Share

PSK - Kabanata II.I

Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko sa kanya, pero anong magagawa ko? Iyon ang katotohanan! At gustuhin ko man, alam kong hindi na maibabalik si Jomari sa katawan niya.

"Shit!" Napasigaw siya. "Nalaman ba kung sino yung walang hiyang sumagasa sa akin?"

"Inaalam pa," mahinang tugon ko.

"Gaano naman katagal bago malaman iyon? Baka naman ten years na akong patay, wala pa ring nangyayari!"

"Nabigla ako sa nangyari, Jom," sabi ko.

Natahimik siya bigla. Binasag ang katahimikan ng pagtatanong niya ng,

"Nami-miss mo ba ako?"

"Hindi," agaran kong isinagot. Pero alam ng Diyos kung gaano ko siya nami-miss!

"Hindi mo ako nami-miss? Heartless ka talaga," pagtatampo niya.

"Paano naman kita mami-miss? Nandito ka naman sa tabi ko, 'di ba?" katwiran ko. Natigilan siya.

"A... tama. I'm your guardian angel."

Guardian angel... Sana nga. Sana huwag niya na akong iwan kahit kailan. Sana bantayan niya na lang ako. Dahil alam ko, hangga't nasa tabi ko siya, ligtas ako.

"Ano'ng pakiramdam ng mamatay?" tanong ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status