MATAPOS ang mainit at maanghang na salita na naganap sa pagitan nina Gretta at Eunice ay nabalot ng katahimikan ang buong kabahayan. Hindi makapaniwala ang dalawang magkapatid kung paano iyon nalaman ni Eunice na tanging si Divina lang ang nakakaalam ng mga gulong kinasangkutan nito.
“How did she—” hindi natuloy ni Gretta ang kanyang sasabihin nang magngitngit ito sa galit.
“Ang hampaslupang iyon, paano niya nalaman ang—”
“Now that we’re done with the drama let’s hear what Atty. Francisco will say,” wika ni Stefan na umagaw sa atensyon ng dalawa ngunit hindi iyon pinansin ng binata na nakatuon ang pansin sa abogado. “Have a seat, attorney.” Anyaya nito saka naupo.
Ibinaling ni Stefan ang kanyang tingin sa kanyang lolo at lola. “What are you doing?” tanong nito. “Aren’t you the one who wanted this? Do you want me to help you to seat?” Dagdag nito na may ma
NAPATAAS ng kilay si Stefan sa narinig na sagot ng kanyang lolo na mukhang pera. “Really? What made you think that Lola Divina should give you the 25 percent of her total assets? For what reason?”“Hindi pa ba sapat na kapatid niya kami ni Gretta at nararapat lang niya kaming bigyan ng tamang shares sa mga kayamanan na naiwan niya?” paglilinaw na saad ni Astolfo. “Saka bakit niya kami bibigyan ng kakarampot na bahagi ng kayamanan na iniwan niya ‘e, lahat naman ng iniwan niya ay galing kay Papa kaya nararapat lang na bigyan niya kami ng kalahati sa yaman na maiiwan niya!”Napapalatak si Stefan sa kanyang narinig. “Half of her assets? Are you joking?” sabay tingin sa dalawang magkapatid.“Bakit? Kung nagawa niyang bigyan ng 25 percent ang hampaslupa mong asawa, bakit hindi niya magawang ibigay sa amin na kadugo niya?” pag-aalmang tanong ni Astolfo.Inayos ni Stefan ang kanyang pagkakaupo at i
NATIGALGAL sina Astolfo at Gretta sa kanilaang narinig.“What?” nanlulumong tanong ni Gretta.“You can either take the 10 percent share or it will be donated to charity,” pag-uulit ni Atty. Francisco na mas lalong ikinalumo ng magkapatid.“This can’t be happening…” mahinang usal ni Gretta.“No, it’s happening,” nanunudyong wika ni Stefan. “So, will you take it or donate it to the people who’s in need?”Hindi nakasagot agad ang magkapatid dahil sa labis na pagkabigla at pagkadisgusto sa nangyayari.Tumingin si Stefan sa kanyang relo at ni-tap ang ibabaw nito. “What is your decision? If you can’t decide, you may leave; you’re taking up too much of my time,” wika ng binata nang tumayo ito sa kanyang pagkakaupo.Ilang segundo ang lumipas ngunit wala pa ring ibinibigay na sagot ang magkapatid dahilan para ibaling ni Stefan ang kanya
MAHIGPIT ang pagkakahawak ni Stefan sa manibela habang siya’y nagmamaneho kasabay ang pagkagat niya sa kanyang labi. Hindi niya maipaliwanag ang kaba na kanyang nararamdaman nang sandaling iyon tila ba sasabog ang kanyang puso sa lakas ng pagkabog nito.Huminga siya nang malalim para ikalma ang kanyang sarili ngunit nang sandaling makita niya ang bouquet of roses na nasa passenger seat ay muli siyang nakaramdam ng kaba at panlalamig ng kanyang mga kamay.“Shit! This is the first time I’ve felt nervous,” saad ni Stefan sa habang panay ang pagbuga.Sa ilang linggo pa lang nakakalipas simula nang pagkompronta sa kanya ni Eunice ay hindi na siya tinantanan ng kanyang konsensya matapos ang lahat na ginawa niyang pagbubunton ng sisi at pananakit sa kanyang asawa nang dahil sa pagkamatay ng kanyang lola. Alam niyang mali ang kanyang ginawa kung kaya napagdesisyunan niya na humingi ng kapatawaran kay Eunice sa lahat ng kanyang mga sinabi na masas
MATAPOS ang lahat na nangyari kay Eunice nang araw na iyon ay nakauwi siya ng bahay na kahit papaano ay may magaan na loob. Malaking tulong ang ginawa ni Iñigo para pagaanin ang kanyang nararamdaman lalo na at wala naman siyanhg ibang mapaghihingahan lalo na hindi naman maganda ang relasyon nilang dalawa ni Stefan.Biglang napatigil siya sa tapat ng pinto ng mansyon nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang kanyag asawa.“Kung hindi sana ganito ang sitwasyon namin ni Stefan siguro may mapagsasabihan ako ng mga nangyayari sa akin…Siiguro hindi mangyayari ang ganito sa akin,” mahinang usal niya sa kanyang sarili. “Siguro hindi ako mahihirapan at masasaktan ng ganito.”Napailing si Eunice ng kanyang sarili para ikumpas ang kanyang sarili. Hindi iyon ang oras para mag-isip siya ng ganoong bagay lalo na para sa sitwasyon na meron sa kanilang dalawa ng kanyang asawa.Napabuga siya nang paghinga bago binuksan ang pi
