Share

Kabanata 2

"UHM!" mahinang ungol ni Damon habang kumikiling ang ulo sa kanan at kaliwa habang mahimbing siyang natutulog. Mula sa panaginip niya, nakikita niya ang lalaking may hawak na baril at nakatutok sa kaniyang mga magulang hanggang sa ipinutok iyon ng lalaki at natamaan ang kaniyang Ina at Ama, saka nawalan ng buhay. "No!" 

Humahangos na napaupo siya sa kama habang sapo ang dibdib dahil sa masamang bangungot na hindi na ata nawawala sa bawat pagtulog niya. Ramdam niya ang malalamig at butil-butil na pawis sa noo niya habang habol ang paghinga. Pumikit siya ng mariin at ipinilig ang ulo para iwaksi ang masamang panaginip mula sa nakaraan na hanggang ngayon ay hinahabol siya.

Muli na namang nabuhay ang galit sa dibdib niya at ang kagustuhan niyang ipaghiganti ang mga magulang niya laban sa mga pumatay rito. Hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang hustisya na matagal na niyang hinahanap. Nakuyom niya ang mga kamao sa galit dahil sa tuwing naaalala niya ang nangyari, bumabalik sa isip niya ang sakit at hirap na pinagdaanan niya.

Walong taon si Damon nang masakasihan niya kung paano patayin ang kaniyang mga magulang ng mga hindi niya kilalang lalaki. Naiwan siyang mag-isa habang dala-dala ang trauma at pangungulila sa pagkawala ng mga magulang niya. Nagtiis siya sa lahat ng hirap.

Hanggang sa isang araw, nakilala niya si Leopoldo Trevino, ang mayaman at maimpluwensiyang bussineman sa bansa. Kinupkop siya nito, pinakain, pinag-aral, binihisan at binigyan ng bagong pagkatao sa katauhan ni Damon Falcone. Habang tumatagal, mas naiintindihan niya ang nangyari hanggang sa nabuhay ang kagustuhan niyang maghiganti dulot ng galit niya. Kinuha ng mga iyon ang taong pinakamahahalaga sa kaniya at ngayon na kaya na niyang hawakan ang batas, magagawa na niya ang paghihiganti.

Napalunok si Damon at pinahid ang pawis sa noo niya. Madilim ang paligid ng silid niya sa mansyon ng mga Dawson kung saan siya nagtatrabaho. Isang taon na siya roon bilang bodyguard ng negosyante at maimpluwensiya si Greg Dawson subalit inilipat siya nito para bantayan ang anak nitong si Savannah, na hindi man niya gusto, wala siyang magagawa dahil utos iyon ng kaniyang Boss.

Nang makalma niya ang sarili, nagpasiya siyang bumaba ng kama at lumabas ng silid para uminom ng tubig na kailangan niya dahil pakiramdam niya ay nauhaw siya sa nakakahindik niyang panaginip na parang kahapon lang nangyari.

Binuksan niya ang refrigerator at kumuha roon ng tubig at agad na ininom. Ginhawa ang naging hatid niyon nang maramdaman niya ang malamig na tubig na dumaloy sa lalamunan niya. Matapos niyang uminom, pumihit na siya pero bahagya siyang nagulat nang bumungad sa kaniya si Savannah na nakasuot ng manipis na sandong pantulog na kung titingnan, makikita ang sexy nitong katawan na halos lumantad iyon. Pumamulsa siya.

"What are you doing here?" masungit na tanong nito sa kaniya. Tiningnan niya lang ito ng seryoso, ni hindi siya umimik. Naglakad na siya at nilampasan lang ang dalaga. "Hey! Tomorrow at six in the morning, aalis tayo," pahabol nito. Huminto lang siya saglit at nagpatuloy na sa paglakad patungo sa silid niya. Inirapan lang siya ni Savannah.

