Share

PSK - Kabanata II

Nababalot ng kakarampot na liwanag ang paligid. Sa kailaliman ng gabi, dalawang babae ang nagnanais na maisalba ang kanilang buhay. Kapit na kapit ang kanilang mga kamay habang tinatahak ang madilim na daan. Kapwa sila hinihingal dahil sa pagtakbo nang walang direksyon. Ilang saglit pa ay huminto sila. Bumitiw ang nakatatanda sa nakababata.

"Magtago ka roon, dali!" utos ng babae sa kanyang kasama. May katamtaman siyang pangangatawan. Hindi rin naman ganoon katangkaran. Mala-anghel at maamo ang kanyang mukha, ngunit sa kabila nito, nakikitaan ko siya ng bahid ng takot --takot na hangga't maaari ay ayaw niyang ipahalata sa kasama niya. Itinuro niya ang isang kotse sa madilim na sulok ng kalsada. Humahalo ang itim na kulay ng sasakyan sa kadiliman.

Tiningnan siya ng kasama na puno ng pag-aalala. "Paano ka, ate?" tanong nito. Teka... Kilala ko siya, si Rhee!

Umiling ang babae, tila gustong iparating na huwag siyang intindihin. "Basta, magtago ka roon! Kung sakaling mahuli ako, hindi ka ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status