Share

Chapter 3

"Bakit naman aalis kayo agad bukas, Ynessa?" malungkot na tanong ng kanilang ina. "Ang akala ko pa naman ay magtatagal kayo rito."

Ngumuso naman si Ynessa at dinaluhan ang ina para lambingin. "Maraming meeting na kailangan puntahan si Orlando, inay. Ako naman, hindi naka-leave. Gusto naman sana naman magtagal dito, pero hindi talaga pwede."

"Ganun ba, anak? Naku, ngayon palang ay namimiss na kita. Pati itong si Orlando. Napakabait, at maalagang ng noybo mo Ynessa."

Natawa naman si Orlando sa sinabi ng matanda. Buong-buo at malalim ang boses nito, Iyong tipo ng boses na nakakahalina sa pandinig na kahit hindi mo tingnan ay alam mo talagang makisig at gwapo itong lalaki.

Ano ba naman yang iniisip mo, Lala?

Pagalit niyang sermon sa sarili. Iwinaksi niya ang ulo sa mga pumapasok sa utak niya dahil kung ano-ano na lamang iyon. Nakakahiya sa ate Ynessa niya kapag nalaman nitong nag-iisip siya ng ganong mga bagay sa nobyo nito.

"Ikaw ba, Lala, mamimiss mo rin ba kami?" tanong ng ate Ynessa niya na nagpabalik sa kanya sa wisyo.

Nag-angat siya ng tingin at tumingin sa ate niya. Hindi niya inaasahan na nakatingin din si Orlando sa kanya at naghihintay ng sagot.

"Mamimimiss kita, ate... Mamimimiss ko kayo..." mahina niyang sagot. Totoo naman iyon, hindi niya alam kung kailan na naman sila magkikita ng ate niya at ganon din si Orlando.

"Huwag kayong mag-alala, sa susunod na buwan ay pipilitin namin dumalaw," anunsyo ng ate niya at kusa siyang napangiti doon. Ibig sabihin ay hindi na aabutin ng ilang taon bago ulit sila magkita.

Kung totoo man ang sinasabi ng ate niya ay parang lumukso ang puso niya sa tuwa na babalik ang mga ito at dadalaw. Para tuloy nabuhayan siya at nagkaroon ng lakas.

"Lala, tapusin mo na ang kinakain mo at maglalaba tayo sa batis. Bakit nakatulala ka riyan?" Pukaw sa kanya ng ina. Napakurap naman si Lalaria at nahihiyang bumalik sa kinakain.

"Kailan mo pala pakakasalan ang anak ko, iho?"

Napaubo naman si Orlando's sa tanong ng matandang Buenaflor. Kusang kumilos ang mga kamay ni Lalaria at inabutan ito ng tubig para uminom.

"Inay, ano ka ba naman. Nakakahiya kay Orlando, wala pa kaming isang taon. Pinaplanuhan naman namin, pero wala pa talagang exact date."

Doon na nag-angat ng tingin si Lalaria. Nakita niya kung paano ngumiti ang ate Ynessa niya at kung paano naman haplusin ni Orlando ang palad ng ate niya. Sa tuwing tinititigan niya ang ate niya at si Orlando ay bagay na bagay talaga ang dalawa sa isa't-isa.

"Hayaan mo, inay, kapag may exact date na kami ay syempre, ikaw ang una naming sasabihan at si Lala. Pero sa ngayon, masyado pa kaming busy."

Muling sumulyap si Lalaria kay Orlando, pero nakatingin na pala ito sa kanya.

"Inay, mauuna na ako sa batis." Tumayo na siya at mabilis na naglakad palabas ng bahay. Pakiramdam niya kasi ay naninikip ang dibdib niya, pero hindi niya alam kung bakit.

Malapit lang din ang batis sa bahay nila kaya wala pang ilang minuto, naririnig na niya ang daloy ng tubig na umaaagos mula sa itaas ng bundok pabagsak sa talon, na siyang umaagos sa batis. Nagsisimula na rin mamukadkad ang mga ligaw na bulaklak, tanda na summer na.

Naupo si Lalaria sa mga bato habang nakatanaw sa bumabagsak na tubig. Nalulungkot niyang pinagmamasdan ang daloy ng tubig na umaagos sa iisang direksyon lang. Malinaw ang tubig at sariwa na nanggaling pa sa bundok.

Kapag nalulungkot siya ay dito siya pumupunta at nagpapalipas ng oras. Sa lugar na ito ay nakaramdam siya ng kapayapaan at linaw ng pag-iisip.

Napahinto siya nang marinig ng makarinig ng mg yapak na papalapit. Mukhang nakasunod na ang ate Ynessa niya at ang kanilang ina.

