NO choice na si Monica kundi tanggapin ang trabahong alok ng kaibigang si Terra. Kailangan niya ng malaking sahod dahil lumalaki na ang kaniyang anak. Magkasunod ba naman ang kamalasang dinanas niya mula sa Japan. Halos tatlong taon na rin ang lumipas simula noong matanggal siya sa trabaho sa Japan. Nalaman kasi ng boss nila na buntis siya.
Obligado siyang umuwi ng Pilipinas na may lamang sanggol ang sinapupunan. Hindi naman niya sinisi ang anak niya sa kamalasang iyon, kundi ang sarili niyang natukso sa estrangherong lalaki. Ni hindi niya nalaman ang pangalan niyon dahil walang picture sa list ng bisita ng bar, mga pangalan lang. Kahit naman may picture ay mahirapan siyang mamukhaan dahil may takip sa mga mata ang lalaki. Saan niya hahanapin ang lalaki sa isang libong pangalang nasa listahan?
Nag-move on na siya sa kagagahan niya. Kaso, ilang buwan lang pag-uwi niya ng Pilipinas, namatay ang tatay niya dahil sa stroke. Ang nanay naman niya ay sumama sa lalaki nito at iniwan siya sa kaniyang tiyahin. Mabuti hindi rin siya pinabayaan ng kaniyang tiya. Ito ang nag-aasikaso sa anak niya sa tuwing may trabaho siya.
Dalawang taon na rin ang anak niyang lalaki at sobrang pogi. Hula ng kaniyang tiya, may lahing Italiano ang tatay ng anak niya. Parang baliw na pinapa-scan pa niya sa computer ang picture ng anak niya upang mahanap ang kamukha nitong lalaki. Marami naman itong kahawig sa mga latino. Ang generic ata ng mukha ng tatay nito.
“Ano na, Monica, papatusin mo ba ang trabaho?” tanong ni Terra. Naroon sila sa bar kung saan siya part-time waitress.
Two years graduate siya ng bartending pero mas gusto niyang mag-serve ng pagkain kasya mag-asikaso ng alak.
“Magkano na nga ang suweldo ka’mo?” muling tanong niya sa kaibigan. Palabas na rin sila ng bar at off-duty na niya.
Alas-tres na ng madaling araw.
“Depende nga sa trabaho. Pero kung pipiliin mo maging spy, mas malaki. Like me, kada misyon na matatapos ko, may one hundred thousand ako,” sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya. “Wow! Ang laki pala! Pero ilang buwan naman bago ka makasweldo?”
“Depende kung gaano ka kabilis magtrabaho. Pero may allowance ka naman na twenty thousand monthly while doing the mission.”
“Teka, hindi ba ang boss mo ay billionaire na mafia?” untag niya.
Mabilis na tinakpan ni Terra ng kamay ang kaniyang bibig. “Huwag mong ipagkalat ‘yan, lagot tayo kay Boss,” anas nito.
Lumayo sila sa maraming tao at naglakad sa gilid ng kalsada. “So, totoo nga na mafia ang boss mo?” pabulong niyang tanong sa kaibigan.
“Oo, pero secret lang natin ‘to. No choice, kailangan natin ng pera para buhayin ang mga anak natin.”
“Kung sa bagay, basta ba huwag lang tayo utusan na pumatay.”
“Gaga, hindi! Mga assassin na gumagawa n’on.”
Pareho sila ni Terra na dalagang ina. Ang kaibahan niya rito, hindi niya nakilala ang tatay ng kaniyang anak. Si Terra naman, hiniwalayan ang ka-live-in na nalulong sa droga. Maswerte ito dahil may mga magulang pa at mga kapatid.
Ang tagal niyang nakapagpasya kung tatanggapin ang trabahong alok ni Terra. Ngunit nang maisip na ni diaper minsan ng anak niya ay hindi mabili, hindi na siya nag-alinlangan.
“Sige, tatanggapin ko ang trabaho,” pagkuwan ay pasya niya.
“Ayos! Bukas ng umaga, puntahan kita sa bahay n’yo. Isasama kita sa bahay ng boss ko,” ani Terra.
