Share

Chapter 31

ALAS-DOSE pasado na naluto lahat ng pagkain. Sa may mahabang lamesa sa terrace sila kumain lahat dahil presko ang hangin at overlooking ang dagat. Nakakagana nga namang kumain dito lalo’t masasarap ang ulam.

Himalang nagkakamay na rin kumain si Federico. Puro dry nga naman ang ulam nila at konti lang ang sauce ng steak. Meron naman silang mango shakes at matubig na prutas katulad ng pakwan. Ganado ring kumain si Kenji dahil salitan sila ni Federico sa pagsubo rito ng pagkain.

“Ngayon ko lang napansin, lalong gumanda si Monica,” basag ni Craig sa katahimikan. Nagkakamay rin itong kumain, hindi halatang bilyonaryo.

“Pinasalon ni Federico si Monica para lalo tayong mainggit, Craig,” sabad naman ni Duke sabay tawa.

“Kahit naman hindi magpasalon si Monica, maganda pa rin,” ani Federico.

“Eh, bakit mo pinasalon?” si Duke.

“I want to see her hidden beauty. Kulang lang sa ayos si Monica kaya minsan hindi napapansin.”

“Kung sa bagay. Pinanindigan kasi niya ang pagiging maid. Pero sa lah
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status