Nagpaskil siya nga mga ngiti sa labi at humarap. "Ang tagal niyo naman!" reklamo niya. Pero hindi ang ate Ynessa niya o ang ina ang bumungad sa kanya, kundi si Orlando.

"Nasaan... sila inay? Bakit Ikaw lang ang narito?"

Tinanaw pa niya ang bahay nila, pero nang makita na nakasaro iyon ay kumunot ang noo niya.

"Umalis sila ng ate Ynessa mo para bumili ng panaghalian."

"At nagpaiwan ka?" may bahid ng pag-aakusa ang tanong niya.

"Of course not," suplado nitong sabi. "Iniwan nila ako para magbantay sayo."

Pinaningkitan niya ito nang mata, winawari kung nagsasabi ng totoo. Bakit naman siya pababantayan ng ate niya eh? Pero bakit din naman magpapaiwan si Orlando at hindi sasama sa palengke, gayung naroon ang nobya nito?

Bumalik si Lalaria sa kinauupuan kanina at pumulot ng bato para ibato iyon sa tubig. Ilang ulit pa niya yun ginawa at maya-maya lang ay gumaya na si Orlando sa kanya.

Umupo rin ito sa tabi niya at inilagay ang paa sa tubig. Mula sa peripheral vision ni Lalaria ay nakikita niya na panay ang sulyap ni Orlando sa kanya, pero hindi na lang niya iyon pinapansin.

"Madalas ka ba dito?" basag nito sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Tumango siya sa tanong nito. Ginawa na niya nang tambayan itong lugar. Paminsan din ay dito siya nagbabasa ng mga libro. Ginugugol niya dito ang kanyang oras kapag walang trabaho, o kaya naman ay tapos na ang gawaing bahay.

"Aren't you not going to swim? Mamaya pa kayo maglalaba. Sayang naman ang araw kung hindi ka maliligo." Napansin niyang naghuhubad na ng pang itaas na damit si Orlando at handa na tumalon sa tubig. "Tara!" Ngumiti ito sa kanya ay sumenyas na maligo silang dalawa. 

Naghubad din naman ito ng damit kagabi sa harapan niya, pero mas Malala ang pag-iinit ng pisngi niya ngayon dahil kitang-kita niya ang kabuohan ng hubad nitong itaas.

"Ayaw mo talaga maligo?" ulit pa nito.

"Hindi ako maliligo!" Kunwari'y inis niyang sabi at binato ito ng bulaklak. Humakhak ito at sunod namang hinubad ang pantalon. Masyadong itong komportable sa kanya, samantalang siya ay halos lagutan na ng hininga sa mga ginagawa nito.

Ilang segundo lang ay narinig na ni Lalaria na ang malakas na pagkahulog sa tubig na tanda nang nasa tubig na si Orlando.

Humarap na siya sa tubig at kitang-kita niya kung paano lumangoy ito. Mukhang nawiwili talaga dahil pinapautang pa ang sarili.

Gustuhin man niyang sumama maligo dito ay hindi naman pwede. Hindi kasi siya marunong lumagoy kahit pabiro niyang tambayan ang mga anyone tubig.

"Magtatagal ba sila ate sa palengke?" sigaw niya kay Orlando na nakalubog sa tubig.

Hindi ito sumagot. Noong una ay akala ni Lalaria na hindi lang siya nito narinig. Pero matapos ang limang minuto ay wala pa rin na Orlando na umaahon sa tubig.

Lumapit siya at nilibot ang tingin sa paligid ng tubig, pero wala ang katawan ni Orlando. Bigla naman siyang binundol ng takot na baka nalunod na ito o tinangay ng agos.

"Orlando?" pagtawag niya rito, umaasa na sasagot ito. "Orlando!"

Nakagat niya ang ibabang labi. Nanginginig na naman ang mga kamay at tuhod niya sa kaba. Kapag may nangyaring masama kay Orlando ay tiyak na siya ang sisisihin ng ate Ynessa niya.

Pero ano ang gagawin niya?

"Orlando!" buong lakas niyang sigaw, pero wala pa rin Orlando na nagpapakita mula sa ilalim ng tubig.

Pumwesto si Lalaria sa gilid, at walang sabi-sabi na tumalon sa tubig.

Ang buong akala niya ay mababaw lang ang tubig sa mga batis. Pero hindi pala, malalim din pala ito.

Sinubukan niyang ikampay ang mga paa para umangat, pero unti-unti siyang lumulubog. Nalulunod siya!

"T-Tulong!" saklolo niya, may luha na sa mga mata. "Tulong! Tulungan niyo ako!"

"Lala?" Hindi niya alam kung boses ba ni Orlando ang huli niyang narinig nang tuluyan na siyang lumubog sa tubig. Pero nakatiyak siya na si Orlando nga iyon nang suungin nito ang ilalim ng tubig at languyin siya, para maiahon.