KINABUKASAN ng umaga ay sumama si Monica kay Terra sa Cavite. Naroon umano ang main headquarter ng boss nito. Halos lumuwa ang mga mata niya sa pagkamangha nang makapasok sila sa malawak na lupain. May mansiyon doon, maraming armadong kalalakihan na pagala-gala.
Hindi pala pinoy ang boss ni Terra, kundi latino. Mabuti matanda na ito kaya hindi niya naisip na baka ito ang ama ng anak niya. Halos lahat na ata ng makita niyang latino ay iniisip na ama ng kaniyang anak.
Hindi nila personal na nakausap ang boss, iyong kanang-kamay lang nitong pinoy na si Boggy. Nabigyan kaagad sila ng misyon at may paunang sampung libo. Tuwang-tuwa siya dahil simple lang ang trabaho nila.
Nabigyan sila ng spy gadgets na gagamitin sa pagkuha ng mga detalye sa isang party na pupuntahan nila. Pati damit na susuotin nila ay sagot ng boss. Nagmukha silang sosyal na naka-dress.
Kinagabihan ay pinuntahan nila ang venue ng party, sa five star hotel sa Makati. Feel na feel niya ang suot na silver dress na hanggang hita ang slit, backless. Mabuti sanay naman siyang magsuot ng three inches sandals. Kaso nalipasan na sila ng gutom kaya puro pagkain ang nasa isip niya.
“Friend, baka puwedeng kain muna tayo,” angal niya.
Papasok pa lamang sila sa venue ng party. Ang bagal ng usad ng pila dahil mahigpit ang security.
“Mamaya, may pagkain sa loob. Libre ‘yon. Valid naman ang invitation card natin na bigay ni Boss,” ani Terra.
“Sige, basta masasarap ang food,” nakangising wika niya.
“Sure ‘yan. Five star hotel kaya ‘to.” Kinindatan pa siya nito.
Nang makapasok na sila sa malawak na function hall, nagningning ang mga mata ni Monica sa dami ng pagkaing nakikita. Nagsisimula na ang party at hindi niya maintindihan kung anong party iyon. Ang gagara ng damit ng mga tao, ang babango, ang yayaman dahil kumikinang ang mga alahas sa katawan.
May suot naman silang alahas pero peke. Hinihila siya ni Terra papuntang entablado pero nagpumiglas siya. Pagkain ang gusto niyang lapitan. May mga tao namang kumukuha ng pagkain sa mahabang lamesa kaya lumapit din siya.
“Wow! Jockpot ‘to!” sabik niyang usal. Kumuha kaagad siya ng plato at pinuno ng pagkain.
Habang namimili ng pagkain ay panay ang subo niya ng matipuhang pagkain.
“Monica, mamaya na ‘yan!” pigil sa kaniya ni Terra.
Hindi siya nagpaawat. “Hindi ako makapag-isip nang maayos kapag gutom. Mauna ka na roon. Hahanapin na lang kita mamaya,” aniya.
“Kainis ka naman! Nakakahiya, pinagtitinginan ka ng mga tao.”
Hindi niya ito pinansin. Itinuloy niya ang pagkuha ng pagkain. Nang mapuno ang kaniyang plato, naghanap siya ng bakanteng lamesa na pagpupuwestuhan. Habang naglalakad ay panay ang subo niya ng pagkain. Nagkalat na ang sarsa ng kinain niya sa kaniyang bibig at wala siyang dalang panyo.
Naghanap siya ng tissue pero walang makita. Malayo na siya sa buffet table at tinamad siyang bumalik. May nakasabay siyang matangkad na lalaki, naka-black suit at napansin niya ang puting panyo na nakaipit sa bulya nito. Napahinto ito nang masagi niya sa kanang braso.
“Sorry, puwedeng akin na ‘yang panyo mo? Hindi mo naman ginagamit, eh,” aniya.
Napatitig ito sa kaniya, kunot ang noo.
Sinulyapan lang niya ito at kinapalan na ang mukha. Hinila niya ang panyo mula sa bulsa nito at pinahid sa kaniyang bibig.
