Benjamin's POV "Yes I do." May ningning sa mata niya nang sabihin ito sa kanya ng babae. Napangiti siya nang malawak matapos iyong marinig sa katipan. Na kay Venice lamang napokus ang atensyon niya nang isuot na nito ang singsing sa kanya habang sinasabi nito ang vows sa loob ng simbahang ito, na naging saksi sa pag-iisang dibdib nila kasama ang pamilya at mga media para i-coverage ang buong kasal nila nang ngayon nga'y asawa na. Masigabong palakpakan ang naging kasagutan ng mga saksi sa kasalan nang tuluyan nang maisuot ni Venice ang singsing sa kanya. Tinambol nang malakas ang puso niya at sa wakas, nakahinga siya nang maluwag dahil hindi na siya mag-aalala pa. "With all my heart, I will forever love you, Venice," usal niya habang nakatitig sa namamasa nitong mata. Pareho sila ng nararamdaman ngayon dahil makikita sa reaksyon ng babae ang pagiging emosyonal nito. "Thank you for loving me." "You may now kiss your bride, Benjamin." Malakas na anunsiyo ng pari bago narinig ang hiy
Maria's POV "What!" hiyaw niya sabay waslik ng braso para bitawan siya ng mga tauhan ng asawa. "What do you mean na fake ang bitbit kong papeles, Father?" Napailing siya at pagalit na naglakad palapit sa pari kasabay ng pagsunod sa kanya ng mga tauhan ni Benjamin. "Papa'nong nangyari 'yon? Kinasal kami ng lalaking iyan sa isla namin at ang mga taong kasama ko ang makakapagpatunay na totoo ang lahat ng sinasabi ko!" "Nagpatawag na rin ako ng tao sa registry office at sila mismo ang nagsabi na ang dokumentong ito ay peke." Napatango ang pari nang ibalik iyon sa kanya, "Iha," puno ng pang-unawa ang mukha nito nang ngitian siya. "Hindi ko alam ang pinagdadaanan mo pero ang payo ko, idaan mo sa legal na proseso ang lahat ng ito kung sa tingin mo ay may nagawang kasalanan si Benjamin sa'yo pero—legal ang kasalang ito oras na mairehistro namin ang kasal nila ngayon ni Venice." Napailing siya. Hindi maaari! Pagalit niyang tinuro ang mga kababaryo na pinalipad ni Jacob sa Manila para maging
Benjamin's POVHe heaved a relief-filled sigh and took a long breath. It felt like a burden had been lifted from his shoulders. He couldn't explain why her presence had caused him so much anxiety, but now that she was gone, he felt able to relax. The church was beautiful because it was decorated with white flowers, but that girl ruined their moment. Who would have thought they were almost there and it was still a disaster? Nakabalik na siya sa altar kasama si Venice.... pero si Venice. Bumigat na naman ang dibdib niya nang makita ang anyo ng mapapangasawa. God! Napakagulo ng buhok nito dahil sa pagsasabunutan nito at ng babaeng iyon at ang make up nito, animo nagtamo ito ng black eye dahil sa eyeliner nitong kumalat sa paligid ng mga mata nito. Kahit ang lipstick ng babae..."Sweetheart..." Naaawa niyang pinahid ang isang daliri para tanggalin ang nagkalat nitong lipstick sa bibig. "No matter what happened, tuloy ang kasalan. Let's finish what we started—""No, Mr. Benjamin, not until
Benjamin's POV Napahiyaw ng malakas si Venice, "Nooo! This is bullshit! Namumula na ang mukha nito dahil sa kahihiyan nang duruin nito ang 'di natinag na bisita. "You should call the cops right now and kick these people out of here, Benjamin." Sa pagkakataong ito, napalitan na ng galit at pagkabagot ang mukha ni Venice nang duruin nito ang Singaporean na panauhin pero napailing lang ang lalaki at ngumiti. Siya naman, gusto niyang magsalita pero naumid bigla ang dila niya nang magsiiyakan lalo ang mga batang yumakap sa likod ng ama nito at animo magtago dahil sa takot kay Venice. "What exactly are you, w-woman?" Puno ng hinanakit ang boses ni Mr. Sy nang balingan si Venice. "You're too much for me, and I don't expect you to come back; I'm here to file a case against you, but if you're willing to cooperate for the sake of our children, we can talk in private." Nang bigla itong duraan ni Venice sa mukha, mahinahon nitong pinahid ang laway na nagkalat sa mukha nito. "I'm trying to sort