Kinaumagahan, maaga siyang nagising na hindi na bago sa kahit kaninong kilala si Damon. Maaga siyang naligo at inayos ang sarili bago lumabas ng silid niya, suot ang black suit na dinaig pa niya ang isang businessman pero ang totoo, bodyguard lang siya.

"Let's go, Damon I shouldn't be late," mataray na sambit ni Savannah nang madatnan siya nito sa sasakyan. Ni hindi siya nito nilingon at dumeretso sa loob ng sasakyan.

Sumakay siya sa driver's seat at agad pinaandar ang sasakyan. Abala ang kasama niya sa pagtipa ng cellphone habang nakangiti ito. Nagpokus lang siya sa kalsada at sa pagmamaneho ng sasakyan.

Ilang minutong byahe at huminto ang sasakyan sa isang malaking building na sa hula niya, isa iyon sa mga agency na gustong kumuha kay Savannah bilang modelo. Pinagbuksan niya ito ng pinto ng sasakyan habang paling-linga siya sa paligid para magmasid sa mga kahina-hinalang mga tao.

"Can you please stay outside, Damon? You're not my manager, baka pagkamalan ka pang Kuya ko," pigil ni Savannah sa kaniya nang akmang sasama siya sa loob ng silid sa second floor ng gusali kung saan sila pumunta.

"It's better than to think that we're a couple, isn't it?" walang emsoyong sagot niya. "I'll wait you outside and don't you dare to escape from me because you can't," banta pa niya dahil alam na niya ang ginagawa nito kapag ayaw nito sa bodyguard.

"Sa tingin mo makakatakas pa ako sa iyo, eh, wala namang ibang pinto bukod dito?" sarkastiko sagot nito at inirapan siya. Hindi na lang siya umimik at straight na tumayo sa tabi ng pinto habang palinga-linga sa paligid. Pumasok na si Savannah sa silid.

Napakunot ang noo ni Damon nang makita niya ang pamilyar na bulto sa dulong bahagi ng hallway habang kasama nito ang tatlong lalaki na halatang mga businessman dahil sa suot ng mga ito at lahat sila'y kilala niya. Umiwas siya at bahagyang tumagilid para hindi siya makita ng mag ito.

"Timmy?" mahinang bulong niya sa pangalan ng lalaking iyon. Si Timmy ang pinakapinagkakatiwalaan ni Greg Dawson at alam niya ang galawan nito. Ano'ng ginagawa ni Timmy roon at bakit kausap nito ang mga investors ng Leo Distillery na pag-aari ng kaniyang kinikilalang ama na si Leopoldo Trevino. Ano na namang binabalak nila laban sa ama-amaan niya?

Ilang sandali pa siyang naghintay bago lumabas si Savannah kasama ang pamilyar na lalaki. Seryoso niya itong tiningnan at sinuri. Matangkad rin ito pero 'di hamak na mas matangkad siya. Sa pagkakatanda niya, Mathias ang pangalan nito at napabalitang karelasyon ni Savannah pero noon pa man, hindi na maganda ang tingin niya rito.

"Why you're looking at, Damon? Bukod ba sa pagiging bodyguard ko, trabaho mo na ring suriin ang mga taong kasama ko sa trabaho?" tanong ni Savannah.

Ngumiti ang lalaking kasama nito. "A bodyguard, huh? Kaya ka bang ipagtanggol ng bodyguard mo? He looks like he's just being cool pero walang kakayanang iligtas ka," pasaring nito sa kaniya na agad nagpantig ang tainga niya. "So, let's go?" baling nito kay Savannah.

Nang akmang aakbay si Mathias kay Savannah, mabilis siyang kumilos at nahawakan niya ang kamay nito at mabilis na nailagay sa likod nito kasabay ang paghigpit ng hawak niya rito. Napaigtad ito. Napangiwi pa ang lalaki at napaungol dahil sa ginawa niya.

