakit napaka-intimidating naman ng aura ng isang ito? Hindi naman siya pangit, ang totoo nga ay NAPAKAGWAPO niya. Hindi ko lang malaman kung bakit tila nakakatakot ang tingin niya sa akin kahit na hindi ko naman siya kilala. "S..Si Laila... iyong batang bumangga sa'yo kanina..."

"What about her?" magkasalubong ang kilay niyang tanong sa akin na wari'y nauubusan na ng pasensiya. 

"B..Bakit ni hindi ka man lang tumigil sa paglalakad nang makita mo siya o noong nabangga siya sa legs mo? Bata siya, sana nag-sorry ka man lang hindi iyong umakto ka na parang walang nangyari." 

Tumingin siya sa akin na tila ba nababaliw na ako saka siya ngumiti nang nakakaloko. "Hey, woman. Do you even know who you are talking to right now?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status