“Thank you, ah,” aniya. Saka lang niya napansin ang mukha ng lalaki. Sandali siyang natigilan dahil sobrang pogi nito kahit seryoso at matalim kung tumitig.
May dalawang lalaki na lumapit sa kanila at akmang hihilahin siya ngunit pinigil ito ng pogi gamit ang kamay. Hindi naman ito nagsalita at basta lang naglakad palayo. Sumunod na lamang dito ang dalawang lalaki na malamang ay bodyguards nito.
“Grabe, ang pogi niya, parang artista!” manghang sabi niya.
Kumislot siya nang may pumalo sa kaniyang balikat. Napalingon siya kay Terra.
“Gaga ka talaga! Ano ba ang pinagagawa mo?” singhal nito sa kaniya.
“Eh, nagugutom ako, bakit ba?” katwiran niya.
Hinatak siya nito patungo sa bakanteng lamesa. Doon na niya inilapag ang kaniyang plato ng pagkain at nilantakan.
“Nakakahiya ka talaga. Baka isipin ng mga tao, patay-gutom ka,” ani Terra, pumalatak na.
“Nagugutom ang tao, eh. Bahala silang mag-isip nang masama,” aniya habang ngumuguya.
“Kainis ka naman, oh. Hindi ka puwedeng sumabak sa trabaho na gutom. Dito ka pa talaga nagkalat. Mga sosyal ang bisita rito, mga bilyonaryo, meron ding mga mafia.”
“Tumahimik ka na. Wait mong mabusog ako, saka tayo magtatrabaho,” sabi niya lang.
“Hay!” Panay ang buntonghininga ni Terra. Na-stress na ito sa kaniya.
Nang maubos ang kaniyang pagkain ay bigla naman siyang tinamad kumilos. Limited lang ang oras nila roon sa party kaya hindi puwedeng tumunganga. Kumilos na sila.
Hindi naman bawal ang cellphone sa party pero may kaniya-kaniya silang cellphone na pinagamit. Ibabalik din nila iyon kay Boggy once nakunan na nila ng picture ang lahat ng tao sa party, mga kung anong bagay roon na pinapakita ng mga bisita. Malawak ang pasilidad kaya inabot sila ng halos tatlong oras sa loob.
Nang makunan ng picture lahat ng nasa loob, nagpasya na silang lumabas. Nakuha lang nila ang sampung libo kada isa pagkatapos maibalik ang cellphone kay Boggy. Tatawagan na lang umano sila once may susunod na trabaho.
Kinabukasan ay namalengke kaagad si Monica. Bumili na siya ng stock ng lahat na kailangan ng anak niya. Tuwang-tuwa ang baby niya nang makita ang malaking pakete ng diaper at gatas. Nakatikim naman ito ng breast milk sa kaniya kaso maagang natigil dahil hindi niya kinaya. Bigla na lang nawala ang gatas kaya obligadong bumili ng formula milk.
“Ang dami mo atang pera ngayon, Monica,” sabi ng kaniyang tiya.
“Nakasweldo po ako,” sabi niya lang. Hindi nito maaring malaman ang side-line niya.
Naglalabada ang tiya niya at minsan ay tumatanggap ng gustong magpamasahe. Iyon ang pinagkakakitaan nito. Hindi na ito nakapag-asawa matapos maoperahan sa matris dahil sa mayoma.
Mabilis na tumakbo ang anak niya at kahit dalawang taon pa lang, matangkad na. Nabibigkas na rin nito ang salitang ‘mama’.
“Pa-pa!” bigkas nito habang hawak ang pakete ng noodles na merong imahe ng lalaking model.
Natigilan siya at tumitig sa kaniyang anak na masaya sa nakikita. May kung anong kumirot sa kaniyang puso. Alam niya maghahanap ng tatay ang anak niya paglaki nito. Iyon ang dapat niyang paghandaan.
“Saan nito natutunan magsalita ng papa, Tita?” tanong niya sa tiyahin na naglalaba sa labas, sa may poso.
