Share

Kabanata Sesenta y nueve

PATULOY ANG MGA KALABAN sa pagpapaulan ng bala. At mabuti na nga lang at nasa may kisame sina Marcus at Kurt dahil kung nagkataon ay baka wala ng mapaglagyan ang mga bala sa katawan nila.

Hindi rin matigil ang pag-ugoy ng kubo sa puntong may nabali na at bumagsak ang kalahati ng bahay. Doon lang tuluyang tumigil ang grupo sa pagpapaputok.

Ngunit hindi naman matigil sa pag-iingay at nagsisisihan pa dahil nasira nila ang kubo. Malalagot sila panigurado sa mga amo nila.

Mayamaya pay sinimulan nilang tingnan kung ano nang nangyari sa mga nanggulo sa tahimik nilang gabi. Maingat pa nilang sinilip sa gumuhong parte ng kubo kung nasa ilalim ba ang katawan ng entremetido, nang walang ano-ano ay tumalon si Marcus sa likod ng isa sa mga kalalakihan at sinipa ang ulo nito sanhi para matumba.

Sabay hila sa baril kahit nakapalibot pa ang strap sa katawan ng lalake. Pinaputukan niya ang dalawang pasugod sa kanya saka muling binalingan ang lalakeng inatake. Pumipiglas kaya kailangan patulugin. Hinam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status