Share

Kabanata 86 : Ivan's POV

Habang nagpapahinga ako sa loob ng sasakyan ko ay bigla akong naalimpungatan nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng aking pantalon.

Napamulat ako ng mata at kaagad itong hinugot sa aking bulsa.

Nakita ko na nakatanggap ako ng dalawang mensahe mula sa unknow number. Binuksan ito at laking gulat ko na lamang nang mapagtanto na nanggaling pala ang mensaheng iyon kay Mira.

(Puntahan mo ako sa address na ito; Mira) ang nakasaad sa unang mensaheng ipinadala niya at yung pangalawang mensahe naman ay naglalaman ng lokasyon o address kung nasaan siya naroroon.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng ilang segundo at pinuntahan ko kaagad ang lokasyon na pinadala niya sa akin.

Medyo may kalayuan ang lugar na iyon at dahil nasa karatig itong probinsya, kung saan siya kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa isang private hospital, kung kaya't umabot ako ng tatlong oras bago ko marating ang nasabing lugar.

Huminto ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status