“Ah, nagagaya niya ‘yan kay Joren, iyong anak ni Mareng Shella. Kaedad sila ni Kenji, eh. Bukam-bibig ng batang ‘yon papa kahit babae ang kasama, papa ang tawag,” anang ginang.
Natawa siya. Mabilis maka-pick-up ng kaalaman ang anak niya. Ginagaya nito lahat ng nakikita at naririnig.
Nilapitan niya si Kenji at niyakap. Kinuha niya ang pangalan nito sa character ng napanood niyang Japanese movie.
“Pakabait ka, anak, ha? Gagawin ni Mama ang lahat para sa ‘yo,” kausap niya sa anak.
Tumingala lang ito sa kaniyang mukha at ngumiti. Marami na itong ngipin kaya poging-pogi siya rito.
“Pogi mo talaga, anak. Siguro ganiyan din mukha ng papa mo,” aniya.
“Pa-pa!” bigkas naman nito.
Humagikgik siya. “Gusto mo talaga ng papa, ah. Sige, maghahanap ako ng papa mo.”
Nagliligpit siya ng kalat nang dumating si Terra. May dala itong good news.
“May bagong misyon tayo pero magkahiwalay na,” sabi nito.
“Ano namang misyon sa akin?” excited niyang tanong.
Sa kuwarto sila nag-usap upang hindi marinig ng kaniyang tiya. Kandong pa niya ang anak habang nakaupo sila sa gilid ng kama.
“May mga mafia boss tayong mamanmanan. Ito sa akin,” anito. Pinakita nito ang picture ng mafia boss na nasa cellphone.
“Mukhang Japannese ‘yan, ah,” komento niya. “Eh, sa akin, nasaan?”
Pinakita rin ni Terra ang mafia boss na mamanmanan niya. Nawindang siya nang mapamilyar ang mukha ng lalaki.
“Teka, ‘yan ‘yong lalaki sa party, ah, iyong hiningian ko ng panyo!” bulalas niya.
“Oo, andoon sila sa party. Kaya save mo itong picture niya. Pasa ko sa inbox mo.”
Nang maipasa sa kaniya ni Terra ang picture ng target niyang mafia boss, pinakatitigan niya itong maigi. Bukod sa guwapo ito, pamilyar din sa kaniya.
Napatili siya nang biglang hampasin ni Kenji ang kaniyang cellphone sabay sigaw. “Pa-pa!” anito.
Pinulot ulit niya ang cellphone at hinanap ang picture ng lalaking target. Mayamaya ay tintigan niya ang mukha ng kaniyang anak. Hindi niya alam kung nagmamalik-mata lang siya na may similarities ang anak niya sa lalaking nasa picture.
Napailing siya at inalis ang hindi tamang ideya sa isip.
KAHIT nag-aalangan ay tinanggap pa rin ni Monica ang trabahong alok ng boss nila. Malaki kasi ang offer na bayad at hindi naman ganoon kahirap ang trabaho. Kailangan niyang makalapit sa target na mafia boss at manmanan ito, alamain lahat ng kilos nito at mag-report sa boss.Ang problema niya ay kung paano siya mas mabilis makalapit sa target. Dumalo siya sa meeting kasama si Boggy.“Monica, halika rito,” tawag sa kaniya ni Boggy.Lumipat naman siya sa katabi nitong silya. “Yes, sir?” aniya.“Ang target m ay si Federico Sartorre, isang Italian-Filipino. And he’s one of the wealthiest and most dangerous mafia bosses of Cosa El Gamma,” sabi nito.Natigilan siya. Hindi niya naisip na may lahing pinoy ang target niya at isa ring latino. Mas mukha kasi itong may lahing American.“Eh, paano ko po malalapitan ang target?” tanong niya.“You have to find ways. Maraming option. Pero ayon sa source ko, ang company ni Mr. Sartorre ay hiring ng secretary, office staff, at saka manager.”Napangiwi s
