Share

CHAPTER 91: THE BIGGEST INVESTOR

“SIGURADO ka bang ayos lang na mag-isa kang pumunta ron?” tanong sa akin ni Miss Felestine.

Miss Felestine pa rin ang tawag ko sa kanya dahil hindi ko pa rin siya kayang tawaging mommy or mom. Sinabi niya rin naman sa akin na kaya niyang maghintay hanggang sa masanay na akong tawagin siyang ganoon.

Ngumiti ako sa kanya. “Gusto ko rin po kasing mag-practice na makipag-usap sa mga company investor natin. Parati nalang po kayong sumasama sa akin at madalas kayo na rin ang nagsasalita para sa akin. Tingin ko po hindi ko ma-pa-practice ang marketing skills ko kung ganoon—parati na lang po akong mag-re-rely sa inyo.”

“But I like it when you rely on me.” Ngumiti siya. “Alright then. Hahayaan kitang makipag-usap sa biggest investor natin today. He would meet you at the conference room at 10 am today.”

“B-Biggest investor? P-Pero Miss Felestine, paano kung hindi ko siya ma-convince?”

“Then we lose our biggest investor,” kaswal niyang sabi na para bang hindi iyon big deal.

“Pero—”

“I trust you,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status