Nasaksihan din niya ng harap-harapan kung paano ito umasikaso ng guest o paano niya pinagseserbisyuhan ang mga nagiging customer niya sa loob ng night club.
Nang dahil doon kung kaya't nagtanim siya ng matinding poot mula sa kaniyang dibdib at kinamumuhian niya ang trabahong pinasukan ng kaniyang kapatid.Magmula noong natuklasan niya ang tungkol doon ay madalas na siyang lumiliban o hindi pumapasok sa kanilang klase.
Tila mas lalong nabawasan ang kumpiyansa niya sa sarili, lalo na ng matuklasan niya na hindi pala nagkakalayo ang propesyon ng kaniyang kapatid sa namayapa nilang ina.Pakiramdam niya ay mas lalo lamang siyang tutuksuhin ng mga kamag-aral niya at mas lalo lamang siyang magiging marumi sa paningin nilang la
"Natapos mo na ba ng malinis at maayos ang pinapagawa ko sa'yo?" ani ng ginoo kay Aubrey, pagkapasok na pagkapasok pa lamang nito sa loob ng sasakyan niya. Binaba naman ng dalaga ang suot niyang itim na antipas na ginagamit niyang pantakip sa kaniyang bibig."Dumating na ang mga pulisya. Natagpuan na rin nila ang bangkay ng babae sa loob." Ang tinugon ni Aubrey sa kaniya habang pasimple siyang sumisilip sa may side mirror."Siniguro mo ba na wala silang mahahanap na kahit anong ebidensya sa loob?" muling usisa nito sa dalaga.Lumingon naman si Aubrey sa kaniya at tumango na lang sa kaniyang ulo, pagkatapos ay nilisan na nila ang lugar na iyon."Nga pala, boss. Ano ang balak mong gawin sa mga natira mong empleyado? may nahanap ka na bang bagong malilipatan?" pagkasabi nito ay saglit namang niliko ng ginoo ang manibela at saka itinabi sa isang gilid ang kaniyang sasakyan.Nabigla na lamang si Aubrey at napalingon sa kaniya na may bakas ng
Alas tres y medya ng madaling araw ng maalimpungatan sina Shaina at Lou, nang makarinig sila ng malakas na pagkalabog mula sa labas ng kanilang pintuan."Ano 'yon? narinig mo ba 'yon?" usisa ni Lou sa kaniya. Bigla naman napabangon si Shaina at pasimpleng kinapa ang kaniyang baril mula sa ilalim ng kaniyang unan."Shaina, saan mo nakuha ang bagay na 'yan?" gulat na gulat na sambit ni Lou, habang tinuturo nito ang hawak niyang baril."Hindi mo na 'yon kailangan pang malaman. Basta diyan ka lang, huwag kang lalabas sa kwartong ito. Nagkakaitindihan ba tayo?" aniya at tumango na lamang ito sa kaniyang ulo.Dahan-dahan at maingat niyang inihakbang ang kaniyang mga paa patungo sa tapat ng pintuan. Tahimik at nakasilip naman si Lou mula sa loob ng silid habang nakaawang ng kaunti ang pintuan nito.Saglit na huminto sa paglalakad ang dalaga nang makarinig siya ng malakas na pagkatok mula sa kanilang pintuan."Tulong! tulungan niyo ako!" ang paulit-
Kasalukuyang naglalakad sina Shaina at Karen sa tahimik na kalsada. Inaalalayan siya nito sa kaniyang balikat habang patingin-tingin sa kanilang likuran. "Saglit lang," ani ni Shaina sa kaniya at saglit na huminto sa kaniyang paglalakad upang pumara sa sasakyan na paparating, subalit nilagpasan lamang sila nito at nabigong makasakay. "Halika na," muli niyang pinapatong ang isang braso nito sa balikat niya at nagpatuloy sa paglalakad. "Sa tingin ko, hanggang dito na lang ako." Mahinang saad ni Karen na may bakas ng panghihina sa kaniyang mukha. Namumutla ang mukha nito at tila hirap na sa paghinga. Tumingin naman si Shaina sa kaniya at pinagmasdan ang bandang tagiliran nito na napuno na ng sarili niyang dugo at mukhang nauubusan na rin siya ng dugo. "Kaya mo 'yan, Karen. Hindi
"Anong ibig mong sabihin, Aubrey? anong baka pinatay mo na ako? ano ang ibig mong sabihin ha?" halos napakagat naman sa ibabang labi si Aubrey nang mapagtanto niyang nadulas siya sa kaniyang sinabi."Sige, sasabihin ko na sa'yo ang totoo. Tutal mukhang isa sa atin ang mamamatay." "Aubrey!" galit na tawag sa kaniya ni Shaina."Bakit? magmamaang-maangan ka pa rin ba, Shaina? alam ko na ang lahat ng tungkol sa'yo pati na rin ang paglilihim mo tungkol sa tunay mong trabaho. Pero huwag kang mag-alala dahil tangging ako lamang ang nakakaalam tungkol sa baho mo." Tumulo naman ang luha sa mga mata ng dalaga nang hindi namamalayan at tumikom na lang ang kaniyang bibig."Hindi mo alam ang hirap ng pinagdaanan ko para lang maitaguyod ko kayo sa kahirapan," mahinang saad ni Shaina na nakayuko ang kaniyang ulo at nangangatal ang tono ng boses niya."So, anong gusto mong marinig mula sa amin? gusto mo bang magpasalamat kami sa ginawa mong pagsasakripisyo para s
