Sophie's POV
"W...Wala akong pakialam kung sino ka, ang alam ko, hindi mo pwedeng iwanan ang isang batang umiiyak nang dahil sa'yo." sunud-sunod kong sabi habang nakikipag-titigan sa Greek God na nakatayo sa harapan ko ngayon nang walang kaemo-emosyon sa mukha.
Tumaas ang kanang kilay niya. "So, you don't really know me?"
"Hindi nga kita kilala, okay? Kailangan pa ba kitang makilala?"
Hindi ko rin alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob ko nang mga oras na iyon. Hindi ko lamang inialis ang pagkakatitig ko sa kanya kahit pa nanginginig na ang mga kamay ko sa kaba. Matalim ang pagkakatitig niya sa akin at para bang pwede na akong mamatay sa ttig na iyon. "You're quite brave, huh? Well, let's see where your bravery would take you."
Walang anu-ano, bigla na lamang niya akong hinapit sa bewang at hinila palapit sa kanya. Mas lalo pa akong nagulat nang bigla niyang ilapat ang labi niya sa mga labi ko. Tila ba na-estatwa ako mula sa kinatatayuan ko. Pilit ko siyang itinulak palayo sa akin, pero masyado siyang malakas kaya wala ring nagawa iyon. Puwersahan niyang ibinuka ang mga labi ko gamit ang dila niya at sa hindi malamang dahilan ay napapikit na lamang ako na tila ba nage-enjoy ako sa ginagawa niya. Nang humiwalay na siya sa akin, doon ko lamang na-realize kung anong nangyari. Itinaas ko ang kanang kamay ko saka siya sinampal sa pisngi niya. "I..Ikaw na lalaki ka! B..Bakit mo ginawa iyon?!"
"Thanks for the dessert. See you some other time." nakangisi niya pang sabi saka tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Gustung-gusto ko siyang habulin at sapakin, pero ayaw makisama ng mga paa ko. Nakanganga ko na lamang siyang pinagmasdan hanggang sa makasakay siya sa isang black limousine kasunod ang mga lalaking tumatawa.
Napakuyom ako ng kamao ko habang nakatingin doon. "I...IKAW NA MANYAKIS KA!"
"Teacher Sophie!"
Tumigil lamang ako sa pagmumura nang bigla na lamang lumapit si Laila sa akin. Tumingin ako sa kanya saka ko siya kinarga. "I...I'm sorry, Laila. Ayos kalang ba?"
Tumango-tango siya. "Ayos lang po ako, Teacher Sophie."
"Sigurado ka?"
"Opo. 'Yong mama po kanina, boyfriend niyo po ba siya Teacher Sophie?" inosenteng tanong niya na kaagad namang nagpa-pula sa buong mukha ko.
Hindi ako kaagad na nakasagot. "L...Laila, ang mabuti pa pumasok na tayo, okay? For sure nandoon na lahat ng classmate mo, naghihintay sa atin."
"Okay..." sagot na lamang niya.
Hindi ako makapag-focus nang maayos sa trabaho ko dahil sa nangyari. Mabuti na lamang at hindi iyon napansin ng mga bata. Sumakay ako ng bus pauwi saka dumiretso sa kwarto ko at nahiga sa kama.
Burahin mo na sa isip mo ang nangyari, Sophie. Kunwari nalang, hindi iyon nangyari, okay?
Teka nga lang...
Hinayaan ko ang isang total stranger na halikan ako nang gano'n gano'n lang?!
Kaagad kong kinuha ang isa sa mga unan ko saka iyon niyakap nang napakahigpit.
"Ang first kiss ko... ang siraulong lalaki na 'yon!"
"Sophie? Nandiyan ka na ba?"
Bigla ko na lamang narinig ang boses ni Daddy mula sa labas ng kwarto ko. Dali-dali akong tumayo at pinunasan ang luha sa mga mata ko bago naglakad palapit sa pintuan. "D..Dad?"
"Mabuti naman at dumating ka na. Pwede ba tayong mag-usap sandali?" tanong ni Daddy sa akin.
"Sure, Dad. Maupo po kayo." sabi ko saka humila ng upuan para sa kanya. Naupo rin ako sa may couch saka tumingin kay Daddy. "Ano po iyon, Dad?"
