Chapter • Six
Halos buong araw na tumakbo sa isip ko ang litrato ni Jace at ng grupong nakabig bike. May kung ano sa kanilang bumagabag sa akin lalo na 'yong lalaking nakatingin sa akin kanina.
Katulad din kaya sila ni Jace? Bakit nila ginawang target ang picture niya? Paano sila nagkakilala?
Ang daming naging tanong sa isip ko pero kapag naaalala ko ang pangako ko sa sarili kong didistansya na ako kay Jace, pinipili ko na lang iyong huwag intindihin kahit pa sa maya't-maya ang pagpasok ng mga ito sa isip ko.
Lumipas ang maghapong walang Jace na nangulit. Walang bulaklak na dumating at wala ring boses na nagsalita sa isip ko. Isang bagay na dapat kong ikatuwa...pero hindi ko alam kung bakit may parte sa loo
Chapter • SevenIlang beses akong napabuntong hininga habang nakatanaw kay Chad na nakikipaglaro sa ibang mga mata. Minabuti namin ni Maddie na pumunta rito para mas makapag-usap ng maayos."Paano mo siya nakilala? Galing ka rin ba sa Tyrain?" Untag ko.Sandali siyang hindi kumibo. Mayamaya'y itinupi niya ang mga braso niya saka siya tumingin sa akin. "Hindi. Galing ako ng Galum. Ang totoo niyan, hindi kami personal na magkakilala pero marami na akong balitang narinig tungkol sa panganay ng mga Quinnser. Ang Daddy ko ang Beta o ang second in command sa Galum kaya madalas magpulong ang council sa mansyon."Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Nabaling ang tingin ko sa kanya. "I-ibig mong sabihin galing ka sa
Chapter • EightHalos papasikat na ang araw ay hindi ko pa rin nagawang makatulog. What Jace said really bothered me. Kung sabihin niya iyon ay akala mo napakadaling bagay lang ng pagpatay. Hindi ko nga kayang pumantay ng hayop tao pa kaya? Palibhasa kasi siya sanay na sanay siyang gawin ang ganoong bagay. Kung may choice lang talaga...Hindi pwedeng siya ang gumawa dahil siya ang may sumpa. Kailangang ang mate niya ang pumatay sa nagbigay ng curse or else hindi ito gagana.Muli akong napabuga ng malalim na hininga saka ako dumapa. Nakakafrustrate talaga itong nangyayari. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Sana kasi nakuntento na lang ako sa normal na buhay ko rito sa Himofilia. Sana hindi ko na lang pinagpantasyahang marating ang distrito ng Remorse. Iya
Chapter • NinePagkatapos kong maisara ang restobar ay nagpaalam na ang mga empleyado namin. Tinawagan ko si Noreen para iupdate siya tungkol sa naging takbo ng negosyo ngayong araw. Kinamusta ko na rin ang Mama niyang kasalukuyang nakaconfine. Pagkasakay ko ng sasakyan ay nahilot ko ang sintido ko. Sobrang drained ng katawan ko ngayon dala ng pagod at kakulangan sa tulog kagabi.Bago ko napaandar ang kotse ko ay muli akong nakareceive ng text. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang nakalagay."You've got a lot of black undies, darling."Ang mukha kaagad ni Jace na nakangisi ang unang pumasok sa isip ko. Kaagad kong dinial ang number niya. Halos tatlong ring din bago niya sinagot ang tawag.
Chapter • TenIniwan ko si Jace sa kusina matapos kong makapagluto ng pagkain. Pakiramdam ko antok na antok na ako dahil sa kakulangan ng tulog. Dumiretso ako sa kwarto saka humanap ng pantulog bago ako pumunta ng banyo.Pagkalabas ko ng kwarto ay kumakain na siya. Talagang hindi na ako hinintay, nauna na siyang kumain. Hinayaan ko na lang siya. Sandali niya lang din akong tinapunan ng tingin saka siya uminom ng beer at nilunok ang pagkain sa bibig niya."Ang alat mo magluto." Untag niya.Tumaas ang kilay ko dahil sa narinig. Humalukipkip ako saka siya matalim na tinignan. "Ikaw na nakikikain ikaw pa nanlalait. Ibang klase ka rin." Inis kong sabi. Kapal niya ah? Wala pang nanlait sa luto ko siya lang.
Chapter • ElevenHalos isang oras na akong nakatitig sa puting kisame ng kwarto. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba akong nakapagpakawala ng buntong hininga.Jace's words keep on playing in my mind. Hindi ko nagawang sagutin ang sinabi niya. I ran out of words and my mind took a bit longer to process what he said.Hindi na siya natuloy matulog sa apartment ko. Matapos niyang sabihin iyon, ilang segundo pa siyang nanatiling nakayakap sa akin pagkatapos no'n ay bigla na lang siyang pumasok ng kwarto at kinuha ang t-shirt niya. Isinuot niya iyon saka siya naglakad patungo ng sala para kunin ang jacket niya.Para akong naestatwa. Pinanood ko lang siyang maglakad patungo sa pinto. Wala sa sarili akong nan
Chapter • TwelvePagkagising ko kinabukasan ay wala na si Jace sa unit ko. Hindi ko alam kung bakit bahagya akong nakaramdam ng lungkot. Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin.Habang nagkakape sa kusina ay hindi ko maiwasang maisip ang mga sinabi niya kagabi. It was painful to hear him say those words. Lasing na lasing na nga talaga siya. Nailabas niya 'yong mga bagay na tinatago niya sa pagiging mainitin ang ulo.Humarap ako sa ref. Doon ko lang napansin ang isang note na halatang hindi ako ang gumawa. Nakahalo ito sa mga bills kong nakalagay sa pinto ng ref. Lumapit ako at binasa ito."I'll see you later. Remember, you only have two days."Napabuga ako ng m
Chapter • ThirteenGumuhit ang isang makahulugang ngisi sa labi ng lalakeng may kulay brown na buhok nang magtama ang mga mata nila ni Jace. Hindi ko alam ang gagawin nang makita ang pag-igting ng panga ni Jace nang pasadahan siya ng tingin ng lalake saka ito mahinang tumawa."The self-proclaimed untouchable king...now serving the lower kind. What a sudden turn of events." Tila mapang-asar nitong sabi.Unti-unting kumuyom ang mga kamao ni Jace at lalong tumalim ang kanyang tingin. Nagsisimula nang lumalim ang kanyang bawat paghinga.Napatakbo ako palabas ng bar area nang makita kong tatayo sana siya. Kaagad kong pinigilan ang kanyang dibdib saka ko hinawakan ang kanyang mga pisngi para pilit ibaling sa akin ang k
Chapter • FourteenMahigpit kong hinawakan ang kanyang braso nang akmang lalakad na siya palabas ng Olympus. Muling nabaling sa akin ang kanyang tingin."Don't go, I'm begging you..."Lumandas ang isang mapaklang ngiti sa kanyang labi saka siya humakbang palapit sa akin at hinawakan ang aking mga pisngi. Napapikit ako nang dampian niya ng halik ang aking noo. "I'm gonna be okay, I promise. Hintayin mo ako sa apartment mo mamaya." He said softly.Bago pa man ako nakapagsalita ay binitiwan na niya ang mga pisngi ko saka siya naglakad paalis. Naimulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas-sara ng glass door.Tuluyang bumagsak ang mga balikat ko. Malungkot akong naglakad pabalik sa bar area. Naglabas ako ng bote ng bee