Halos napamaang na lamang ako sa aking kinatatayuan, pagkatapos kong maramdaman ang pagdampi ng labi niya sa akin.Tinanggal ko ang panyong nakapiring sa aking mga mata at saka nilibot ng tingin ang buo kong paligid. Wala na siya roon. Wala na yung lalaking kinamumuhian ko at sinusumpa ko ng sukdulan sa itaas. Bulong ko sa aking sarili.Dumura ako sa isang tabi at kinusot ang aking bibig gamit ang sariling kamay. Pagkatapos non ay tumalikod na ako at siyaka, sumakay ng bus."Linisin mo ang bawat ebidensyang maiiwan." Ang salitang paulit-ulit tumatakbo sa aking isipan. Halos hindi ko makalimutan ang sinabi niyang iyon, pati na ang tono ng kaniyang boses. Hindi ko maitindihan kung bakit parang napakadali lang sa kaniya ang pumatay ng tao. Dahi ba sa may mapait siyang nakaraan, kung kaya't ganoon na lamang ang galit siya sa mga tao? o dahil tao rin mismo ang lumikha sa pagiging halimaw niya?Sa loob ng maikling buwan n
"Oo, nakukuha ko nga ang nais mong ipabatid sa akin. Pero kahit patayin man kita o hindi, papatayin pa rin niya ako at isusunod niya kayong dalawa." Mahinang sambit nito sa sariling bibig, sabay napatingin siya kay Shaina na nakatitig sa hawak niyang baril. Kung kaya't napangiwi ito sa kaniyang labi at umiral ang pagkapilya niya. Tipong pipindutin na sana niya ang gatilyo, subalit naunahan naman siya kaagad ni Aubrey at inasinta siya sa kaliwang braso niya dahilan para mabitawan niya ang hawak na baril at magmanhid ang braso niyang iyon. "Aubrey, takbo!" sigaw ni Shaina sabay hinatak siya sa kanang kamay. "Sh*t!" gigil namang sigaw ni Roan habang sinusundan niya ng tingin ang dalawang dalaga. Tinakpan niya ng sariling kamay ang sugat na kaniyang natamo at sinundan niya ito hanggang sa makapasok ng exit stairs, kung saan dumaan sina Shaina at Aubrey. &
Medyo malayo na rin ang kaniyang naitakbo kaya puro mga nakaunipormeng pulis lamang ang natatanaw niya, kung kaya't dahan-dahan niyang inihakbang ang sariling mga paa palapit sa pinangyarihan ng insidente. Halos napatakip na lamang siya sa kaniyang bibig gamit ang sariling mga kamay at hindi makapaniwala sa kaniyang nakita. Mabilis siyang napatalikod at sunud-sunod ang pagtulo ng mga luha niya sa kaniyang mga mata. Halos gusto niyang sumigaw at humagulgol ng malakas pero hindi niya magawa dahil kailangan niyang itago ang sarili sa mga owtoridad na nakakalat roon. Kaya kahit nanghihina at nanlalambot ang mga tuhod niya ay pilit pa rin niyang hinakbang ang mga paa at lumakad papalayo sa kaniya.Huwag kang mag-alala, Aubrey. Ipaghihiganti kita. Pagbabayaran ng taong iyon ang pagkamatay mo at titiyakin ko na buhay din ang siyang magiging kapalit nito.Ang paglalayag sa isipan ng dalaga habang kinukusot ang luha sa sariling mga mata.
Nagbihis anyo ako bilang isang assistant manager ng event organizer, upang masilayan ang aking kasintahan na ikinakasal sa ibang babae. Nandito ako ngayon sa pinakamahalagang araw niya, ang araw ng kasal nilang dalawa.Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa loob ng simbahan. Mukhang nasa loob na nga ang lahat at ako na lang ang naiwang nasa labas."You may kiss your bride," ang naabutan kong salita nang makapasok na ako sa loob ng simbahan.Halos napangiwi na lang ako sa sariling labi at tumulo ang luha sa gilid ng aking mga mata nang hindi namamalayan habang nakatitig ako sa kinaroroonan niya at masayang hinahalikan ang babaeng nasa harapan niya, na asawa na niya ngayon.Pagkatapos non ay masigabong palakpakan naman ang inalay ng mga taong dumalo roon, habang mariin naman akong napakuyom sa sarili kong kamao at matalim na nakatitig sa kanilang dalawa.Bakit mo ako niloko, Karlos? bakit mo ko iniwan? paano mo nagawa sa akin 'to? pagbabayaran m