“Steph’s POV”
Nanghina ang aking mga tuhod at napaupo ako sa kama matapos marinig ang masakit na salita na nagmula sa kanyang bibig, pakiramdam ko tuloy ay isa akong babaeng mababa lang sa kanyang paningin dahil sa binitawan niyang salita at kahit kailan ay hindi niya magugustuhan ang tulad ko.
Ano ba ang tulad ko? Masama ba akong babae, nakakasuka? Nakakadiri o pangit? Ganun ba ang tingin niya sakin. Masakit para sakin na malaman ang tumatakbo sa isipan niya laban sa akin.
Susubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya dahil ayokong mas lumalim pa ito at ayokong maramdaman ang labis labis na sakit dahil hindi ko ito kakayanin.
Nakalingon lang ako sa bintana sa kaliwang side ko habang pinipigil ko ang aking mga luha na tumulo palabas ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo at marinig ko siyang muling magsalita, “may masakit pa ba sayo?”
Hindi pinahalata ni Caspian ang gulat sa mukha at pagtataka ng sabihin ni Steph ito sa kanya, naglakad pa siya ng mas malapit rito at nilapit ng husto ang kanyang mukha sa asawa.“Bakit? Wag mong sabihing naiinlab ka na sakin?” Nakangisi niyang tanong sa asawa. Nakatitig lang si Steph sa mga mata ng asawa habang ang puso niya ay walang humpay sa pagkabog, kinabahan siya ng labis sa pag-aakalang alam na ni Caspian ang kanyang lihim na nararamdaman para sa kanya ngunit biglang ngumisi ito bago pa man niya buksan ang kanyang bibig at muling nagsalita.Inilayo ni Caspian ang paningin niya sa kanya saka tumawa, “hindi mo na kailangang ulitin ang sinabi mo sakin noon. Don’t worry, we are on the same boat. Hindi rin kita magugustuhan katulad ng ‘yong sinasabi and I promise that… I will not bother you anymore,” narinig ni Steph ang seryosong sagot nito saka dumaan sa kanila at iniwan sila ni Aly na tulala.
“Caspian’s POV”"STEPH! STEPH!" Magkakasunod na katok ang aking ginawa sa pintuan ng kanyang kwarto pero hindi pa rin siya lumalabas.Maaaring tinotoo nga niya ang kanyang sinabi na dumistansya na kami sa isa't-isa na dapat ay ikatuwa ko pero hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala para sa kanya dahil nitong mga nagdaang araw ay wala siyang ginawa kundi ang manatili sa loob ng bahay at wala siya nagawang kamalian na imposibleng mangyari sa buong buhay niya dahil ang Steph na kilala ko ay parating gumagawa ng kung anong nais niya, reckless, at higit sa lahat never nanatili sa loob ng bahay sa buong linggo.Hindi naman sa nag ooverthink ako at may pakialam ako sa kanya pero wala talaga at imposibleng magkaroon ako ng pakialam sa kanya ang pinag-aalala ko lang ay baka mas malaki pang problema ang ibigay niya sakin."Steph! Bumangon ka na diyan! Naghihintay ang mga parents mo satin sa man
“Mike’s POV”Nagmamasid ako sa buong paligid ng venue at hinahanap ang aking pinsan na kaarawan ng araw na ito, nasaan na kaya siya? Imposible namang malimutan niya ang araw na ito dahil ito lamang ang pagkakataon na nagkakasama-sama kaming mga magpipinsan.Natagpuan ng aking mga mata si Aly na parating, agad akong naglakad patungo sa kanya, “Aly. Where is Steph?” Salubong kong tanong sa kanya.“Wala pa siya dito?” Takang tanong niya sa akin, saka pinasadahan ng tingin ang lahat ng bisita.“Kailangan na nilang dumating or else, lolo Pacito and others might doubt their relationship,” bulong ko sa kaibigan ng aking pinsan.“I know that but I guess, si Steph lang ang darating,” sagot niya.“WHAT?? Bakit naman? Did they fight?” Kinakabahan kong tanong sa kanya, our grandpa thinks highly
