Share

Chapter 32

MAAGANG nakatulog si Monica matapos ang hapunan. Ngunit nagising naman siya ng alas-kuwatro ng madaling araw. Hindi na siya makatulog ulit. Dahandahan siyang kumilos dahil mahimbing ang tulog nina Federico at Kenji sa kan’yang tabi.

Dinampot niya ang cellphone sa mesita at napansin na pumasok na ang mga mensahe sa kan’ya ni Terra. Successful na nga ang pagrehestro niya sa numbero ng kaibigan. Gising na rin si Terra at gusto siyang tawagan.

Lumabas na siya ng villa at umupo sa duyan. Doon niya sinagot ang tawag ni Terra.

“Kumusta na, girl?” tanong niya.

Buntonghininga ni Terra ang bumungad sa kan’ya. “Hay! Stress na ako, girl. Mabuti hindi na ulit tumawag sa akin ni Boggy,” ani Terra mula sa kabilang linya.

“Ano, nakapagpaalam ka ba nang maayos kay Boggy?”

“Noong huling punta ko sa headquarters, nakiusap ako na ipasa na sa ibang agent ang trabaho na ibibigay sana sa akin. Kinuha ko na ang huling sahod ko at nagpaalam na hindi na tatanggap ng misyon. Kaso binalaan ako ni Boggy.”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status