Share

Chapter 17

HATING-GABI na at hindi pa rin dalawin ng antok si Pearl.

Hindi mawala sa isip niya ang paghalik ni Hycent kanina sa loob ng library.

Hindi lang basta simpleng halik dahil lumalim ang halikan nila nang ipasok nito ang dila sa kanyang bibig. At hindi niya rin alam pero tila bigla ay hindi niya kontrolado ang katawan na hinayaan ang asawa namnamin ang kanyang mga labi.

Umabot pa nga sa puntong pumulupot ang kanyang mga braso sa leeg ng asawa upang mas namnamin ang kanilang paghahalikan.

Iba ang hatid na kiliti ng halik ng asawa. Nakakabaliw, nakakawala sa huwisyon. Parang may mahika ito na kayang tangayin ang kanyang buong pagkatao.

And she can't deny that her husband is a f*cking good kisser. Dalang-dala na siya nang bigla itong bumitaw at tila napaso sa kanya.

Wala man itong binitiwan na salita bagkus ay nagmamadali itong lumabas ng library at naiwan siyang nakatulala.

Nandiri ba ito sa kanya?

Bakit? Dahil may ibang lalaki nang nagpakasawa sa kanyang katawan.

Sumakit din ang dibdib
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status