“Caspian’s POV”Iniikot ko ang aking tingin sa buong garden na pagmamay-aring ng pamilya ni Steph and I can say na sobrang laki pala ng kanilang lupain. I didn’t expect na ganto pala sila kayaman katulad ng narinig ko sa iba.Hindi ko naman akalain na birthday pala niya ngayon, nakapaghanda man lang sana ako ng gift niya if ever na dadalhin niya ako dito. Hindi naman sa may pakialam ako sa special day niya but it was just for a show pero hayaan ko na lang since andito na ako, wala na akong ibang magagawa.Nakalingkis pa rin si Steph saking braso na parang ewan ko ba kung bakit kailangan niya pang gawin ito pero sinang-ayunan ko pa rin siya dito.Pumayag ako na gawin niya yun, hindi dahil nahuhulog na ako sa kanya kundi dahil ayoko siyang biguin ngayon kaarawan niya saka simple lang naman ang request niya, ipagkakait ko pa ba?Hindi ko lubos akalain marami
“Steph’s POV”Nakaramdam ako ng kaba ng sandaling nakatingin sa amin ang lahat nang gumawa ng eksena itong si Mara, talagang she have no plan to let it slip at mukhang balak pa niyang sirain ang birthday ko.Patago kong siniko si Caspian at tiningnan siya para sana siya ang magpaliwanag sa gulong pinasok niya ngunit nabakas ko sa kanyang mukha na parang takot siya. I don’t know, I have no idea what expression he was showing to me na nagpatawa sakin kaya ngayon… ang atensyon nila ay sa akin na lamang nakatutok.“Anong nakakatawa na pinagtataksilan ka ng asawa mo, Steph?” Prangkang tanong ni Brenda.“Mukhang ikaw yata ang may sakit at kailangang magpatingin ng doktor, may kilala akong psychiatrist. Gusto mong ako ng magpa-sked?” Sarkastikong sabi ni Eunice.Gusto ko sanang itikom na lang ang aking bibig pero ayokong natatalo ak
Hindi pa rin makapaniwala si Steph sa ikinikilos ng kanyang asawa, at iniisip pa rin niya kung paanong andaming alam nito tungkol sa kanya gayong alam niya na hindi naman sila nag-uusap tungkol sa personal na gusto nila.Natapos ang kanilang malaking salo-salo, nakatanggap siya ng iba’t-ibang regalo mula sa mga bisita, kamag-anak, at mga magulang. Masayang-masaya si Steph sa araw na ito pero merong isang bagay ang kanyang pinakaaabangan at yun ay ang malaman kung anong surpresa ang sinasabi ng kanyang asawa.Stephanie really thinks na mayroong surpresa si Caspian sa kanya, kaya sobrang lawak ng kanyang ngiti ng sandaling iyon.Napansin ni Caspian ang paglinga-linga ng asawa na parang nabo-bored na, “would you like to leave now?” Tanong nito.Napatingin naman si Steph sa kanya, at napangiti, “sure.”“Then… let’s go?” Nag-aalan
“Steph’s POV”I’m trying to set aside my feelings for him pero kinilig naman ako sa effort niya para sa birthday ko. Aaminin kong nahuhulog na naman ang loob ko sa kanya o mas lalo akong nahuhulog sa kanya and I am not sure if I have to forget my feelings for him or bigyan siya ng second chance.I know that everyone deserves a second chance baka mali lang ako ng pagkakakilala sa kanya at na mi-misinterpret ko siya, naniniwala rin akong hanggang may buhay may pag-asa pang magbago ang isang tao.“It’s getting cold, ling,” napatingin sa kanya ang mga kaibigan niya at sinundan ng tingin ang bawat kilos ng aking asawa.Tumayo siya habang hinuhubad ang suot niyang coat, lumapit siya sakin at pinatong ito sa aking balikat.Hindi pa ako nakakasagot ng mag-react ang kanyang mga kaibigan, “wooooah! Tama ba ang pagkakarinig namin, kernel Ardie
“Are you tired? Gusto mo bang umuwi na tayo?” Naglakas loob na magtanong si Caspian ng mabalot sila ng katahimikan.Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ni Steph ng hindi namamalayan ng kanyang asawa. "Are you tired? Iuuwi na kita," tanong niyang muli.Pinunasan ni Steph ang kanyang luha saka mahinang sumagot, "sige."Paunti-unting pinahina ni Caspian ang apoy kasabay ng dahan dahan na pagbaba ng kanilang sinasakyan sa lupa. Naunang bumaba si Caspian sa kanya at iniabot ang kanyang kamay upang alalayan si Steph ngunit tinitigan lamang niya ang kamay ng asawa saka lumabas ng kanya mula dito."Let's go, inaantok na ako." Sabi pa nito ng mauna siya maglakad kay Caspian."Kailangan ko ng umiwas sa kanya lalo na at alam ko ng kahit kailan ay hindi niya ako gugustuhing mahalin… Pero… bakit hindi niya ko kayang mahalin? Hindi ba ako kamahal-mah