Share

Kabanata 85

Pare-pareho nang salubong ang mga kilay nila dahil sa pagkalito. Hindi nila alam kung ginagawa ba ito ni Davina dahil sa kagustuhan niyang iligtas si Caspian o kung aksidente rin ba niyang nalaman ang lahat ng tungkol kay Dead Angel.

“Paano mo nalaman ang mga tungkol diyan?” kuryosong tanong ni Jillian.

“May nakausap akong isang tao na may kaunting alam tungkol kay Dead Angel. Sampung taon ang nakalipas nang gustong makipagkasundo ni Dead Angel sa isang businessman para maging business partners. Kung iisipin niyo sa nakalipas na sampung taon, nasa college pa lang si Caspian ng mga panahon na yan. Napansin ko lang na marami talagang pagkakaiba si Dead Angel at Caspian at nakompirma ko ang tungkol dun nang mabasa ko ang mga records ni Dead Angel.” Paliwanag naman ni Davina.

“Pero kung si Caspian ay hindi si Dead Angel. Anong dahilan niya para magpanggap na siya si Dead Angel?” tanong na rin ni Rose.

“Hindi ko rin alam, yun din ang gusto kong malaman pero hindi ko alam kung saan ko haha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status