Share

Chapter 2

"Lala, kanina ka pa hindi kumakain, anak. May masakit ba sayo? Nag-aalala na ang ate mo sayo..."

Naalimpungatan si Lalaria sa boses ng kayang ina. Napakusot ako siya ng mga mata at nakita niya ang ina na nakaupo sa gilid niya habang sinusuklay ng daliri nito ang buhok niya.

Nang magising siya kaninang alas sinko ng umaga ay masama ang pakiramdam niya. Parang binibiyak ang ulo niya. Pati rin ang katawan niya ay parang binugbog, hindi niya iyon maigalaw. Kaya natulog siya ulit at hindi na inabala pa ang kanyang ina, pero maghahapon na ngayon pa siyang babangon.

Napahawak siya sa noo niya. Bigla na naman iyong sumakit.

"Masakit ba sa ulo mo?" Nag-alalang tanong ng kanyang ina. Mabilis siyang umiling at sumenyas rito nna ayos lang siya.

Tumango ang kanyang ina, bago siya nito iniwan at sinabing sumunod na siya palabas.

Bumangon siya at inayos ang sarili niya. Medyo nakalihis kasi ang suot niyang damit. Napatingin din siya sa mga dibdib niya dahil tumitigas ang mga ito. Ngayon lang tumigas ng ganon ang dibdib niya. Kahit sinasabunan niya ang mga ito kapag naliligo siya hindi naman ganito katigas. Bakit ngayon... ay iba na?

Pati ba mga dibdib niya ay may sakit na rin? Lahat na lang ba sa kanya ay may sakit?

Umiling siya sa isipan niya. Sana naman ay wala siyang sakit dahil ayaw niya gumastos na naman ang ate Ynessa niya para ipagamot niya. Lalo pa na narito ang nobyo nito. Ayaw niya makita nito na umaasa lang sila sa ate niya.

Lumabas na si Lalaria sa kanilang silid at nakita ang kanyang ina na nasa hapag-kainan na kasama ang ate niya at si Orlando na pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Lumapit siya sa mga ito at naupo sa tabi ng kanyang ina. Nagdasal sila bago kumain. Napansin niyang masarap ang ulam nila ngayon at mga paborito pa niya.

"Alam kong favorite mo ang lechon manok, Lala, kaya bumili na kami ng Kuya Orlando mo kanina," bida ng ate niya.

Mabilis siyang sumandok ng kanina at tumusok ng manok. Gusto niya ang hita, pero sakto namang may tumusok din doon. Nag-angat siya ng tingin at nakitang tinidir iyon ni Orlando. Pinaningkitan niya ito ng mata at hinila ang hita ng manok, pero hinila rin nito gamit ang tinidor ang manok.

Inis niya itong inirapan at hinayaan na lang ito na kunin ang paborito niyang parte sa manok. Hindi niya alam kung nang-iinis ba ito, pero naiinis talaga siya.

Tuluyan nang nakuha ni Orlando ang hita ng manok. Pero napahinto si Lalaria sa pagsubo ng kanina nang ilagay nito sa plato niya ang hita ng manok.

"Hindi na, sayo na," tipid niyang sabi at ibinalik ang atensyon sa kinakain. Matapos nitong makipag-agawan kanina ay ibibigay rin pala sa kanya.

"Sayo na. I'll take the breast part," kindat nito sa kanya at tuluyan na inilagay sa plato niya ang manok.

Napatingin naman siya sa ate niya na nakangiting nakikikwentuhan sa kanilang ina. Hindi niya maintindihan ng pinag-uusapan ng mga ito, pero mukhang tungkol iyon sa trabaho ng ate niya.

Muli siyang sumubo. Lihim din siyang napangiti at kinagat ang hita ng manok.

"Thank you," bulalas niya, pagtutuloy sa hita. Ngumiti siya kay Orlando at napahinto naman ang binata. Nakita niya ang paggalaw ng lalamunan nito. 

May nasabi ba siyang mali? Nagpasalamat lang naman siya.

Matapos nilang kumain ay niligpit na nila ang lamesa. Ang ate Ynessa na lang daw niya ang maghuhugas ng mga pinagkainan kaya kinuha na lang ni Lalaria ang dalawang balde para igiban ng tubig doon sa balon.

Lumabas siya sa likod at tinungo ang balon. Medyo madilim na dahil walang buwan ngayon at tanging mga bituin lang nagniningning sa kalangitan ang mayroon.