"Damon, ano ba? Stop it! Hindi siya masamang tao," agad na pigil ni Savannah na kunot ang noo at bakas ang inis sa kaniya.

Hindi siya umimik, saka marahas na binitawan si Mathias na napahawak sa kamay at nakangiwi dahil sa sakit. Napangisi siya dahil sa ginawa niya. Hindi siya basta-bastang tao at higit na ayaw niya, 'yong minamaliit siya.

"Baliw ba 'yang bodyguard mo, Savannah? He's so aggressive," reklamo nito habang nakakunot ang noo.

Ngumiti siya at nilapitan ito, agad naman itong napaatras at nag-aalangan siyang tiningnan. "Now, tell me if I can't protect Savannah? Don't underestimate me because you don't know what I can do," banta pa niya rito dahil hindi niya gusto ang tabas ng dila nito.

"Damon, stop! You're just my bodyguard at hindi ikaw si Daddy para gawin ang gusto mo sa mga lalaking kasama at katrabaho ko," galit na sambit ni Savannah sa mataas na tono na tila may kaguluhan iyon. Bumaling ito kay Mathias. "Let's go, Mathias. I'm sorry for that dahil mukhang asong gustong mangagat ang naisama ko," dagdag pa nito na siya ang tiningnan sa huling mga sinabi.

Gusto niyang manakit kung pwede lang dahil sa sinabi ni Savannah. Hindi niya gustong may kahit sino'ng umiinsulto sa kaniya, nagagalit siya. Seryoso niyang tinitigan ang dalaga gamit ang matalim na mga tingin. Nilapitan niya ito na agad bumakas ang kaba sa mukha nito.

"Alam mo ang ayaw ko sa lahat? 'Yong iniinsulto ako," mariin niyang sabi at marahas na hinawakan si Savannah sa braso at hinila palayo sa lalaki. Susubukan pa sana ni Mathias na pigilan siya pero agad din itong natakot.

"Damon, ano ba? Can you please let me go? Nasasaktan ako, ano ba?!" angil nito habang pilit hinihila ang kamay. "Kapag hindi mo ako binitawan, isusumbong kita kay Daddy, alam mo ang kaya niyang gawin," pananakot pa nito.

Napahinto siya sa narinig at mas gumuhit ang galit sa mukha niya. Hinarap niya si Savannah. "Alam na alam ko ang kayang gawin ng Daddy mo, Savannah," mariing sabi niya na tila may kahulugan iyon. Napayuko naman ang dalaga na bakas ang takot. 

Hindi na umimik si Savannah at nagpadala na lang sa kaniya hanggang makarating sila sa sasakyan. "Nababaliw ka na talaga, Damon! Sino ka ba sa akala mo? You're not my Daddy and even my Kuya kaya bakit kung umasta ka akala mo isa ka sa kanila?" galit na bulyaw nito sa kaniya.

Napamaywang siya. "You're right, hindi ako ang Daddy mo, I'm just your bodyguard and you don't have a right to insult me, Miss Dawson."

Ngumisi ito. "You think I don't have a right? Remember, my family paid you for your work, so basically, kami ang nagpapakain sa iyo at sa pamilya mo kaya may karapatan akong sabihin ang gusto kong sabihin," giit nito.

Mas lalo siyang nakaramdam ng galit dahil doon. Napaatras si Savannah nang lapitan niya ito habang matalim ang mga tingin. Napasandal ito sa sasakyan. Kinulong niya ito sa pagitan ng mga braso niya habang nakatuon sa kotse ang mga palad. Bakas ang takot sa mukha ni Savannah. "Sa tingin mo ang perang mayroon kayo, sapat para mang insulto ka ng ibang tao?" balik na tanong niya. Matalim niya itong tiningnan at hinawakan ulit sa braso. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pinapasok ito roon. Sumakay na rin siya at agad pinaandar ang sasakyan palayo.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
ginalit mo si Damon Savannah bakit mo naman Kasi inunsulto siya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status