Share

Chapter 30

PAGKATAPOS ng almusal ay bumiyahe na sila patungong Pampanga. Nasorpresa si Monica dahil kasama rin nila si Duke at Craig. May sariling kotse rin ang mga ito. Mahaba-haba rin ang biyahe kaya nakatulog silang mag-ina sa kotse.

Naunang nagising si Kenji at karga na ni Federico. May driver naman sila at bodyguard kaya nasa backseat silang tatlo. Nahihilo pa si Monica at halos hindi maimulat ang mga mata. Pero nang makita ang dagat ay wari nakainom siya ng energy drink.

“Wow! May dagat din pala rito?” ignoranteng bulalas niya.

“Yeah. And our location was on the beach side. We can swim with Kenji there,” ani Federico.

Lalo siyang nasabik. Papasok na sila sa makitid na kalsada at palapit nang palapit sa beach. Katagalan ay wala na siyang nakikitang kabahayan. Sa dulo ng kalsada ay merong mga burol at pakitid pa ang daan. Pero nang makapasok na sila sa malaking gate ay malawak na ang lupain na tabing dagat.

Nang makahinto ang kotse ay kaagad bumaba si Monica. Napatakbo na siya sa dagat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status