Pero gayunpaman, ligtas ang lugar nila. Kahit lumabas ka pa ng madaling araw ay walang mangyayari sayo. Makakauwi ka pa rin ng ligtas.

Malapit na siya sa balon ng biglang may humawak sa balikat niya kaya natigilan siya.. Titili sana siya nang may tumakip naman sa bibig niya. Pakiramdam niya ay nakayakap na ang taong nasa likod. Nagpupumiglas siya sa takot na baka nakarating na masamang tao sa bayan nila.

Sa pagpupumiglas ni Lalaria y lalo lang humihigpit ang yakap nito sa kanya. May naramdaman pa siyang matigas na bagay sa likod niya na tinutusok siya. Alam niyang lalaki, malakas, at matangkad ang tao sa likuran niya dahil matigas ang mga braso nito.

"Huwag ka maingay. Magigising mo ang mga baka."

Natigilan si Lalaria nang marinig ang boses ni Orlando. Mabilis niyang inalis ang kamay nito sa balikat niya at inis itong hinarap. Paano na lang kung may sakita siya sa puso, edi inatake siya sa takot?

"Anong ginagawa mo rito?" nakataas ang kilay niyang tanong.

"Pinapunta ako ng ate mo para tulungan ka."

Ilang sandali la silang nagkatinginan, bago pumihit si Lalaria at nagpatuloy sa paglalakad. 

"Eh bakit ayaw mo magising ang mga baka?"

Hindi sumagot si Orlando. Sinabayan lang siya nito sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa balon.

"Takot ka sa baka?" Natatawang tanong niya rito, pero hindi pa rin ito sumagot. "Takot ka sa baka?" pag-uulit niya pa, inaasar ito. "Bumalik ka na roon kay ate at baka magising ang mga baka."

Suplado itong tumingin sa kanya. Mukhang hindi natutuwa sa mga biro niya. "Hindi ako babalik doon. tutulungan kitang mag-igib ng tubig. Hindi ka dapat kumuha mag-isa ng tubig sa ganitong kadilim na lugar. Mapanganib para sayo."

Narinig niya ang malalim nitong paghinga at lumapit ito sa kanya, para kunin ang dalawang baldeng. Parang nakuryente si Lalaria nang magdampi ang mga kamay nila. Biglang dumaloy sa katawan niya ang mainit na pakiramdam na iyon sa kaibuturan niya, kaya agad siyang napalayo rito.

"What's wrong?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala niya. Sinipat pa nito ang katawan niya mula ulo hanggang paa para lang tiyakin na ayos lang siya.

"W-Wala..." Mabilis niyang ng tingin dito. Nabigla pa siya nang biglang may umilaw sa kamay nito at itinapat iyon sa mukha niya.

"Hawakan mo ang cellphone ko, ako ang sasalok ng tubig."

Mabilis naman niyang kinuha ang cellphone nito para tanglawan ang lalim ng balon. Akala pa niya ay hindi ito marunong umigib ng tubig. Iyon pala ay kayang-kaya nito at parang balewala lang rito ang ginagawa. Ang tigas ng mga braso nito na nakikita ang mga ugat sa tuwing hihilahin ang timba na puno ng tubig.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Orlando. Hindi naman sinasadya na mapatingin doon si Lalaria at mabasa ang mensahe.

"May nag-text yata sayo. Pasensya na, nabuksan ko," mahina niyang sabi at iniabot ang cellphone rito.

"Sino?" Hindi iyon kinuha ni Orlando at nagpatuloy lang sa pagsalok ng tubig.

Babasahin ba niya? Ayos lang kaya iyon?

"Elijah... Moretti," sagot niya.

"My brother?" Pinihig ni Orlando ang ulo at Sumulyap kay Lalaria nang banggitin nito ang lalaking nagngangalang Elijah Moretti.

"May mga anak na raw ang kapatid mo."

Mas lalong natigilan si Orlando sa narinig. Kumunot ang noo nito, parang tinatantiya pa kung tama ba ang nabasa ni Lalaria. Pero sa huli, natawa na lang ito kahit hindi alam ni Lalaria kung anong nakakatawa sa kapatid nito at pagkakaroon ng mga anak.

"Your last name is Moretti?" curious na tanong ni Lalaria, mahina lang iyon at sapat lang para marinig ni Orlando.

"Hmm," sagot ni Orlando at tumango. "Orlando Moretti."

"Anong trabaho mo?" Huli na nang mapagtanto ni Lalaria ang tanong niya. Masyado ata iyong personal. Dapat pala ay ang ate Ynessa na lang siya ang tinanong niya.

