Nakasimangot na lang si Davina dahil sa kalagayan niya ngayon. Nakaupo siya sa wheelchair habang itinutulak siya ni Caspian.“Are you okay?” malumanay na tanong sa kaniya ni Caspian. Ramdam niya ang pagiging tahimik ni Davina kanina pa, nag-aalala siyang baka may dinadaing pa ang dalaga. Tanging iling lang naman ang sagot sa kaniya ni Davina, rinig pa niya ang pagbuntong hininga nito. “If you need something just tell me and I will give it to you, everything.” Dagdag pa ni Caspian.Napangiti na lang si Davina dahil ramdam niya ang pagiging sinsero ngayon ni Caspian. Naipilig na lang tuloy niya ang ulo niya dahil anong inginingiti-ngiti niya?Patuloy ang pagtulak ni Caspian ng wheel chair para bumalik na sila sa office niya nang may biglang humarang sa kanila. Nakayuko naman si Davina kaya sapatos lang ang nakikita niya. Wala siyang ganang tingnan kung sino man ang empleyado ni Caspian ang nasa harapan niya.“Ganiyan na lang ba ang nangyayari sayo?” biglang natauhan si Davina sa boses n
Simula nang magkita sila ng ama niya palagi ng nakakunot ang noo niya at tila ba napakalalim ng iniisip niya. Ganun na lang ba talaga ang galit ng Daddy niya sa kaniya? Dahil ba sa napahiya niya ito sa harap ng maraming tao? Gustuhin man niyang maging perfect daughter sa ama niya, ayaw niya namang lahat na lang ay kontrolin ng ama niya. Pati ba naman ang pag-aasawa niya ay pakikialamanan nito? Gusto lang naman niyang mabuhay ng masaya at payapa. Ang pag-aasawa, panghabang buhay na pangako yun at pagsasama. Ayaw niyang pilitin ang sarili niyang mahalin ang isang tao dahil naniniwala siyang kapag puso na ang naghanap at nagsabi sayo na ito ang mamahalin mo, wala kang magagawa kundi sundin ito. Malayo pa lang ay kita na ni Caspian ang sasakyang gamit ni John para ihatid si Davina sa kaniya. Nakasunod lang ang paningin niya hanggang sa huminto na ito. Ilang metro pa rin ang layo mula sa kaniya.“Nandito na po tayo Ma’am.” wika ni John nang makarating sila kung nasaan si Caspian. Tumingin
Lumipas ang ilang mga oras pero hindi pa rin bumabalik si Davina sa hospital. Pakiramdam niya tama si Sophia, lahat ng mga nangyayari kay Caspian ay siya ang dahilan. Hindi man siya ang naging dahilan sa pagkakaroon ng tama ni Caspian sa braso noon pero siya ang dahilan kung bakit tinamaan din si Caspian sa Boracay at yung ngayon.Kanina pa nakababad ang katawan niya sa tubig pero malalim pa rin ang iniisip niya. Kung siya ang pakay ng mga umaatake sa kanila, anong dahilan? Dahil pa rin ba ito sa notebook at diamond na hinahanap nila? Kahit naman kasi anong gawin niya hindi niya alam kung nasaan yun? May katunayan ba sila para maging confident silang nasa kaniya nga ang hinahanap nila?Napabuntong hininga na lang si Davina at inihiga niya na lang ang katawan niya sa bath tub. Ito ang kauna-unahan niyang may hinayaan siyang tao na maliitin siya at sigaw-sigawan. Wala na kasi siyang ganang patulan pa dahil mas nangingibabaw ang pag-aalala niya kay Caspian. Ayaw niya ng may kahinaan siya
Naiwan na silang dalawa sa hospital, si Davina na ang nag-alaga kay Caspian. Nagi-guilty siya dahil alam niyang tama naman si Sophia dahil siya ang naging dahilan kung bakit may sugat na naman si Caspian. Nagtataka na lang siya dahil alam niyang siya talaga ang pakay at hindi si Caspian. Kung may kinalaman pa rin ito tungkol sa sinasabi nilang notebook at mga diamond siguro kailangan niyang kumilos, kailangan niyang unahan ang mga ito bago pa may mangyari sa buhay niya lalo na sa mga taong nasa paligid niya.Lingid sa kaalaman ni Davina na inaakala ni Caspian na siya talaga ang pakay ng mga taong binabalak saktan si Davina dahil iniisip ni Caspian na baka nalaman ng mga kalaban niya na may asawa na siya at yun ay si Davina. Iniisip ni Caspian na baka gusto nilang gamitin si Davina bilang kaniyang kahinaan. Kung hindi lang makokonsensya si Caspian sa kung ano mang mangyayari kay Davina hindi niya isasakripisyo ang buhay niya but he had no choice.“Are you really okay?” malumanay na tan
