Share

Chapter 42

HINDI naging hadlang ang iniindang lagnat para makarating sa abandonadong opisina ni Belinda. Agad-agad siyang bumaba pagkahinto ng sasakyan sa harap mismo ng gusali.

Sa bungad ay dalawang lalaki agad ang humarang sa kanya pero dahil kilala naman siya ng mga ito ay pinahintulutan si Navi na makapasok.

Dumaan sila sa underground parking lot. Maririnig na sa 'di kalayuan ang boses ni Nicholas. Sa tono pa lang ay halatang galit na galit ito kaya mas lalong nadagdagan ang kaba niya. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad, hanggang sa marating nila ang mismong paradahan kung saan naka-parking ang sasakyan na pinaniniwalaan niyang pag-aari ng kanyang ama.

"Boss, andito na ang anak ninyo," anunsyo ng isa sa mga tauhan nito na nasa unahan.

Lalong nanghina si Navi sa naabutan niyang eksena pagpasok niya sa gusali. Ilang hakbang mula sa pwesto ng service car ni Nicholas ay nakaupo ang matanda sa isang lumang monoblock chair kaharap ang babaeng nakagapos ang buong katawan. May hawak itong baril
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status