NAVI can't help but wonder what's going on. Trenta minutos na siyang naghihintay kay Mabelle pero hindi pa ito nakakabalik. Ilang hakbang lang ang layo ng bahay na kinatitirikan nila mula sa botika. If she walks by foot, it won't take her more than ten minutes to return.He tried to call her phone, but she's not picking up. Nag-aalala na siya, knowing na kamamatay lang ni Earnest at posibleng hinahanap din sila ng taong nasa likod ng pagkasawi nito.Bagama't nanghihina ang katawan, pinilit ni Navi na makatayo mula sa higaan. Napansin naman agad ito ng kanyang anak na naglalaro ng manika sa gilid kaya tinawag siya nito."Daddy...""Dito ka lang, anak, ha? Hahanapin ko lang ang mommy mo," sabi niya sa bata."Huh? Bakit po, daddy ko?""Nag-aalala na si Daddy, it's been half an hour since she left pero hanggang ngayon ay wala pa siya," ani Navi sabay dampot niya ng cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kama."Pero daddy, 'di ba po may sakit kayo? Baka mapa'no po kayo sa labas," Paris said
HINDI naging hadlang ang iniindang lagnat para makarating sa abandonadong opisina ni Belinda. Agad-agad siyang bumaba pagkahinto ng sasakyan sa harap mismo ng gusali. Sa bungad ay dalawang lalaki agad ang humarang sa kanya pero dahil kilala naman siya ng mga ito ay pinahintulutan si Navi na makapasok. Dumaan sila sa underground parking lot. Maririnig na sa 'di kalayuan ang boses ni Nicholas. Sa tono pa lang ay halatang galit na galit ito kaya mas lalong nadagdagan ang kaba niya. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad, hanggang sa marating nila ang mismong paradahan kung saan naka-parking ang sasakyan na pinaniniwalaan niyang pag-aari ng kanyang ama. "Boss, andito na ang anak ninyo," anunsyo ng isa sa mga tauhan nito na nasa unahan. Lalong nanghina si Navi sa naabutan niyang eksena pagpasok niya sa gusali. Ilang hakbang mula sa pwesto ng service car ni Nicholas ay nakaupo ang matanda sa isang lumang monoblock chair kaharap ang babaeng nakagapos ang buong katawan. May hawak itong baril
KAPWA nanlaki ang mata ng dalawa sa nasaksihan nilang eksena. Nang tumagos ang bala sa sentido ng matanda ay agad itong bumagsak sa semento na parang mannequin. Dahan-dahang lumingon sina Mabelle at Navi upang alamin kung sino ang nagpaputok. "Siren?" usal ni Navi sa babaeng nakatayo mula sa 'di kalayuan hawak ang baril na ginamit nito sa matanda. "Hindi ko inakalang ganito pala kahinang nilalang ang tatay-tatayan mo, Navi. I should have known in the first place, hindi na sana ako nagsayang pa ng oras na makipagsabwatan sa lecheng matandang 'yan." "Napakasama mo talaga! Demonyo!" lakas-loob na singhal ni Mabelle rito. "Oh, really? Eh ikaw, anong tawag sa 'yo? Anghel? Alam nating pareho kung gaano ka karuming tao kaya 'wag kang magmalinis diyan! Malanding higad!" bwelta pa nito pabalik. "Bakit nagpakita ka pa? Ano bang gusto mong mangyari?" "Don't worry, hindi naman ako magtatagal dahil alam kong paparating na rin ang mga pulis para hulihin ako. Pero syempre, hindi ako papayag n
Makalipas ang dalawang taon... ANG PAGTAMA ng mataas na sikat ng araw ang gumising kay Mabelle mula sa mahimbing na pagtulog, hudyat na panibagong araw na naman ang kailangan niyang harapin. Though this wasn't an ordinary day for her. It was special. Hindi na siya nasurpresa nang makitang wala na ang kanyang anak sa higaan. Nang makapag-inat-inat ay minabuti na niyang bumangon at ligpitin ang higaan. She left the room, yawning. Agad na nakatawag ng pansin niya ang mabangong amoy. Sinundan niya ito hanggang sa dalhin siya ng kanyang mga paa sa kusina kung saan naabutan niya ang inang si Belinda na abala sa pagluluto. Nasulyapan niya rin ang kanyang anak na matiyagang gumuguhit sa mesa ng dining table. "Mommy!" pansamantala itong tumigil sa ginagawa upang sugurin siya ng isang mahigpit na yakap sa baywang. "Happy birthday, Mommy ko!" Naantig naman ang puso ni Mabelle sa paglalambing ng anak. "Thank you, anak! Kumain ka na ba ng breakfast?" "Opo! Nagd-drawing po ako pero mamaya ko
