“ANG ibig mo bang sabihin, kung sakaling anak nga ng kapatid mo si Kenji, mamanahin niya ang shares ng kapatid mo?” tanong ni Monica kay Federico. Hindi pa rin kasi siya maka-get over sa sinabi nito tungkol kay Kenji. “That’s right, Monica. Since wala na ang kapatid ko, mapupunta sa anak niya ang share niya. Dalawa lang kaming magkapatid, at hindi ko ipagdadamot ang karapatan ng kapatid ko. Hintayin nating lumaki si Kenji para mailipat sa pangalan niya ang rights na makukuha niya. Pero habang wala pa siyang eighteen, ako muna ang hahawak ng shares niya. I’ll give you Kenji’s monthly allowance, too.” Hindi makapaniwala si Monica sa naririnig. Naka-jackpot nga siya ng tatay ng kaniyang anak. Kahit pala sino kina Federico at kakambal nito ang tatay ng anak niya, makukuha pa rin niya ang karapatan para kay Kenji. “Ah, eh hindi ko alam kung paano ang setup natin. Kukunin mo ba si Kenji?” kabadong tanong niya nang may mapagtanto. “Of course. I will change his surname to become the offic
KINABUKASAN ay inagahan ni Monica ang gising at sinimulan ang paglalaba. Una niyang nilabhan ang mga damit nila ni Kenji. Tulog pa si Federico kaya hindi niya makuha ang labahin sa kuwarto nito. Nagising na rin ang kaniyang anak kaya nagtimpla siya ng gatas nito. Mayamaya ay nagising na rin si Federico at diretso ang pasok sa kusina. Nilapitan nito si Kenji na nakaupo sa silya at hinalikan sa pisngi. Puting t-shirt lang ang suot nito at puti ring jogging pants. “What are you eating, Kenji?” tanong nito sa bata. “Da-Da!” sagot lang ni Kenji. May bago na itong salita. Kumakain ng chocolate cookies si Kenji. “It’s daddy, right?” Umupo na ito sa tabi ng bata. “Daddy nga siguro ang gusto niyang sabihin, sir,” ani Monica. Ibinigay na niya ang gatas ni Kenji na nasa plastic na baso. Marunong naman itong uminom basta hindi masyadong mainit ang gatas. “Yeah. He heard that word from me.” Tinulungan nito si Kenji sa pag-inom ng gatas. Sinasawsaw ni Kenji ang cookies sa gatas kaya nagkalat
“WHAT is it for?” kunot-noong tanong ni Federico habang nakatitig sa cover ng audio recorder.“Ah, sa ano ko ‘yan, sa earphone. Nakikinig kasi ako ng music. Naka-konekta sa phone ko ang earphone, wireless at may Bluetooth,” palusot niya.“Baka maisama sa labahin mo ‘to.” Ibinigay rin nito sa kaniya ang takip ng device.“Pasensiya na.” Kinuha naman niya ang takip at ikinabit sa device na patago.“Take your time. Don’t rush the laundry. May machine naman at merong dryer. Maliligo lang kami ni Kenji.” Umalis din si Federico.Nang maalala na wala pang nakahandang damit pamalit si Kenji ay tumakbo siya palabas.“Sandali lang! Hindi pa ako nakapaglabas ng damit ni Kenji,” aniya.Tumakbo na siya papasok ng kuwarto. Mabilisan niyang sininop ang nagkalat niyang gamit. Kumuha lang siya ng isang pares na damit ni Kenji at iniwan sa salas.Binuhat na ni Federico si Kenji at dinala sa labas.Paspasang ipinasok ni Monica sa washing machine na malaki ang mga labahin mula kay Federico. Atat na rin si
TULUYANG naibaba ni Monica ang kaniyang cellphone at pumihit paharap kay Federico.“Ah, kinausap ko lang ang tiyahin ko. Kinukumusta kasi niya si Kenji, na-miss na niya,” pagsisinungaling niya.“And why did you end the call?” usig nito.“Ha? H-Hindi ko itinigil ang tawag! Katatapos lang namin mag-usap ni Tita nang dumating ka.”“Okay. But why are you here? Mahina ba ang signal sa kuwarto mo?”“M-Medyo. Baka kasi magising si Kenji sa ingay ko. Kulob pa naman ang kuwarto,” palusot niya.Matabang siyang ngumiti nang mapansin si Federico na naglalakbay ang titig sa kaniyang katawan. Hanggang sa mapadalas ang titig nito sa gawi ng kaniyang dibdib. Napapiksi pa siya nang maalala na wala siyang suot na bra, tanging manipis na puting t-shirt lang. Maliligo na kasi siya at mas gustong t-shirt lang ang suot at panties. Gabi naman at walang ibang tao sa bakuran.Dagli naman niyang tinakpan ng mga kamay ang kaniyang dibdib. “Pasensiya na, maliligo din kasi ako sa pool kaya ito lang ang suot ko,”
