Share

Chapter 11

TULUYANG naibaba ni Monica ang kaniyang cellphone at pumihit paharap kay Federico.

“Ah, kinausap ko lang ang tiyahin ko. Kinukumusta kasi niya si Kenji, na-miss na niya,” pagsisinungaling niya.

“And why did you end the call?” usig nito.

“Ha? H-Hindi ko itinigil ang tawag! Katatapos lang namin mag-usap ni Tita nang dumating ka.”

“Okay. But why are you here? Mahina ba ang signal sa kuwarto mo?”

“M-Medyo. Baka kasi magising si Kenji sa ingay ko. Kulob pa naman ang kuwarto,” palusot niya.

Matabang siyang ngumiti nang mapansin si Federico na naglalakbay ang titig sa kaniyang katawan. Hanggang sa mapadalas ang titig nito sa gawi ng kaniyang dibdib. Napapiksi pa siya nang maalala na wala siyang suot na bra, tanging manipis na puting t-shirt lang. Maliligo na kasi siya at mas gustong t-shirt lang ang suot at panties. Gabi naman at walang ibang tao sa bakuran.

Dagli naman niyang tinakpan ng mga kamay ang kaniyang dibdib. “Pasensiya na, maliligo din kasi ako sa pool kaya ito lang ang suot ko,”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status