NALULULANG pinagmasdan ni Mabelle ang mamahaling mga alahas na naka-display sa malaking estante ng isang jewelry shop. Hindi niya alam kung alin ang pipiliin dahil bawat kwintas, bracelet at singsing na nakalagay roon ay gawa sa mataas na uri ng ginto at diyamante. She wanted the best to impress her husband's family. Mamaya lang ay magkakaroon ng family dinner sa mansyon na tinutuluyan nilang mag-asawa.Not only her mother was invited, but her husband's parents as well. Kailangan niya maging presentable sa harap ng mga ito. After all, para rin iyon sa ikagaganda ng image ng kanyang pamilya.A set of platinum sapphire jewelry caught most of her attention. Mabelle stared at those precious stones with her mouth wide open, admiring the delicate dreamy blue diamonds around each pendant.She was confident to make a purchase. However, a sudden phone call interrupted her peaceful moment. Iritang kinuha niya ang cellphone mula sa shoulder bag at nang mabasa niya ang pangalan ng asawa sa screen
MAKARAAN ANG ILANG GABI..."BELLE, bakit hindi ka pa nag-aayos? Aren't you going with me tonight?" bungad na tanong ni Navi kay Mabelle paglabas nito sa kanilang walk-in closet suot ang magarang tuxedo na pinalooban ng itim na polo.Lumapit si Navi nang mapansing nakahiga ang kanyang misis sa kama at balot ng kumot ang buong katawan. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ng lalaki."What's wrong? You look sick," aniya. As he was about to touch her forehead, Mabelle turned away and starts coughing."S-Sorry, hindi ako makakasama sa 'yo. Masama kasi ang pakiramdam ko," nanghihinang tugon ni Mabelle sa mister.Naupo sa kapirasong espasyo ng kama si Navi. "Have you taken paracetamol? Gusto mo bang ipagluto kita ng sopas?""Kaiinom ko lang ng gamot. Huwag ka nang mag-abala. Pahinga lang ang kailangan ko at magiging okay rin ako," saad ni Mabelle saka muling umubo."Are you sure?""Yeah. Don't worry about me. I can take care of myself," she replied.Agad dinukot ni Navi ang cellphone sa bulsa at n
KINABUKASAN, nagising si Mabelle nang wala na ang lalaking umangkin ng kanyang pagkababae. Natagpuan niya ang sarili sa kama na hubo't hubad at walang kahit anong nakatapis sa kanyang katawan.Napabalikwas siya ng bangon. "O-Ouch!" she reacted in pain as she suffered a terrible headache.Maingat siyang bumangon para sana pulutin ang damit niya na nakakalat sa sahig subalit huli na nang mapansin niyang wasak-wasak na pala iyon. Iginala niya ang paningin sa apat na sulok ng hotel room. There, she found a pair of men's clothes hanging on the chair."Well, beggars can't be choosers." Humugot ng malalim na hininga si Mabelle bago dinampot ang damit at isinuot 'yon.Bago umuwi, dumaan muna si Mabelle sa kilalang clothing store upang bumili ng damit pambabae. Sakay ang taxi cab ay ligtas siyang nakauwi sa tinutuluyan niya suot ang bagong dress na kanyang binili.Mula sa malayo ay namataan ni Mabelle ang kotse ni Navi na naka-park sa garahe ng kanilang bahay. Katakataka rin kung anong ginagawa
SEVEN YEARS LATER"THANK YOU, BOSS," a group of restaurant staff said in unison as the branch manager left the meeting room.Hawak ang sobre na naglalaman ng kanyang sweldo ay napabuntong-hininga si Mabelle. Dapat ay masaya siya gayong solved na ang pambayad niya sa boarding house at sa iba pang gastusin sa bahay pero hindi niya magawa sapagkat ngayon ang huling araw niya bilang waitress sa restaurant na ito.Dahil sa patuloy na pagbaba ng sales, napilitan ang may-ari na tuluyan nang magsara. Dalawang taon din siyang nagtrabaho rito at masasabi niyang maganda ang pagtrato sa kanya ng kanilang amo.Sa lahat ng trabahong pinasok niya, dito siya nagtagal kaya labis ang panghihinayang niya dahil kung kailan nakakabangon na siya ay saka naman siya muling sinubok ng panahon.Tahimik na nagtungo sa locker room si Mabelle para kunin ang bag niya. Bago umalis ay hindi niya nakalimutang magpaalam sa kanyang mga kasamahan."Masaya ako't nakasama ko kayo ng dalawang taon. Thank you guys for everyt