Dumiretso siya nang pagkakaupo bago tumingin sa akin. "Sophie... M..May gusto kasi sana akong sabihin sa'yo... Wait, umiyak ka ba?"
"H..Huh? H..Hindi po... G..Ganito lang po talaga ang mga mata ko kapag inaantok.." paagpapalusot ko. "A..Ano nga po pala ulit ang gusto niyong sabihin sa akin?"
Bumuntong-hininga siya saka tumingin sa mga mata ko. Bakas sa mukha niya ang pagdadalawang-isip kung itutuloy niya ba ang sasabihin niya. "Sophie, makinig kang mabuti sa sasabihin ko. T..Tingin ko, panahon na para magpakasal ka na..."
"P..Po? M..Magpakasal?!"
"Alam ko kung gaano kahirap para sa'yo ang mag-stay sa bahay na ito, Sophie. Itinuturing kang katulong ng stepsiblings mo, hindi ka ba nagsasawa roon? Ni minsan ba hindi mo hiniling na umalis na rito at maging malaya? I mean, gusto lang kitang maging masaya, Sophie."
"Dad, seventeen palang po ako at nag-aaral pa. Wala pa po sa isip ko ang pagpapakasal. N..Ni wala pa nga po akong boyfriend..."
"May ipakikilala ako sa'yo." bigla niyang tugon.
Dahil doon ay naghihinala akong tumingin sa kanya. "Dad? Talaga bang gusto niyo na akong magpakasal kaagad? P..Pero ayaw ko pa po talagang magpakasal sa kahit na sino, Dad. Gusto ko pong makapagtapos muna ng pag-aaral, gusto kong matupad ang mga pangarap ko, I want to make you proud, Daddy. A...At gusto kong pakasalan ang lalaking mahal ko..."
"Pero tingin ko---
"Dad, ayos lang po ako. Alam ko pong nag-aalala lang kayo para sa akin. Huwag po kayong mag-alala, kaya ko naman pong pagsabayin ang lahat. Ang pagsisilbi sa mga kapatid ko, maging ang pag-aaral at pagt-trabaho nang sabay. Wala po kayong dapat na ipag-alala, okay?" sabi ko habang nakangiti sa kanya. "By the way, gusto niyo po bang ipag-timpla ko kayo ng coffee?"
"Hindi na. Ayos lang ako, Sophie. Magpahinga ka na, alam kong pagod ka. By the way, we'll be having a family dinner tomorrow. Alam mo pa ba iyong restaurant kung saan tayo parating kumakain noon?"
Tumango ako. "Yes, Dad. Pero...may okasyon po ba bukas?"
"Oo. May gusto akong ipakilala sa inyo. Make sure na pupunta ka roon after ng work mo, okay?"
"Okay."
Matapos niyon at muli nang tumayo si Daddy saka ginulo ang buhok ko. "Basta parati mo lang tatandaan na mahal na mahal ko kayong lahat. Lalo ka na, anak."
"I love you so much too, Dad."
