Share

PKM - Kabanata XII

Hindi ko inaasahan ang pag-abang ni Jomari sa akin sa labas ng bahay namin kinabukasan. Nagkatitigan lang kami. Pinakikiramdaman ko kung mayroon siyang sasabihin, hanggang sa nagsalita na nga siya.

"A..." pasimula niya. Para naman akong sira habang nakatingin lang sa kanya at hinihintay siyang magsalita. "A... Sorry kahapon," patuloy niya. "At salamat din pala. Sabi ni Jude kasama ka raw niya na nagdala sa akin sa bahay," pahabol pa niya.

Buti naman at nasa katinuan na siya, hindi gaya kagabi na mukhang lasing na lasing. 

"Bakit ka naglasing?" kalmado kong itinanong.

"Maraming iniisip. Basta," dahilan niya.

"Puwede kong malaman?" tanong kong muli.

"Basta," sagot lang niya.

"Hindi tayo naglilihiman, 'di ba?" sabi ko.

Tila gusto niyang ibahin ang usapan nang yayain niya ako, "Halika na, late na tayo."

Hindi ako nakinig. "Hindi tayo aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung bakit ka naglasing." Inulit ko ang tanong ko, "Bakit

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status