Naghahabol hininga siya nang makarating sila sa gilid ng batis. Walang humpay ang pag-ubo niya at lumalabas doon ang mga tubig na nainom niya.

"Hindi ka marunong lumangoy?" galit na galit tanong sa kanya ni Orlando. "Bakit tumalon ka?"

Umangat siya ng tingin dito at sinamaan ito ng tingin. "Dahil akala ko ay nalulunod ka! Akala ko ay naroon ka na sa ilalim ng tubig at wala ng malay!"

Pinunas niya ang luhang Tumutulo sa mga mata. Agad naman siyang dinaluhan ni Orlando para himasin ang likuran niya.

"I... I was just pranking you..." mahinang sabi nito nang mapagtanto na ito talaga ang may kasalanan. "I'm sorry, Lala."

Halos kalahating oras sila sa ganong sitwasyon, walang nagsasalita. Umiiyak lang si Lalaria, at pinapatahan naman siya ni Orlando.

"Halika na, baka nakabalik na ang ate mo." Inilabas ni Orlando ang kamay sa harapan ni Lalaria para tulungan ito tumayo, pero hindi iyon tinanggap ni Lalaria.

Nauna siyang maglakad dito nang hindi ito nililingon. Naiinis siya. Kahit pa prank lang iyon ay hindi pa rin nakakatuwa.

Hindi siya dumaan sa dinaanan niya kanina. Kumaliwa siya dahil ayaw niya makasabay si Orlando sa pag-uwi. Malayo ang daan na tinahak niya, pero doon din naman ang labas non malapit sa bahay nila.

"Nakuha ko na ang loob ni Orlando."

Napatigil sa paglalakad si Lalaria nang marinig ang boses ng ate niya sa di kalayuan. Mabilis niyang hinahanap kung saan nanggaling ang boses at nakita naroon ang ate niya sa malaking puno, sa dulo. Kaharap nito ang isang lalaki na pula ang buhay at may tattoo sa leeg.

Anong ginagawa ng ate niya rito? Sino ang kausap nitong lalaki? Ang sabi ni Orlando ay nasa palengke ito?

"Good," tugong lalaki at hinaplos ang mukha ng ate Ynessa niya. "Alam mo naman na ginagawa natin ito para sa atin, hindi ba? Para magkasama na tayo at bumagsak ang mga Moretti."

Mas lalong nangunot ang noo ni Lalaria sa mga narinig.

Anong ibig sabihin ng lalaki? Bakit papabagsakin ng ate Ynessa niya at ng lalaking ito ang mga Moretti? Hindi ba't pamilya ni Orlando ang mga Moretti? At boyfriend ng ate niya si Orlando, na isang Moretti?

"Alam ko yun, Ringo..." malambing na turan ng ate niya at ngumiti sa lalaki. "Kaya titiisin ko ang mapalayo sayo dahil mahal kita. Kahit ano ay gagawin ko para sayo."

Umawang ang bibig ni Lalaria.

Ang ate na iniidolo niya... ay nanggagamit ng tao?

Pero bakit? Anong kasalanan ng pamilya Moretti sa lalaking kasama ang ate niya?

"Kapag ikinasal na kami ni Orlando ay magiging miyembro na ako ng pamilya nila. Malalaman na natin kung saan nakatago ang safe."

Tumango-tango ang lalaki at hinapit ang bewang ng ate Ynessa niya, at tsaka ito siniil ng halik.

"What are you doing here?"

Kumalabog ang puso ni Lalaria nang marinig ang boses ni Orlando sa likuran niya. Mukhang sumunod ito sa kanya.

Akmang sisilip si Orlando para tingnan ang dahilan kung bakita siya natigilan, pero mabilis siyang hinila ni Lalaria para ibagsak sa damuhan.

Hindi niya alam kung bakit niyo iyon ginawa. Pero hindi pwedeng makita ni Orlando ang ate Ynessa niya at ang lalaking iyon na magkasama. Natatakot siya na baka magkagulo.

Kailangan niya makausap ang ate niya na huwag ituloy ang binabalak nito at iwan na lang si Orlando kung ganon din lang ang gagawin nito. Hindi sila pinalaki na manlokoko ng kanilang ina. She needs an explanation from her sister kung bakit ganon na lamang ang kagustuhan nito na masira ang mga Moretti.

"What the hell are you—"

Tinakpan niya ang bibig ni Orlando at pumaibabaw siya rito. Pero pilit naman na inaalis nito ang kamay niya at pilit ding bumabangon mula sa pagkakahiga sa damuhan.

Wala ng  ibang naiisip na paraan si Lalaria. Wala siyang choice. Inalis niya ang kamay na nasa bibig ni Orlando, at ipinalit doon ang labi niya. Pero laking gulat niya nang hilahin siya nito at igalaw ang labi nito na nasa labi niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status