Share

Chapter 20

Eana Beatrix

Pagkarating namin sa may eskinita ay mabilis na lumabas si Juancho sa driver seat at umikot papunta sa banda ko upang pagbuksan ako ng pinto. Nang makababa kami pareho ay hinawakan niya ang kanan kong kamay at marahan akong hinila pauwi.

“T-teka lang naman, Juancho! Ang bilis mong maglakad!” sabi ko.

Marahan nga ang kaniyang paghila sa akin subalit malalaki naman ang hakbang ng kaniyang mga paa! Hindi ako nito pinakinggan bagkus nagtuloy-tuloy lang siya.

May mga kapitbahay kaming bumati sa amin ng makita kami sa may bungad, kiming ngiti ang naisukli ko dahil sa lalaking hila-hila ako. Dire-diretso kaming pumasok sa loob ng bahay at ang dalawang bata lang ang nadatnan namin doon.

“Auntie!” nabaling ang aking tingin nila sa amin.

Lumapit sa akin at nagmano si Miko samantalang si Artemis naman ay ipinababa ako sa lebel niya upang halikan ang magkabila kong pisngi. Bibigyan ko na sana siya ng ngiti subalit bigla

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status