Share

Kabanata 30.2

Lumabas na siya ng cr saka bumalik sa ginagawa niya, iniiwasan niya na lang na hindi makita ang mga kaibigan dahil panigurado naman, magtatanong sila kung anong nangyari sa pisngi niya. Baka mag-alala lang ang mga ito lalo na si Stella.

Sinubukan niyang iwasan ang mga kaibigan hanggang sa magkita na lang sila sa cafeteria para kumain ng tanghalian.

“Hoy, saan ka galing?” salubong na tanong kaagad sa kaniya ni Stella. Wala naman na rin yung pamumula ng pisngi niya.

“Saan pa ba? Malamang nandito lang sa hotel. Saan pa ba ako pupunta?”

“Bakit hindi ka namin makita?”

“Naglilinis ako ng mga kwarto, makikita mo ba ako nun e nasa loob ako.” pagsisinungaling niya, nagtataka man si Stella ay hindi niya na iyun pinansin. Baka hindi lang talaga siya sanay na hindi makita si Mia kapag nagtatrabaho sila. “Kumain na nga lang tayo.” Wika ni Mia saka sila umorder ng mga kakainin nila.

Lahat sila ay tahimik sa loob ng cafeteria, salubong ang mga kilay ni Stella na nakatingin kay Mia. Mukha kasing n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status