Share

Kabanata 22

Nakatitig lang si Caspian kay Davina habang ito ang naglilinis ng mga sugat niya. Pagaling naman na ang nasa braso niya at patuloy na pagpapagamot pa ng tama niya sa tagiliran niya. Maingat na nililinis na naman ni Davina ang sugat ni Caspian sa tagiliran niya. Napakagaan ng kamay niya na para bang hindi mo na maramdaman ang panggagamot niya.

Mariing tinititigan ni Caspian ang mukha ng dalaga, mula sa maganda niyang kilay, ang sakto ng laki ng mga mata niya at medyo may kahabaan na pilik mata niya, matangos na ilong na para bang retoke pero natural lang naman, ang pinkish niyang labi.

Naiiwas ni Caspian ang paningin niya sa dalaga dahil bigla siyang nakaramdam ng init nang makita na naman ang labi ng dalaga. Naaalala pa rin niya ang lambot nun noong hinalikan niya ito.

“Okay na yan, inumin mo na lang itong gamot mo para mabilis humilom ang sugat mo. Talagang tinotoo mo sinabi ko no? Ang dabi ko partneran mo sa kabilang braso mo yung tama mo pero sa tagiliran ka naman nagpalagay, tssss
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status