Nakauwi na si Caspian galing hospital at magpapagaling na lang siya. Para bang naging bitamina niya na ang mga gamot para sa mga sugat niya. Muling nakahinga ng maayos si Caspian nang makauwi silang dalawa ni Davina sa bahay nila. Ramdam ang pagod kahit na nakahiga lang naman siya maghapon sa hospital. Para sa kaniya kasi mas nakakapagod ang walang ginagawa.Dumiretso na si Caspian sa kwarto niya para makaligo kaagad. Kaya niya naman nang igalaw ang katawan niya dahil medyo gumagaling naman na ang sugat niya. Pagkatapos niyang maligo ay bumaba na siya sa kwarto niya para puntahan si Davina baka kasi nagluluto na ito sa kusina pero pagdating niya sa sala, nakita niya si Davina at mahimbing na itong natutulog.Nilapitan siya ni Caspian, lumuhod si Caspian para mas makita niya ng malapitan ang mukha ni Davina. Bakas ang pagod at puyat sa dalaga dahil sa ilang araw at gabi niyang pagbabantay kay Caspian. Alam yun ni Caspian na nagigising si Davina sa gitna ng gabi dahil nararamdaman niya
Kanina pa nakamasid si Evander kay Caspian na hindi mapakali. Parang wala siyang pinapakinggan sa nagsasalita sa harap nila. Nang matapos ang meeting nila ay tahimik lang na lumabas si Caspian habang salubong ang mga kilay niya.“Ayos ka lang? Kanina ka pa wala sa sarili mo.” pagtatanong na ni Evander dahil hindi naman ganiyan si Caspian. Napabuntong hininga na lang si Caspian saka siya naupo sa isang bench kasama ang mga kasamahan niya.“I’m worried about Davina, iniwan ko siya sa bahay ng mag-isa. Hindi lang ako mapakali.” Sagot niya, ilang araw nang bumabagabag yun sa isipan niya simula nang iwan niya si Davina sa bahay niya. Ito na nga ba ang sinasabi niya eh, ayaw niya ng nadidistract siya kapag nasa misyon siya pero sa nangyayari sa tuwing iniiwan niya si Davina, na kay Davina ang laman ng isip niya at hindi siya makapagfocus sa mga meeting nila tungkol sa mga misyon nila.“Davina? Is she your wife?” tanong ni Lorelie, ang isa pa sa mga kasamahan nila sa trabaho pero sa ibang te
Hindi iniuwi ng Daddy niya si Davina kundi sa headquarters nila ito idinala. Inis na naupo si Davina sa upuan dahil hindi niya maintindihan kung bakit ito ginagawa ng Daddy niya. Bakit pa nila kailangang sapilitan na isama siya kung kusa lang din naman siya pupunta sa Daddy niya? Hindi ba nila maintindihan na hihintayin niya lang si Caspian dahil alangan naman na iwan niya ang bahay nito ng wala man lang siyang paalam?Naupo na si Mr. Flores sa harap ng anak niya pero salubong ang kilay ni Davina.“Why are you doing this Dad? Kung pababalikin niyo na ako sa trabaho ko bakit kailangan niyo pang magtrespassing? A call is enough.” Naiinis niyang wika sa ama, nahihiya tuloy siya kay Caspian dahil pagkatapos ng halos dalawang buwan na siya ang sumuporta kay Davina ganun lang ang gagawin sa kaniya ng Daddy niya.“You don’t know him Davina. Ang lalaking kinakasama mo ay isang delikadong tao.” sa paanong paraan? Ano bang nalaman ng Daddy niya sa pagkatao ni Caspian.“Dad, he is not what you
Bago pa man makalabas ng tuluyan sa headquarter si Davina ay napigilan na siya ni Kenzo. Hinawakan siya nito sa kamay at bahagyang hinila para mapalapit si Davina sa kaniya. Kunot noong tiningnan ni Davina kung sino man ang humila sa kaniya.“Kenzo? What do you need?” pagtatanong niya rito. Salubong ang mga kilay ni Kenzo at seryosong nakatingin kay Davina. “Pagkatapos mo akong takasan sa araw ng kasal natin at magpakasal sa ibang lalaki ng araw ding yun, ganito ang gagawin mo sa akin? Hindi mo pa ako kinakausap Davina at parang hindi mo iniisip ang nararamdaman ko.”May diin niyang wika, gusto niyang magalit pero hindi niya magawa kay Davina dahil mahal niya ito. Naiintindihan naman siya ni Davina pero nagmamadali si Davina ngayon, gusto niya nang makabalik sa bahay ni Caspian at wala siyang panahon para kausapin muna si Kenzo. “I’m sorry Kenzo but I have to go.” Akma sanang aalisin ni Davina ang pagkakahawak sa kaniya ni Kenzo nang mas lalong higpitan ni Kenzo ang pagkakahawak sa k