NAKATULOG kaagad si Monica matapos maligo. Ngunit pagsapit ng madaling araw ay nagising din siya. May kumalabog kasi sa salas. Naalimpungatan siya kaya maingat siyang bumangon at sumilip sa pintuan. Maliwanag sa lobby. Maaring dumating na si Federico. Lumabas pa siya at nagulantang siya nang mamataan si Federico na nakadapa sa sahig. Tumakbo siya palapit dito at inakay paupo ng sofa ang binata. “Hala! Lasing ka ba?” natatarantang tanong niya sa binata. Namumungay na ang mga mata nito at amoy alak. “Not drunk,” wala sa wisyo nitong wika. “Not drunk pero lasing, ano ‘yon?” natatawang sabi niya. Tumingala sa kaniya ang binata ngunit biglang tumigil ang titig nito sa gawi ng kaniyang dibdib. Napakislot naman siya nang maisip na wala siyang bra at manipis na t-shirt lang ang suot pantulog. Hindi talaga siya nagsusuot ng bra sa tuwing natutulog. Lalayo na sana siya kay Federico ngunit bigla siya nitong kinabig sa baywang at hinatak. “Ay!” tili niya nang napangko siya sa mga hita ng b
TILA nahibang na si Monica matapos makatikim ng masarap na romansa ni Federico. Pagkatapos nilang magt*lik ay hirap na siyang makatulog. Hinatid niya sa kuwarto nito ang binata pagkatapos nila. Nag-explore pa siya sa kuwarto pero wala siyang nakitang papeles pero may baril sa drawer ng lamesa. Nang makapaghain ng pagkain ay sabay na silang nananghalian. Nagdurog siya ng patatas at carrot at may konting hinimay na karne ng manok para kay Kenji. Inako naman ni Federico ang pagsubo ng pagkain sa bata. Hindi niya maitago ang kilig dahil kumain ng luto niyang ulam si Federico. Naka-focus lang dito ang atensiyon niya habang kumakain. “Masarap ba ang ulam na niluto ko?” tanong niya sa binata. “Yeah. It’s really good. I think it’s my favorite now. I love the twist. Malinamnam din,” anito. Napapiksi pa siya sa kilig. “Marami pa akong alam na putahe na nilalagyan ng tomato sauce. Baka gusto mo rin ng adobo. Specialty ng mga Pinoy ‘yon.” “Sure. Unang putahe ng pinoy na natikman ko ang adob
HINDI mapakali si Monica habang inuusig siya ni Federico tungkol sa kaniyang ex. Kararating lang nila sa opisina nito at inasikaso niya ang lulutuing pagkain.“Si Roel Montana pala ang ex-boyfriend mo. He’s one of our electronic technicians. I’m not sure how long he’s been working here. He’s skilled,” ani Federico.“Matalino naman si Roel, at oo, skilled siya. Magaling siya sa electronics,” sabi niya.Pumasok na sila sa mini kitchen ng opisina. Meron ding dining set doon. Parang bahay na rin ito. May bedroom din si Federico dahil minsan ay doon umano ito inaabot ng gabi at nakakatulog.“Ilang taon mong naging boyfriend si Roel, Monica?” usisa ni Federico.“Tatlong taon. Nagkakilala kami noong college.”“And how did he betray you?”“Ano kasi naging katrabaho ni Roel ang pinsan ko noon sa isang electronic company rin. Hindi ko alam na nagkamabutihan na pala sila. At noong pumunta ako sa apartment ni Roel, naabutan ko roon ang pinsan ko. Nakahubad pa ang pinsan ko,” kuwento niya na may k
INABOT ng gabi sila Monica sa opisina ni Federico. Nag-overtime kasi ang binata sa paperwork nito. Doon na rin sila naghapunan. May pagkain naman silang dala para sa mga pusa. Alas-otso ng gabi ay lumabas siya ng opisina dahil bibili ng paracetamol ni Kenji. May sinat kasi ito. Lumulan siya ng elevator. Huminto pa ito sa third floor dahil may sasakyan. Laking gulat niya nang makita si Roel na kasama ng matabang lalaki na sumakay. Umisod siya sa gilid upang huwag mapadikit kay Roel. Malamang ay pauwi na ito. Busy ito sa kausap kaya hindi siya pinansin pero nasipat siya nito ng tingin. Nang huminto ang elevator ay nauna na siyang lumabas. Ngunit nakailang hakbang pa lamang siya nang magsalita si Roel. “Sandali lang, Monica,” pigil nito. Napahinto naman siya at hinarap ang lalaki. Mariing kumunot ang noo nito at sinuyod siya ng tingin. Wala namang mali sa suot niya. Itim na hapit na denim pants ang suot niya at pulang blouse na medyo maluwag. Hindi nga naman siya nababagay sa isang