Hindi agad sumagot si Orlando. Lumipas ang tatlong minuto at hindi pa rin ito nagsasalita. Ang buong akala ni Lalaria ay hindi na talaga ito magsasalita, pero nag mapuno na nila ang tapayan ay muli itong nagsalita.

"I own a shipping company."

Umawang ang bibig ni Lalaria. Ganon lamang ang pagkagulat niya nang malaman na hindi lang pala ito mayaman—Sobrang yaman pala nito. Bigtime na bigtime.

Swerte talaga ang ate Ynessa niya.

"Can I take a bath here?"

Tumango si Lalaria. "Dito kami dati naliligo. Presko ang tubig dito."

"Bakit hindi kayo sumama sa ate Ynessa mo para roon manirahan sa Maynila?"

"Ayaw iwanan ni inay ang bahay rito."

"What about you? Ayaw mo rin ba?"

Ang totoo, gusto maranasan ni Lalaria ang buhay sa Maynila. Gusto niya makita ang mga nagtataasang mga building, ang mga magandang restaurant, at mga pasyalan. Pero kung susunod siya sa ate Ynessa niya roon, paano ang inay nila rito?

"Oo naman. Maganda rito, tahimik... at sariwa ang hangin," pagsisinungaling niya.

"But at least try to visit. You'll enjoy."

Mabilis siyang tumingin sa malayo nang maghubad ito ng damit sa harapan niya. Pati ang pantalon nitomg suot ay hinubad din. Kahit medyo madilim ang paligid ay nakikita niya pa rin ito kaya tumalikod na siya dahil pansin niyang uminit ang mukha niya sa hindi niya alam na kadahilanan.

"Hindi ko makita ang balon. Bakita ka ba nakatalikod?" natatawang tanong nito. "Tumagilid ka lang."

Mabilis naman niya itong sinunod. Ramdam pa rin niya ang pamumula ng pisngi. Wait, nagba-blush ba siya?

"Pahawak naman ng damit ko, baka mabasa."

Hindi namalayan ni Lalaria na nasa likod na niya pala ito inabot ang damit. Mabilis niya iyong kinuha. Matapos nilang maligo at isuot ang pantalon niya at humarap na ako. Wala pa rin siyang suot na pang itaas, pero at least mas desinte iyon kaysa kanina.

Lihim naman siyang napalunok nang hindi sinasadyang masulyapan niya ang mabato nitong pangangatawan. Maputi at makinis ang balat. May mga guhit din ito sa parte ng katawan na lalong nagbigay ng kakisigan.

Lumingon ito sa kanya at ganoon nalang ang bilis ng tibok ng puso niya nang unti-unti itong lumalapit sa kinaroroonan niya. Napaatras siya, pero huli na dahil nasa harap na niya ito.

Nanginginig siya sa kaba nang bumaba ang mukha nito sa mukha niya. Hindi niya alam ang gagawin, kaya napapikit nalang siya sa kaba.

Naramdaman na lang niya ang pagdampi ng kamay nito sa buhok niya, pagapang sa itaas.

"Ang dami mong bula sa buhok. Natalsikan ka ata pagsabon ko."

Agad na napamulat si Lalaria nang magsalita si Orlando, at alisin lahat ng bula sa buhok niya.

Natatawa pa ito sa reaksyon niya kaya ramdam niya ang kahihiyan.

Umismid siya at padabog na tumalikod. Binuhat niya ang balde pero masyado pala iyong mabigat dahil punong-puno kaya nabitawan niya iyon at nadulas.

Inaasahan niyang babagsak siya sa lupa at tatama ang pwet niya. Pero isang matigas na braso ang sumalo sa kanya para iwasan na mahulog siya sa lupa.

Sunod-sunod ang naging paglunok niya at mariing napakapit sa balikat ni Orlando para balansehin ang kanyang katawan. Ilang inches lang din ang layo ng mga mukha nila sa isa't-isa at kung may makakakita sa kanilang dalawa ngayon ay iisipin na naghahalikan sila. Kaya hindi niya tuloy alam ang gagawin kung aabante pa para huwag lumapat ang buhok sa lupa, pero maglalapit naman ang mga mukha nila. O hahayaan na lang niya ang sarili madumihan sa putikan.

"Hindi ka nag-iingat," malambing na sabi ni Orlando. Hindi niya mawari kung naglalambing ba ang tono nito o sa pandinig niya lang iyon. "Paano kung tumama ang ulo mo sa bato?"

Bakit naman maglalambing sa kanya ang nobyo ng ate niya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status