Eana Beatrix
Tuwang-tuwa ang mga bata sa bagong bahay na nilipatan namin. Hindi sila magkamayaw sa kakatakbo sa labas at loob. Totoo nga’ng mababait ang mga kapitbahay namin dahil malugod nila kaming tinanggap sa loob ng compound na iyon.
Kanina rin pagkarating namin ay inuna na namin linisan ang mga silid nang sa gayon ay may matulugan kami kung sakali man na hindi agad kami matapos sa pag-aayos dito sa kusina at sala.
Habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit sa kusina ay biglang pumasok si Juancho roon. Nagpupunas ito ng pawis sa kaniyang mukha at hinihingal pa.
“Can I have some water, please?” pagod na ani nito. Hindi niya siguro napansin ang pitchel na nasa kaniyang harapan.
“Ayan oh, nasa harapan mo. Kung nakakapagsalita lang ‘yan sinigawan ka na niyan,” pagbibiro ko.
Nagmadali siya sa pagsalin ng tubig at inisang lagok ang punong baso. Nagkataon naman na nakatalikod siya sa aking gawi kaya nagkaroon ako ng tiyans
Farrel Juancho “Son, where are you?” si Mommy. Magkausap kami habang ako’y nagbibihis. Inip na inip ang kaniyang boses. Today is my grandfather’s birthday. Sila mommy at daddy ay nauna na sa Bulacan kahapon pa, because the old lady wants to handle the celebration. Though my Lolo clearly said that he only wants intimate dinner party with the family but still, my Mom didn’t let us stop her. “Mom, nasa bahay pa po ako. Nagbibihis, after this aalis na rin ako.” “Make sure na hindi ka darating ng gabi rito, Juancho! Don’t you dare make up any excuses.” “Yeah, I know. And I have a surprise for you,” ani ko sa masayang boses. “For me? Are you sure, Juancho? It’s not even my birthday!” “Just wait, Mom. Okay? Go ahead po, ibaba mo na ang tawag.” After that call ay tinapos ko na ang pagbibihis. I went down to check if the food I’ll bring is ready. Nang makitang handa na ito sa mesa ay kinuha ko na ito at na
Farrel Juancho “Anak, ano? How is she?” pangatlong beses na tanong ni Mommy. When Bea lost her consciousness, I immediately went to her. My mom started to panicked and I’m glad that Daddy’s here so as Lolo to calm her down. And now here she is, asking again about Bea. “Wala pa rin po. Let’s just wait, okay? And please, Mom. Calm yourself now, she’s okay. She’s just unconscious.” Nag-aalala itong lumapit sa higaan at hinaplos ang buhok ni Bea. “Anak, sa tingin ko, nabigla siya sa sinabi ko…” “Yes, she is. Mom, I am still courting her, and we’re still in the process of knowing each other, even me, I was shocked when I heard you say those words.” “I’m sorry, I was so excited when I saw her. Anak naman kasi, she’s beautiful. Ang ganitong magaganda hindi na pinapakawalan!” “Mom! I know that, but I can’t force her. Besides, we’re not in a hurry,” magaang sabi ko. “Hay naku, Juancho! Mawawala na ang edad
Eana Beatrix “Bye po, Auntie! Ikaw po ang susundo sa amin mamaya, ha?” “May trabaho si Auntie e, si Lola Mama na muna ang susundo sa inyo mamaya. Okay lang ba?” ani ko habang inaayos ang kaniyang uniform. Nauna na namin ihatid si Miko sa classroom nito samantalang narito pa kami sa labas ng classroom ni Artemis. Nakita ko ang paglungkot ng mata niya ngunit mabilis din napalitan ng sigla. “Sige na nga po, Auntie. Iyon pong pasalubong namin ni Miko, huwag mo pong kalimutan.” “Opo, aral mabuti, ha? Magpakabait. At huwag kayong lalabas sa classrooms ninyo kapag wala pa si Lola Mama at higit sa lahat, huwag sasama sa hindi kilalang tao. Okay?” paalala ko. “Opo. Bye po ulit. I love you, Auntie!” aniya sabay halik sa magkabila kong pisngi. Tumakbo na ito papasok at natanaw ko pang naupo sa kaniyang mesa. Hindi pa rin ako makapaniwala na sinambit niya sa akin ang tatlong katagang iyon. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko
Eana Beatrix Pagkarating namin sa may eskinita ay mabilis na lumabas si Juancho sa driver seat at umikot papunta sa banda ko upang pagbuksan ako ng pinto. Nang makababa kami pareho ay hinawakan niya ang kanan kong kamay at marahan akong hinila pauwi. “T-teka lang naman, Juancho! Ang bilis mong maglakad!” sabi ko. Marahan nga ang kaniyang paghila sa akin subalit malalaki naman ang hakbang ng kaniyang mga paa! Hindi ako nito pinakinggan bagkus nagtuloy-tuloy lang siya. May mga kapitbahay kaming bumati sa amin ng makita kami sa may bungad, kiming ngiti ang naisukli ko dahil sa lalaking hila-hila ako. Dire-diretso kaming pumasok sa loob ng bahay at ang dalawang bata lang ang nadatnan namin doon. “Auntie!” nabaling ang aking tingin nila sa amin. Lumapit sa akin at nagmano si Miko samantalang si Artemis naman ay ipinababa ako sa lebel niya upang halikan ang magkabila kong pisngi. Bibigyan ko na sana siya ng ngiti subalit bigla
