Share

Kabanata 64

Hindi naman nakatugon ang binata sa sinabi nito, bagkus ay iniba na lamang niya ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"Nga pala, hindi mo pa nasasagot yung tinanong ko sa iyo nung minsan. Kung bakit ka biglang nawala at hindi nagparamdam sa akin, pagkatapos ng huling pagkikita nating dalawa." Ani ni Karlos sa kaniya.

Bigla naman naging seryoso ang mukha ng dalaga at ibinaba saglit ang hawak niyang binokulo.

"Mabuti at naitanong mo ulit iyan sa akin. Kung tutuusin 'yan din sana ang gusto kong marinig mula sa iyo." Ang tinugon naman niya.

"Kung ganoon sabihin mo sa akin, ano ba talaga ang nangyari sa iyo at bigla ka na lang nawala. At saka, ano yung tungkol sa mga taong nakamasid sa aking paligid. Sino sila at papaano mo nalaman ang tungkol doon? ano ba ang pakay nila sa akin? may kinalaman ba roon si Shaina?" pagkarinig ni Nara sa sunud-sunod nitong usisa sa kaniya ay halos napakamot na lang siya ng kaniyang ulo at binalingan ng tingin ang ilang espiyang nakaka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status