Nanlaki na rin ang mga mata ni Davina dahil hindi niya inaasahan na gagawin ito sa kaniya ng Presidente.“Relax lang po kayo Mr. President, huwag kayong magpadalo-dalos sa mga desisyon niyo.” Wika ni Davina pero mas idiniin ng Presidente ang nguso ng baril sa sintido ni Davina.“Huwag kang maingay, manahimik ka dahil wala kang alam.” May diing wika ng Presidente.Nakatingin naman ang nakaitim na lalaki kay Davina habang salubong ang mga kilay niya.Hindi pwedeng magpadalos-dalos si Davina sa kilos niya dahil may bata sa sinapupunan niya. Kailangan niyang limitahan ang kilos niya kung ayaw niyang sa hospital na ang gising niya. Napalunok na lang siya at tinitingnan ang lalaking nasa harapan nila.“Huwag mong susubukang lumapit dahil papatayin ko ang babaeng ito.” pagbabanta ng Presidente.“Davina,” mahinang wika ni Caspian, ang lalaking nasa likod ng mask. Napahigpit na lang ang hawak niya sa baril niya dahil natatakot siyang may mangyari kay Davina. Isang maling galaw niya lang maaari
Nailipat na sa ibang kwarto si Davina, si Kenzo at Jillian pa rin ang nagbabantay sa kaniya dahil busy pa rin ang mga iba nilang kasamahan.Parehong tahimik si Jillian at Kenzo habang hinihintay ang paggising ni Davina.Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Mrs. Flores, ang ina ni Davina.“How is she? Is she okay now? Oh my God, my daughter.” Nag-aalala niyang tanong kay Kenzo, sinalubong naman siya ni Kenzo at Jillian.“Okay naman na po siya sabi ng Doctor. Hihintayin na lang po natin kung kailan siya magigising Tita.” sagot ni Kenzo.“Jusko, ano bang nangyayari sa bansa natin? Hindi ko na maintindihan ang mga kaguluhan sa bansang ito pero bakit kailangan pa nilang idamay ang anak ko?!” galit na galit niyang saad. Nang marinig ni Ms. Ava ang tungkol sa Presidente ay hindi niya lang yun pinagtuunan ng pansin pero nang malaman niyang si Davina ang tinutukoy sa bodyguard ng Presidente na nabaril ay nagmadali na siyang pumunta ng hospital.Nagkatinginan si Kenzo at Jilli
Naupo si Jillian sa tabi ni Davina ganun na rin si Kenzo na tahimik pa rin. Hindi alam ni Jillian kung anong laman ng isipan nito dahil simula ng malaman nilang buntis si Davina, hindi na siya umimik.Halos nagmamakaawa ang mga mata ni Davina kay Jillian para lang sabihin nitong maayos lang ang Baby niya.“Ang sabi ng Doctor delikado talaga para sa inyong dalawa lalo na at nagkaroon ka ng bleeding pero mukhang gusto naman ng Baby mong manatili sayo kaya kahit na inoperahan ka himalang nakaligtas siya sa sinapupunan mo. Medyo risk lang talaga pero maayos naman siya, healthy ang baby mo kaya magpagaling ka.” nakangiting wika ni Jillian.Nakahinga naman ng maayos si Davina dahil dun. Hindi niya talaga alam ang gagawin niya kapag may nangyari sa baby niya. Tiningnan ni Davina si Kenzo pero tipid lang na ngumiti si Kenzo sa kaniya at iniyuko niya na uli ang ulo niya.“Are you mad because I’m pregnant?” mahinang tanong ni Davina sa kaniya. Maiintindihan yun ni Davina dahil kapag siya rin a
Nakalabas na ng hospital si Davina matapos niyang magpagaling ng halos dalawang linggo sa hospital. Gustuhin man ni Ava na manatili muna sana si Davina sa bahay nila para makapagpahinga, wala naman siyang nagawa nang dumiretso na ang anak niya sa headquarter nila.Itinago pa rin nila ang tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi na muna pinagtrabaho ni Mr. Flores si Davina sa mga mabibigat na trabaho dahil sa sugat niya. Ipinaiimbestiga na lang niya ang tungkol kay Gabrielle.Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nila si Henry, mukhang wala na siyang plano na bumalik pa ng Pilipinas dahil naisiwalat na ang mga kasalanan niya pero ginagawa pa rin nilang lahat para mahuli siya.“Wala pa rin bang balita kay Gabrielle?” tanong ni Davina sa mga kasama niya. Lahat sila ay nanatili sa office niya para pagtuunan na muna ang tungkol kay Gabrielle.“Wala pa, simula nang tamaan siya ng baril nang kidnapin ka niya wala pa ring balita sa kaniya.” napatango-tango na lang si Davina. Hinilot niya ang sintido