PINAGPAPAWISAN ng malamig si Monica habang palapit sa opisina ni Mr. Sartorrei. Panay ang sermon niya sa sarili dahil tila naduduwag na ito. Hindi naman siya ganoon, palaban siya. Panay ang buga niya ng hangin at napadasal nang wala sa oras.“Maghintay lang po kayo rito sa labas. May tatawag sa inyo,” sabi ng lalaking nag-asisst sa kaniya.“Sige, salamat.” Lumuklok naman siya sa couch.Nasa lobby na siya ng fifth floor at kaharap ang opisina ng CEO. Habang naghihintay ay nag-reply siya sa chat ni Terra. Ang dami nitong tanong at kabado baka hindi umano siya magtagumpay sa misyon.Mayamaya ay may lalaking naka-suit at may eyeglasses na lumabas sa opisina ng CEO.“Ms. Soria, pasok na po kayo,” sabi ng lalaki sa kaniya.Isinilid niya sa bag ang kaniyang cellphone at tumayo. Tumulin ang tibok ng kaniyang puso habang papasok sa opisina. Ginabayan naman siya ng lalaki patungo sa mismong tanggapan ng CEO. Nalula siya sa lawak ng silid, tila buong bahay na.“Tuloy na po kayo sa loob,” sabi ng
HINDI makapag-focus si Monica sa sinasabi ni Federico. Tango lang siya nang tango kahit hindi naintindihan ang iba. May listahan naman ng daily task niya na binigay si Federico, at ito ang kaniyang pinagbasehan. Hindi pa rin siya maka-get over sa tattoo na nakita sa likod ng binata. Iba ang pakiramdam niya rito. Lalo tuloy siyang nahiwagaan sa pagkatao ng kaniyang amo. “I will leave around nine, Monica. You don’t need to cook for me. Kung nagugutom ka, maraming stock na pagkain sa kusina at ref. Magluto ka ng para lang sa ‘yo,” sabi ni Federico. “Iyong kuwarto ko po?” aniya. “Come with me.” Sumunod naman siya rito. Dinaanan niya ang kaniyang maleta na naiwan sa salas. Iginiya siya ni Federico sa isang silid doon sa ground floor. Namangha siya sa laki ng kuwarto, may sariling banyo at merong air-con. Hindi ito basta kuwarto para sa katulong dahil parang hotel suite. “Wow! Ang ganda naman nitong kuwarto, sir! Puwede ko bang gamitin ang air-con?” aniya. “Of course. This is the gue
AYAW paawat sa pagkabog ang dibdib ni Monica dahil sa pag-usig sa kaniya ni Federico tungkol sa kaniyang anak. Maaring napansin na nito na may hawig dito ang bata. Muli nitong tiningnan ang picture at pinakatitigan maigi.“You said you didn’t meet your son’s father again after the one-night stand, right?” ani Federico.“Opo. Kasi noong nabuntis ako, umuwi na ako rito sa Pilipinas. Hindi ko rin alam ang pangalan ng lalaki.”“Give me the details about the company where you worked in Japan.”Sinabi naman niya ang mga detalye kay Federico na lalong ikinawindang nito. Nagduda na rin siya kasi alam nito ang kumpanya na nabanggit niya. Maging ang petsa kung kailan may nakaniig siyang lalaki ay pareho sa sinabi ni Federico, na umano’y inukupa ng grupo nito ang isang VIP room ng restaurant.“F*ck! It’s not a coincidence!” bulalas nito sabay hilot sa sintido. “I was there at the same time you mentioned, but I can’t remember what happened after the party. I was drunk, and I felt there was someth
HINDI kinaya ni Monica ang hotness ni Federico kaya hindi siya sumabay rito kumain kahit niyaya siya nito. Sa kusina lang siya kumain habang si Federico ay nasa dining. Tinanggap naman niya ang salad na gulay at fruit shakes na bigay ng binata. Food is life sa kan’ya kaya wala siyang hihindian.Naunang natapos kumain si Federico at sana’y huhugasan ang pinagkainan nito pero pinigil niya.“Ilagay n’yo lang po riyan ang plato n’yo, sir. Ako na ang maghuhugas niyan mamaya para isahan na lang,” aniya.“Okay. Thank you.” Naghugas lang ng mga kamay ang binata. “Nakausap mo na ba ang tita mo, Monica?” pagkuwan ay tanong nito.“Ah, opo. Pinahahanda ko na ang anak ko.”“Okay lang ba kung dito muna ang anak mo?”“Walang problema, sir. Kaso mahahati ang oras ko kasi aasikasuhin ko ang bata.”“It’s okay. Hindi mo naman kailangang mag-general cleaning araw-araw. Mga pusa lang naman ang kailangan mong tutukan.”“Sige po. Pero hanggang kailan dito ang anak ko?”“After the DNA test, or depende sa res