Sophie's POVHumahangos akong nakarating sa restaurant kung saan sinabi ni Daddy na magkakaroon kami ng dinner kagabi. Naroon na silang lahat, busy sa pagkukwentuhan habang ako ay mukhang kagigising lang dahil sa gulo ng buhok ko. Buong bilis kasi akong tumakbo para lamang makarating dito. "S...Sorry I'm late." pabulong kong sabi nang maupo ako sa tabi ni Seb na kaagad na ngumiti sa akin nang makita ako. "Ayos lang, Sophie. At least nagpunta ka." sabi naman ni Daddy."Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon, Sophie? Magd-dinner tayo with a very important person tapos ang tanging suot mo lamang ay white t-shirt at pantalon? At tignan mo pa iyan buhok mo, parang kagigising mo lang, e." biglang komento ng stepmother ko. Napayuko na lamang ako. "P...Pasensiya na po. Galing pa kasi ako sa school kaya hindi na ako nakapagpalit pa ng damit.""Okay lang 'yan, Sophie. Kahit na basahan pa ang suot mo, maganda ka pa rin." ani Seb upang pagaanin ang loob ko pero kaagad ko namang nakita sina Samant
Sophie's POV"Hindi ako sasama sa'yo!" sigaw ko nang makita kong naglalakad palapit sa akin si Vincent.Napataas siya ng kilay sa akin. "You have no choice, baby. Your idiotic father owed some money to me and offered you as the collateral."Tumingin ako kay Dad. "D..Dad...please... Ayokong sumama sa lalaking 'yan!""Sophie.... Vincent, can we just talk about this again? Can we--"Are you trying to fool me?! We already had an agreement and now you're saying that we should talk about it again?!" galit na galit na sigaw ni Vincent. Ang napakalakas niyang boses ay nadinig sa buong restaurant. "S..Sorry... I already changed my mind... I don't want to give my daughter..."Lahat kami ay nagulat nang walang anu-ano ay bumunot si Vincent ng baril saka iyon itinutok kay Daddy. "You know I hate people who breaks their promise. Now, just choose. Will you give me that woman or I'll blow your fucking brain out?""Dad!""Honey!""Hindi! Huwag, please!" sigaw ko. "Sasama na ako sa'yo! Sasama na ako,
“HANDA na ang breakfast, kumain na tayong lahat!” bulalas ko nang matapos na akong maghain. Lahat naman sila ay nakaupo na sa harap ng hapagkainan, pero walang kaemo-emosyon sa mga mukha. “Bakit naman parang ang lungkot ninyo?”“Sasama ka ba talaga sa lalaking ’yon, Sophie? Hindi ba puwedeng dito ka na lang?” malungkot na tanong ni Seb sa akin.“Nababaliw ka na ba, Sebastian? Gusto mo bang patayin tayo ng lalaking ’yon?” sabi naman ni Aunt Natalie sa kanya.Huminga ako nang malalim. “Tama si Aunt Natalie, Seb. Maimpluwensiya ang lalaking iyon. Sigurado akong gagawin niya talaga ang sinabi niya kung hindi tayo susunod. Ayaw kong may saktan siya sa inyo.”“Come on. Huwag ka na ngang magpanggap pa riyan, Sophie. Alam naman naming lahat na tuwang-tuwa ka nang piliin ka niya. Napaka-hot at napaka-guwapo ng lalaking iyon, sino namang hindi gugustuhing sumama sa kanya?” biglang hirit ni Samantha habang masamang nakatingin sa akin.“Tama siya! Sigurado akong napakasaya mo ngayon dahil hindi m
HINDI ko maiwasang mapanganga nang makababa ako mula sa limousine. Kaagad kong nakita ang isang napakalaking mansyon. Actually, palasyo na nga yata ang tawag dahil sa sobrang laki. Malaki naman ang bahay namin, pero grabe ang laki ng isang ito.“Stop standing there and follow me inside,” bigla na lamang sabi sa akin ng mafia boss saka siya naglakad papasok ng mansyon.Nang makapasok na kami sa loob mansyong ito ay kaagad na sumalubong sa amin ang nakalinyang mga maid at butler. Lahat sila ay nakayuko na wari’y nagbibigay-galang sa mafia boss na kasama ko.“Margarette,” bigla na lamang siyang tumawag ng pangalan at isa sa mga maid ang nag-angat ng tingin saka naglakad palapit sa kanya.“S-Sir?”“Bring Sophie to her room, and also, give her a change of clothes.”Tumango naman ang babae. “O-Opo, sir.”“Go with her,” baling niya bigla sa akin.“O-Okay,” tugon ko nang hindi tumitingin sa kanya.Matapos niyon ay nagpatuloy na siya sa pag-akyat sa itaas na bahagi ng mansyon habang ang mga la
“MISS Sophie, alin po sa mga gown na ito ang gusto ninyong suotin?” tanong sa akin ng bridal stylist habang patuloy ang mga maid sa pagpapakita sa akin ng ’iba’t-ibang bridal gowns.Pinasadahan ko ng tingin ang mga gown nang walang kaemo-emosyon sa mukha ko. “Puwede bang ikaw na lamang ang mamili para sa akin?”Bakas ang pagkabigla sa mukha ng stylist. “O-Okay, Miss Sophie. Tingin ko po kung babagay sa inyo ang unang gown.”“Okay.”Pakakasalan ko ang lalaking ni hindi ko naman mahal. Noon pa man, pangarap ko na ang pakasalan ang lalaking mahal ko. Wala akong pakialam kung simple lang iyon o kung saan man kami ikakasal o kung ano ang isusuot ko sa araw na iyon. Ang mahalaga, ang groom ko ay iyong lalaking pinakamamahal ko. Pangarap ko ang magkaroon ng masaya at sarili kong pamilya noon pa man, pero tingin ko ay hindi na iyon matutupad pa.Ikinulot ng mga stylist ang buhok ko saka ito ipinusod. Nilagyan din nila ng kaunting makeup ang mukha ko, tapos isang simpleng tiara sa may ulo ko.
