Share

25. Sick.

Hindi mawala ang ngiti ni Skyler sa mga labi kahit ramdam parin nya ang bigat ng pakeramdam nya.

Akala nya kasi ay magmamakaawa sya ngayon sa Professor nila dahil wala syang mahanap na model para sa project nya.

Pero parang narinig ni Lord ang kanyang hiling at sa wakas dumating na ang model na tutulong sakanya para matuloy ang kanyang pangarap.

"Salamat talaga Joseph. At pumayag kang maging model ko." -paulit-ulit na pasasalamat ni Skyler kay Joseph. Nakasakay na sila sa bus papuntang T University. Sakto naman kasing walang klase si Joseph kaya makakaattend ito ng Model presentation nila Skyler para sa project.

"Ano ka ba Skyler, Ako nga dapat ang mag pasalamat sayo. Di ba sinabi ko kahapon kakausapin mo si Scott Dela Vega para di nya ituloy yung pag bili nung lupa namin? Ano nga pala ginawa mo at nag bago ang isip nya?"- takang tanong ni Joseph.

"Wala naman. Kinausap ko lang sya. Hindi ko nga akalain na hindi nya na tinuloy yung pagbili nung lupa nyo."- simpleng sagot ni Skyler ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status