Maria's POV Nando'n lang siya sa gilid ng simbahan habang nakamasid sa mga bisita ni Benjamin sa loob. Unti-unting gumuhit sa labi niya ang isang ngiting puno ng tagumpay nang makita niya kung pa'no namutla ang mukha ng inaakala niyang asawa. Si Venice na kasal na kay Mr. Sy o sa tamang salita si Denise pala na nagpapanggap na si Venice ang isang malaking highlight ng eskandalong ito. HIndi niya ito alam. Ang alam lang niya ay kasado na ito sa iba pero hindi niya akalain na may mas malalim pa siyang matutuklasan sa pagkatao ng pekeng Venice. "Good for you, Benjamin," nasisiyahang anas niya. "I never thought your fiancee was a big mistake or your life's karma. God has never let me down." "Ma'am," pukaw ng isang pulis. "Isa kami sa hiningan ng tulong ni Mr. Sy, kung may reklamo ka kay Mr. Benjamin, lahat kayo ay inaanyayahan namin sa police station. P'wede na ho kayong pumasok sa loob ng simbahan." Tumaas ang kilay niya at tiningnan ang mga pumagilid na tauhan ni Benjamin para magbig
Maria's POV Tili ni Denise ang halos bumasag sa tainga niya nang sugurin nito ang nagulat na kakambal. Sa isang iglap, hawak na nito ang mahabang buhok ng totoong Venice na napaiyak nang malakas nang sabunutan ito ng kapatid. Napa-oh na lang siya nang sakyan pa ng babae ang natumbang kakambal nito. Agad namang umawat si Benjamin nang hatakin nito si Denise. Sa wakas, alam niyang wala nang kasalang magaganap dahil sa eskandalong ito. "Aaah!" hiyaw niya nang maramdaman ang hapdi sa mukha nang pakawalan ni Denise ang malakas na sampal bigla. Ramdam niya ang hapdi dahil sa mahabang kuko nito nang sumayad ito sa mukha niya. Nakaturo ang kamay ni Denise sa kanya at panay ang palag nito sa pagkakahawak na ng tauhan ni Benjamin, "You! Isa ka pa! Pareho lang kayo ng kapatid kong 'to, mga mang-aagaw kayo! Kung kelan natagpuan ko na ang lalaking iniibig ko, saka kayo susulpot nang ganito. How dare you!" Hindi siya nakahuma sa bilis ng pangyayari. Si Venice lang ang pinagdidiskitahan nito kan
Benjamin's POV Pabagsak siyang naupo ng couch nang makarating na sa living area ng tinitirhang condo unit. Gusto niyang mapag-isa muna para makapag-isip nang maayos. Pinauwi na muna niya ang parents sa bahay nila at nangakong uuwi bukas para mapag-usapan ito. Napakainit niya sa mata ng media at ang puso niya, gulong-gulo na rin talaga. Ramdam na ramdam niya ang babaeng iyon na iyon ang totoong Venice pero naguguluhan siya dahil minahal naman niya si Denise na akala niya'y si Venice. Kaso lang, matagal siyang niloko ng babae and his side does not accept this. She is married with two children. "What the f—" gigil niyang nausal kasabay ng pagpitlag nang tumunog ang doorbell. As he sat there in the darkness, his mind raced with thoughts of what could happen next. But how many times would he have to inform his mother before she understood? Gusto niyang mapag-isa muna dahil gulong-gulo pa rin siya. Talagang makulit ito, eh. The incidents shocked and deeply hurt him, at magpasahanggang ng
Benjamin's POV "Who is Jacob again?" Ulit niyang tanong sa babae. "Hindi ko siya kilala pero nag-offer lamang siya kagabi na ihatid ako dahil wala na'kong masakyan." Nakayuko si Venice nang sagutin siya. Ingay ng hawak nitong kubyertos ang kasunod nito. Tila may pader na nakapagitan sa kanilang dalawa kahit pa magkaharap lamang sila sa dining table na inokupa. Ramdam niya ang pagkaasiwa nito dahil hindi ito makatingin nang deretso sa kanya. Pinag-aralan niya ang kabuuan nito. Napakasimple pa rin nito kagaya noon at muling nanariwa na naman sa kanya ang kanilang nakaraan. Walang pinagbago ang babae mula noon magpasahanggang ngayon. Kaya pala. Nakikita niya ang pagkakaiba nito kay Denise pero dahil wala siyang alam na may kapatid ito, hindi niya ito masisi. "Pero bakit?" tanong muli niya. Bakit kailangang magpanggap ni Denise as Venice? Para ano? Buong taon na inakala niyang si Venice ang kasama niya pero kahit may red flags na siyang nararamdaman noon, hindi niya inalintana dahil