HINDI maipaliwanag ni Federico ang excitement na nararamdaman niya habang yakap ang anak ni Monica. When his chest pressed the child’s chest, he felt the heartbeat. Wari lumukso ang kaniyang puso sa saya. He didn’t feel any doubt while hugging the innocent kid. He assumed that this little one belonged to him. Niyaya kaagad niya si Monica na umuwi matapos makausap ang tiyahin nito. Pumayag naman ito na dalhin nila ang bata. “I’ll call my assistant to help me process the DNA test,” he said. Lulan na sila ng kotse pauwi. Nakaupo sa tabi niya si Kenji, napagitnaan nila ni Monica. Halos ayaw niyang bitawan ang kamay ng bata. He’s adorable and very warm to strangers, which is the opposite of his personality, but close to his brother. “Ngayon mo rin ba ipapa-DNA ang anak ko?” tanong ni Monica. “Yes. I want to rush it.” “Sige.” Tinawagan na niya si Leo. Mabuti sumagot kaagad ito. “Nasa office na ako, sir. I’m waiting for the investors,” ani Leo. “Good. After your meeting with the inv
“ANG ibig mo bang sabihin, kung sakaling anak nga ng kapatid mo si Kenji, mamanahin niya ang shares ng kapatid mo?” tanong ni Monica kay Federico. Hindi pa rin kasi siya maka-get over sa sinabi nito tungkol kay Kenji. “That’s right, Monica. Since wala na ang kapatid ko, mapupunta sa anak niya ang share niya. Dalawa lang kaming magkapatid, at hindi ko ipagdadamot ang karapatan ng kapatid ko. Hintayin nating lumaki si Kenji para mailipat sa pangalan niya ang rights na makukuha niya. Pero habang wala pa siyang eighteen, ako muna ang hahawak ng shares niya. I’ll give you Kenji’s monthly allowance, too.” Hindi makapaniwala si Monica sa naririnig. Naka-jackpot nga siya ng tatay ng kaniyang anak. Kahit pala sino kina Federico at kakambal nito ang tatay ng anak niya, makukuha pa rin niya ang karapatan para kay Kenji. “Ah, eh hindi ko alam kung paano ang setup natin. Kukunin mo ba si Kenji?” kabadong tanong niya nang may mapagtanto. “Of course. I will change his surname to become the offic
KINABUKASAN ay inagahan ni Monica ang gising at sinimulan ang paglalaba. Una niyang nilabhan ang mga damit nila ni Kenji. Tulog pa si Federico kaya hindi niya makuha ang labahin sa kuwarto nito. Nagising na rin ang kaniyang anak kaya nagtimpla siya ng gatas nito. Mayamaya ay nagising na rin si Federico at diretso ang pasok sa kusina. Nilapitan nito si Kenji na nakaupo sa silya at hinalikan sa pisngi. Puting t-shirt lang ang suot nito at puti ring jogging pants. “What are you eating, Kenji?” tanong nito sa bata. “Da-Da!” sagot lang ni Kenji. May bago na itong salita. Kumakain ng chocolate cookies si Kenji. “It’s daddy, right?” Umupo na ito sa tabi ng bata. “Daddy nga siguro ang gusto niyang sabihin, sir,” ani Monica. Ibinigay na niya ang gatas ni Kenji na nasa plastic na baso. Marunong naman itong uminom basta hindi masyadong mainit ang gatas. “Yeah. He heard that word from me.” Tinulungan nito si Kenji sa pag-inom ng gatas. Sinasawsaw ni Kenji ang cookies sa gatas kaya nagkalat