Share

Kabanata 87 : Ivan's POV

Apurahan akong lumapit sa kaniya pero nakakailang hakbang pa lamang ako ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at bigla na lang umiikot ang buong paligid ko.

Napaluhod na lang ako at mabilis na bumagsak sa sahig.

Ang huling pagkaalala ko ay may sinasabi siya sa akin ngunit hindi ko naman marinig at pagkatapos non ay bigla na lang pumikit ang aking mga mata.

Nang magkamalay na ako ay nadatnan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa 'di pamilyar na kuwarto.

Bumagon rin ako kaagad at ramdam ko ang bigat mula sa likod ng aking ulo dahil sa pagkakabagsak ko kanina.

Bumukas naman bigla yung pintuan at pumasok sa loob si Mira na may bitbit na isang baso ng tubig.

Tipong tatayo na sana ako nang matigilan ako at napagtanto na nakaposas pala ang isang kamay ko sa kama.

"Mina," tawag ko sa pangalan niya na may bakas ng pagtataka sa aking mukha.

"Pasensya na, Ivan. Kailangan ko itong gawin para sa sarili
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status