Farrel Juancho My mom was raging in anger when I told her about what happened to Bea. She’s forcing me to take her into their house because she personally wants to check if my girl is okay. “Mom, maayos na po ang lagay niya. Nakausap ko na rin po si Tita Vina at ang Kuya niya, we’re taking action from that incident. It cannot be repeated again,” paninigurado ko. “Are you sure, my son? I want to see who’s that guy! I want to slap him real hard for hurting my daughter-in-law!” “Calm down now, Mom. Don’t worry about it, okay? Magpapahinga na po ako.” “Make sure that he will rot in jail, ha!” pahabol niya pa. I know she’s very worried, hindi ko lang mapigilan na mapangiti dahil sa kaniyang mga sinabi. I am thankful that they accepted her as the love of my life. Though, there are times my Mom is pressuring me about getting married, but I know she’s assured that Bea will be my wife in time. Saan pa nga ba patutungo ito
Eana Beatrix Hindi ko mapigilan ang malakas na pagtambol ng aking puso. Noong nakaraang araw ko pa kinakalma ang sarili ko. Malaking pagkakataon na rin ito upang makausap ko si Papa. Hanggang ngayon din ay nakokonsensiya ako. Hindi ko pa nga nasasabi kay Mama at Kuya Arthur na nagkita na kami ni Papa nitong nakaraan, pati itong ngayon ay hindi ko rin sinabi sa kanila. Alam ko kasi ang pwede nilang gawin, pipigilan nila ako at iyon ang isa sa mga bagay na ayaw kong gawin. Sa pamamagitan ni Juancho, tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para makausap ko si Papa at hindi ko na ito palalagpasin pa. “How are you feeling? Are you nervous? Kung gusto mo, pwedeng sa mansiyon muna tayo para magpahinga,” si Juancho. Kanina pa kami rito sa loob ng kaniyang kotse. Ilang minuto na kaming nasa labas, makailang balik na nga rin ang nagawa ng guard upang tanungin kung papasok na ba kami subalit agad akong sumasagot ng hindi pa. Alam ko
Eana Beatrix Ngayon na narinig ko na ang matagal ko ng gustong marinig, ano nang kasunod nito? Nais kong ibigay kay Papa ang simpatya ko matapos marinig ang mga ito, ngunit siguro mas mabuti kung sabihin ko ito kina Mama at Kuya Arthur. Alam ko naman na wala pa ako sa mundong ito nang mangyari ang mga bagay na naging dahilan para iwan kami ni Papa. Pero hindi niya rin maaalis sa akin na habang lumalaki ako ay mas tumatatak sa aking isipan na iniwan niya kami dahil mas pinili niyang sumama sa mas mayaman. Ang kaninang mga emosyon namin ay unti-unti nang humupa. Bakas ang pamumula ng mga mata ni Papa pero bakas ko rin doon ang kaluwagan. Marahil sa naging pagkukwento at pagsabi sa akin ng totoong dahilan. “Alam ko na hindi ninyo agad ako mapapatawad at matagal ko na iyong tanggap, Beatrix. Ang hiling ko lang sana ngayon ay huwag mo na itong sabihin sa Mama at Kuya mo,” wika niya sa gitna ng pananahimik namin. Matapos kong ibalik s
Eana Beatrix Init na init ang pakiramdam ko. Hindi pa rin kami nagbabago ng puwesto mula kanina. Nanatili ang maiinit na halik sa akin ni Juancho. Kung kanina ay mga kamay niya na lang ang nakahawak sa aking bewang, ngayon ang kaniyang mga matitipunong braso na ang mahigpit na nakayakap doon na para bang ayaw niya akong pakawalan. “Tell me to stop, babe…” wika niya gamit ang kaniyang malalim na baritonong boses. Naririnig ko ang kaniyang malalalim na paghinga sa aking tenga. “Say it, babe… please…” sambit niya muli. Tunog nagmamakaawa pero iba ang galaw ng kaniyang labi. Nalulunod ako sa sensasyong ngayon ko na lang ulit naramdaman, ngunit mas kakaiba ang pakiramdam ko rito… nang si Juancho ang aking kasama. Ramdam ko pag-iingat, kilig at pagpipigil. Sa ilang minuto na nakapikit ang aking mata ay unti-unti ko itong iminulat. Hinabol ko ang aking paghinga, bumaba ang aking tingin sa lalaking nakayakap at kasalukuyang binibigyan n