Araw-araw ay sinusubukang tawagan ni Davina ang number ni Caspian pero palaging cannot be reach ito. Sa tuwing iyun ang naririnig niya ay tila pinipiga ang puso niya. Nasaan na ba talaga siya? Palagi na lamang niyang tanong sa sarili niya.She miss him so much pero wala siyang magawa kundi ang mamiss lang ito at pagmasdan na lang ang mukha ni Caspian sa mga picture nila together.Naiiyak na lang din siya minsan dahil wala man lang ginawa si Caspian para magkausap silang dalawa, ipaliwanag lahat ng mga dahilan niya dahil baka sakaling maintindihan siya ni Davina.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Davina. Humarap siya sa human size niyang salamin, hindi na nagsasalubong ang pantalon niya dahil sa baby bump niya.“I need to buy new pants.” Aniya sa sarili, hindi na nagkakasya sa bewang niya ang mga pantalon niya. Nanguha na lang siya ng pants na stretchable saka niya iyun tenernohan ng overshize shirt na naman.Matapos niyang makapaggayak ay dumiretso na siya sa opisin
Ilang araw ding hinintay ni Davina ang Daddy niya para kausapin ito tungkol kay Caspian at kay Dead Angel pero simula nang mag-usap silang dalawa hindi pa niya ito makita.“Wala pa rin ba si Sir Flores?” hinarang na niya ang dadaan sanang isa sa mga malapit na tauhan ni Mr. Flores.“Pasensya na Captain pero hindi pa rin siya bumabalik kasama ng mga iba pa niyang mga tauhan.” Sagot naman nito, nakakagat na lamang ni Davina ang pang-ibaba niyang labi dahil sa pag-aalala. Baka sa mga oras na ito ay tinutugis na nila si Caspian at base sa narinig ni Davina hindi isusuko ng Daddy niya si Caspian dahil siya mismo ang sisingil sa buhay na kinuha sa kanila ni Caspian.Napahilot si Davina sa noo niya, saan niya ba hahanapin ang ama niya para makausap ito at mapatunayan ang mga sinasabi niya. Iniisip kasi ng kaniyang ama na ginagawa ito ni Davina para iligtas siya.“Sinubukan mo na ba siyang tawagan?” tanong ni Kenzo sa kaniya, kasama ni Davina si Kenzo sa paghahanap kay Mr. Flores pero bigo p
Nang magising si Davina at mabilis niyang inalis ang mga nakakabit sa kamay niya. Nakita naman iyun ni Jillian kaya mabilis niya itong pinigilan.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Davina, the Doctor said that you need to rest dahil masyado mo ng pinapagod ang sarili mo at kapag pinagpatuloy mo kung anong ginagawa mo, baby mo ang mawawala sayo.” seryosong wika sa kaniya ni Jillian.Wala namang nagawa si Davina at iniwas niya ang paningin kay Jillian. Hindi gusto ni Davina na may mangyari sa anak niya pero kailangan niyang kumilos.“I need to talk my Dad,” aniya kay Jillian.“Kinausap na siya ni Kenzo, sinundan niya kanina si Sir Flores. Hayaan na lang muna natin si Kenzo na kausapin si Sir, magpahinga ka na muna rito dahil hindi makakabuti sayo ang magpakapagod.” Hindi pa rin mapakali si Davina, kailangan niyang mapigilan kung anong binabalak ng kaniyang ama.Ayaw niyang dalawang importanteng tao ang mawala sa kaniya. Ayaw niyang mawala sa trabaho ang Daddy niya o gumawa ito ng lab
Iniwas ni Lorelie ang paningin niya kay Davina dahil sa kaniya na nakatingin ito. Seryoso at salubong ang mga kilay ni Davina dahil sa pagtataka kung anong ginagawa niya rito. Nang makalapit na si Lorelie ay tipid siyang ngumiti, sa tuwing naaalala niya ang mga kasalanang nagawa niya kay Davina, nagi-guilty siya.“Lorelie,” tawag ni Davina sa kaniya, ilang buwan din niya itong hindi nakita. Kailan nga ba yung huli? Hindi niya na matandaan. Napangiti si Davina dahil baka sakaling alam niya kung nasaan si Caspian.“What are you doing here? Are you with Caspian? Please tell me, what is happening? I already know the truth about him and please, tell it to them, to everyone.” Nakikiusap niyang wika kay Lorelie. Naiiwas naman ni Lorelie ang paningin niya kay Davina.Nakakunot na rin ang noo ni Jillian dahil wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Tiningnan niya si Kenzo pero mukhang may alam si Kenzo kung anong sinadya ni Lorelie kay Davina.“Davina,” mahinang wika ni Lorelie sa kaniya,
Flashback Galit na galit si Caspian nang makabalik siya ng headquarter nila, kulang na lang ay kainin ka niya ng buhay sa sobrang galit niya. “Goddamn it! Who said I was in a bar?!” halos gumuhit lahat ng mga litid ni Caspian sa leeg niya dahil sa lakas ng sigaw niya at sa tindi ng galit niya. Nakapila na silang lahat at nakakunot ang noo maliban kay Lorelie na nakayuko na ang ulo niya at nilalaro niya na ang mga daliri niya dahil sa kabang nararamdaman niya. Umayos siya nang tayo dahil baka mahalata siya ni Caspian. “Why? What happened?” tanong ni Evander. Inis na sinabunutan ni Caspian ang buhok niya. “Davina is there, she’s there and she saw us! Damn it!” nanggagalaiti pa rin niyang sigaw. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag kay Davina. Inis siyang napasuntok sa pader nang maalala niya ang mga mata ni Davina kanina, punong puno ng sakit, lungkot at para bang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya. “What do you mean? Nasa bar si Davina kung saan may operation ka?”