“THIS will be our house from now on,” sabi ni Vincent nang buksan niya ang pinto ng mansyon kung saan niya ako dinala matapos ang kasal namin. Ito ay isang mansyongmas malapit sa university kung saan ako nag-aaral at pati na rin sa school kung saan ako nagt-trabaho.Wala itong ipinagkaiba sa mansyon kung saan ginanap ang kasal namin. High-ceiling, chandeliers at salamin na mga dingding. Puno rin ng guards ang buong bahay. Maraming mga katulong, tingin ko higit pa sila sa singkwenta atsaka mayroon ding mga personal chef.“Bakit nga pala tayo lumipat dito?” tanong ko kay Vincent habang naghahapunan.“Because it’s closer to your university. Don’t you want that, since you told me that you still want to work and study?”“O-Oo. Salamat.”“Tomorrow, Venom will go with you to your university. She will stay by your side throughout the day until you go home.” dagdag pa niya.Tumangu-tango ako. “Naiintindihan ko.”“You need to be here as soon as you’re done with your work.”“Okay.”Matapos niyon
NANG hahalikan na sana ako ni Vincent ay bigla na lamang nag-ring ang phone niya.“F*ck,” mura niya saka naglakad palayo sa akin at kinuha Nag-iwas ako ng tingin mula sa ang phone mula sa bulsa niya upang sagutin ang tawag.Kaagad naman akong tumakbo at pumasok sa loob ng walk-in closet. Sumandal ako sa may pinto sa sandaling mai-lock ko na ito. Habol-hininga ako habang ang mga luha ay nagpapaunahan sa pagpatak mula sa mga mata ko. Muntik na—muntik na akong pagsamantalahan ng demonyong iyon.Anong gagawin ko? Magmula ngayon ay titira na ako sa bahay na ito kasama siya. Alam ko namang hindi ako makakatakbo mula sa kanya habambuhay. Kapag nanatili pa ako, hindi ko alam kung makaka-survive ako. Demonyo ang lalaking iyon.***“Why did you sleep inside the walk-in closet?” tanong sa akin ni Vincent habang kumakain kami ng almusal.kanya. “N- Nakatulog lang ako roon nang hindi ko namamalayan.”“You fell asleep, or you were hiding from me?”“Vincent.”“What?”Inilapag ko sa gilid ng plato an
RAMDAM ko ang pagsikip ng dibdib ko habang pinagmamasdan ko si Mr. Jacobs na nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng infirmary. Matagal ko na siyang pinagmamasdan. Matagal ko na siyang minamahal, to the point na akala ko puwede ko siyang pakasalan balang-araw at bumuo ng pamilya kasama siya, pero hanggang pangarap ko na lang pala ang lahat ng iyon. Isang pangarap na hindi na matutupad pa.“Sophie?”Nabigla ako nang bigla na lamang siyang lumingon sa direksiyon ko. Agad na tumibok nang malakas ang puso ko nang tawagin pa lamang niya ang pangalan ko. “M-Mr. Jacobs.”“May kailangan ka ba?” tanong niya sa akin saka tumayo. Naglakad siya palapit sa akin habang may matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.“W-Wala naman. M-May gusto lang sana akong ibigay sa ’yo.”Bahagya niyang itinagilid ang ulo niya. Hindi niya lang talaga alam kung gaano siya ka-cute sa tuwing ginagawa niya iyon.“May ibibigay ka ba sa akin? Ano ’yon, Sophie?”Ipinakita ko sa kanya ang iced coffee na binili ko pa sa malap