Share

Chapter 23

LUMALALIM na ang gabi at kumakapal na ang hamog kaya nagdesisyon na silang mag-pack-up ng mga gamit at umuwi na. Maingat nilang isinakay si Paris sa loob ng sasakyan at hinayaan na matulog sa backseat katabi ang dalawa.

Tahimik na umandar ang sasakyan. Pagod na sumandal si Mabelle sa upuan habang nakatingin sa bintana. Mula sa loob ay kita niya ang mga saradong establisyementong nadaraanan nila. Kaunti na lang din ang mga sasakyan sa kalsada, 'di gaya kanina na mistulang sardinas at halos dikit-dikit sa dami ng mga ito.

Mayamaya, naramdaman niya ang ginawang pagkalabit sa kanya ni Navi kaya binalingan niya ito. Bumaba ang tingin niya sa sobre na hawak nito.

"Ano 'yan?" tanong niya.

"Your paycheck. I'm giving it to you."

Confusion flooded her mind. Even so, she took the envelope from his hand.

"Huh? I don't get it. I thought I wouldn't be able to get my salary because I broke your mother's vase."

"Don't sweat it. I'm sure my mom will understand. I know you didn't mean to break it. Masya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status