LUMIPAS ang mga araw para kay Eunice na punong-puno ng parusa ang kanyang katawan at isipan maging ang kanyang emosyanal na kalagayan. Bawat araw pakiramdam niya ay nasa impyerno siya dahil sa ginagawa ni Stefan sa kanya na pisikal na pang-aabuso dagdag pa ang mga paninira ng kanyang pagkatao sa unibersidad. Lahat ng puntahan niya ay nagsisilbing pasakit sa kanya na siyang bumubugbog sa kanyang sariling katawan at kaisipan.“Nisa, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Iñigo na napapansin ang hindi magandang kalagyan ng dalaga.“Ayos lang ako, Iñigo. Wala ka dapat na ikapag-alala,” tugon ni Eunice na may pilit na ngiti.“Sigurado ka ba? Ilang araw ko ng napapansin na parang hindi maganda ang pakiramdam mo.”Tumingin si Eunice sa binata at binigyan ito ng ngiti. “Ayos lang ako. Promise,” wika nito. “Masyado kang paranoid.” Natatawang dagdag nito.Pinagmasdan ni Iñigo
DUMATING si Eunice ng unibersidad na tila walang nangyari sa kanya kani-kanina at tulad ng unang araw niya doon ay malinaw niyang naririnig ang mga hate comments sa kanya ng mga estudyante at professor ngunit hindi niya iyon pinansin at umakto na hindi ito naririnig.“Don’t mind them, Eunice. Just ignore them,” saad niya sa kanyang isipan at dire-diretsong naglakad nang walang tinitignan na sinuman.Hindi lumingon sa kahit na kanino man si Eunice patuloy siyang naglakad ngunit habang naglalakad siya tila ba gumagalaw ang kanyang buong paligid at unti-unting nanlalabo ang kanyang paningin.“Anong nangyayari?” tanong niya sa kanyang sarili habang pilit na naglalakad nang maayos.Ikinumpas niya ang kanyang sarili pero ramdam niya na tila gumagalaw ang paligid niya dahilan para mapailing siya nagbabakasakaling baka nanlalabo lang ang kanyang mga mata. Ngunit kahit natapos niya na ang pag-iling ay wala pa rin nagbago sa kanyang na
PAPALABAS ng ospital si Iñigo ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na magalit sa nangyari kay Eunice. Gusto niyang suntukin si Stefan ngunit pilit niyang pinigilan ang kanyang sarili.Lumingon si Iñigo nang sandaling makalabas siya ng ER. “Maghintay ka lang Stefan Salvatore. Babawiin ko sa ‘yo si Eunice. Maghintay ka lang!”At nagsimula nang maglakad papalayo sa ospital si Iñigo na may buong determinasyon na mabawi si Eunice sa mga mapanakit na mga kamay nito.***MAINGAT na hinawi ni Stefan ang kurtina kung saan naroon ang kanyang asawa—nakahiga at bakas ang panghihina sa itsura nito lalong-lalo na ang pangingitim sa ilalim ng mga mata nito. Napakahawak nang mahigpit si Stefan sa kurtinang hawak niya habang pinagmamasdan ang kanyang asawang nakahiga.Naagaw ang pansin ni Stefan nang marinig niya ang boses ng isang babae sa kanyang tabi.“Excuse me, Sir.”Napalingon si
PENHAWK APARTMENT,Hahang kumakain ang magkapatid na Gretta at Astolfo ay biglang nag-ring ang cellphone ni Gretta dahilan para maibaling niya ang kanyang pansin dito at mapataas ang kanyang kilay.“Bakit, Gretta? May problema ba?” tanong ni Astolfo nang mapansin ang pagbabago sa reaksyon ng mukha nito.“Mukhang may magandang balitang dumating,” saad nito na may ngisi sa kanyang labi.Nanahimik si Astolfo at agad na sinagot ni Gretta ang tawag ng taong pinamanman niya sa asawa ng kanyang apo na si Stefan“Anong balita?” bungad niyang tanong sa taong nasa kabilang linya ng telepono.“Ma’am, naaksidente ang asawa ni Mr. Salvatore. Nasa ospital ito kasama ang isang lalaki na nagngangalang Iñigo,” pag-uulat ng lalaking nasa kabilang linya.Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Gretta sa kanyang narinig. “Is that so?” maikling tugon nito. “Kumusta lagay niya? Ang bata? Patay na ba?”“Hindi pa po sila patay, Ma’am pero nasa kritikal ang kanilang kalagayan” sagot ng lalaki. “Napag-alaman ko rin p