Sa mga nalaman ni Davina mas lalong naging malamig ang pakikitungo niya sa lahat. Masyado na siyang seryoso na halos hindi mo na pwedeng biruin pa kahit na kaibigan ka niya. Gusto pa sanang alamin ni Davina ang tungkol sa buong pagkatao ni Caspian pero mukhang malinaw na sa kaniya.Hindi kakampi ng bansa o ng batas si Caspian. Bakit nga ba siya nagbulag-bulagan tungkol kay Caspian? Siguro nga nakilala niya si Caspian pero hindi si Dead Angel. Matagal na nilang minamanmanan ang organisasyong ito pero nasa harapan na ni Davina pero wala siyang ginawa.Sinunod niya kasi ang lintik na pagmamahal na yan. Kung una pa lang ay nakinig na siya sa ama niya baka hindi siya nahihirapan ngayon, baka madali niya na lang nagagawa ang mga trabaho niya ngayon. Nahihirapan siyang huliin si Caspian dahil mahal niya ito pero ngayon hindi niya alam kung pagmamahal pa ba ang natitira sa puso niya o baka unti-unti ng napapalitan ng galit niya.Buong buhay niya, nabuhay siya ng walang kinikilalang kapatid pe
Mas lalong naiinis si Davina dahil hindi man lang magsalita si Caspian para ipaliwanag ang sarili niya. Sa pananahimik niya parang iyun na ang sagot niya, ayaw niyang ipaliwanag kung may dahilan ba siya kung bakit niya yun nagawa.Dahan-dahang tumulo ang mga luha ni Davina dahil mas pinili ni Caspian na manahimik. Ikinasa na ni Davina ang baril niya at diretso lang naman ang paningin ni Caspian kay Davina.“Baby,” mahinang wika ni Caspian pero hindi yun narinig ni Davina. Akma niya na sanang ipuputok ang baril kay Caspian nang pareho silang magulat dahil sa nagpaputok ng baril kay Davina.“Fuck!” galit na mura ni Caspian saka niya nilingon si Evander na bagong dating lang. Nabitiwan ni Davina ang baril niya dahil pinatamaan yun ni Evander para mabitiwan ni Davina ang hawak niya at hindi niya maituloy ang balak niyang gawin kay Caspian.Alam naman ni Evander na wala lang gagawin si Caspian para pigilan si Davina.“What do you think you’re doing?” inis na tanong ni Caspian kay Evander.
Diretsong naglalakad si Davina patungong office ng Daddy niya dahil pinapatawag siya nito. Kumatok na muna siya bago siya pumasok sa loob.As usual, lagi niyang naabutan ang ama niyang nakaharap sa bintana. Nakapamaywang ito na tila ba problemado.“Pinatawag niyo po ako Sir?” tanong ni Davina, diretso ang tayo niya habang nakatingin sa likod ng kaniyang ama. Hinarap naman siya ni Mr. Flores at seryoso na naman ang mukha nito.“Hindi mo naman siguro siya mahal diba? Wala ka naman na sigurong nararamdaman para sa kaniya hindi ba? Wala na pati akong pakialam kahit na may nararamdaman ka sa kaniya o kahit na asawa mo pa siya! Hindi siya ang lalaking para sayo Davina. Sige! Wala na akong pakialam kahit sino pa ang mahalin mo pero huwag ang katulad ng lalaking yun! Wala siyang magandang maidudulot sayo. Sa ayaw at sa gusto mo, I will kill that bastard, asawa mo man siya, mahal mo man siya o hindi pero hindi ko hahayaang makuha ka niya sa amin Davina Flores.” May diing wika ni Mr. Flores.An
Ibinaba na ni Kenzo sa lamesa ang hawak hawak niyang tray habang si Jillian naman ay wala pa ring tigil ang pagtawa niya. Kahit papaano ay nalilibang si Davina sa mga kaibigan niya.“Ano bang problema mo?” tanong ni Davina kay Kenzo na pawisan pa, para na siyang naligo dahil basa ang buhok niya sa pawis.“Ano ba kasing pinagawa mo diyan? Paghanapin mo ba naman kasi ng pakwan na walang buto hahaha. Alam mo ba? hahahaha. Teka lang hahaha, natatawa pa ako.” tawang tawang wika ni Jillian, halos ubuhin pa siya sa sobrang kakatawa niya.Napahawak na siya sa dalawa niyang tuhod at humugot ng malalim na hininga nang tumigil na siya sa kakatawa niya.“Eh pano ba naman kasi, lumabas si Kenzo para raw hanapin ang pakwan mong walang buto. Kahit saan naman yan pumunta wala siyang mahahanap na pakwan na walang buto.” Kwento ni Jillian, hindi pa rin makaget over sa ginawa ni Kenzo. “At dahil wala siyang mahanap na pakwan na walang buto, ayan iniisa-isa niyang alisin ang buto ng pakwan. Ginawa na rin