Bago gawin nina Caspian ang misyon nila sa Presidente ay binilin niya na silang lahat kung anong mga dapat nilang gawin. Nang malaman niyang isa si Davina sa nagbabantay sa Presidente ay binilin niya si Lorelie na ilayo niya si Davina kahit sa anong klaseng paraan basta mailayo niya ito.Nang lumabas si Davina kasama ang Presidente ay akma na sanang hihilain ni Lorelie si Davina pero umatras siya. Umiling siya sa sarili niya, hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang inis at galit kay Davina. Sinisisi niya ito kung bakit nasaktan siya ni Caspian kaya pinabayaan niya si Davina. Iniwan niya ito at hinayaan na kung anong mangyayari sa kaniya.Nang mabaril si Davina wala man lang naramdamang kahit kaunting awa si Lorelie para sa kaniya. Hindi niya kasi matanggap na minahal ni Caspian ng sobra si Davina habang siya hanggang ngayon nasasaktan pa rin dahil hindi niya naramdaman ang pag-aalaga at pag-aalala kay Caspian na nagagawa niya ngayon kay Davina.Naggagayak na silang lahat dahil aalis na
Tulalang nakatingin sa karagatan si Davina. Hinahayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok. Sa bawat araw na dumadaan ay ito ang gawain niya, ang pumunta sa dagat at manatili ng isa o dalawang oras.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at tipid siyang ngumiti. Sa tuwing naaalala niya ang araw na natanggap niya ang sulat mula kay Caspian, ramdam pa rin niya yung sakit. Kahit lumilipas ang oras araw-araw, masakit pa rin.1 year ago.....“Pareho na silang wala Davina.” Ang mga salita na nakapagpabagsak ng mundo niya. Umiling nang umiling si Davina, napaatras pa siya dahil ayaw niyang maniwala, wala siyang pinaniniwalaan.“I don’t believe you, Max I’m begging you. Huwag naman ganito oh, huwag niyo naman akong biruin, please.” Nagmamakaawa niyang wika. Mabilis na inalalayan ni Railey si Davina nang muntik pa itong matumba dahil sa panghihina.Walang magawa si Railey at Max para pagaanin ang nararamdaman ni Davina. Sa mga mata pa lang niya alam mo ng araw-araw
Iniayos ni Kenzo ang mga dala-dala niyang pagkain saka niya iyun ibinaba. Inilatag niya na rin ang isang tela at dinoblehan pa yun para hindi tumagos dun ang Bermuda baka kasi katihin si Caleb kapag hindi niya dinoblehan. “Pwede bang buhatin ko muna si Caleb, hi baby Caleb, dito ka muna kay Tito Max okay?” natutuwang wika ni Max habang kinakausap niya ang bata. “Da..da,” tawag niya rito, lahat sila na may ginagawa ay napatingin kay Caleb. Bakas ang gulat sa mukha ni Max dahil sa tinawag sa kaniya ni Caleb. “Sandali, ako ba ang tinawag niyang Dada? Tinawag niya akong Dada hahahaha.” Tuwang tuwang sigaw ni Max kaya lumapit silang lahat kay Davina na siyang may buhat buhat kay Caleb. “Assuming mo naman, normal lang na magsalita siya ng ganun naitaon lang na ikaw ang kaharap.” Nakangiwing wika ni Sophia kay Max. “Well, ako talaga ang Daddy ni Caleb, ano nga baby Caleb? Ang cute cute naman ng prinsipe naming iyan.” Paglalaro pa ni Max kay Caleb. “When did he said a word?” tanong ni K