Scott's Condo | 3:00 PMNatapos na kumain si Skyler at nakainom na rin sya ng gamot.Tinignan ni Skyler yung dextrose bag na nasa tabi nya. Malapit na rin etong maubos.Medyo okay-okay na rin ang pakeramdam nya. Lalo na nakakain na at nakabawi na sya ng tulog."Tinawagan ko na yung papalit sayo sa shift mo."- lumingon si Skyler sa kakapasok lang na Scott sa kwarto nito.Oo nga pala, Tama nga ang hula ni Skyler na bestfriend na naman ni Scott ang ipapalit sa shift nya. Sabi yun ni Scott sakanya bago eto lumabas sa kwarto nito kanina. Pipigilan sana nya si Scott pero nanghihina pa din si Skyler."Hindi mo na dapat ginawa yun. Pwede naman ako magpaalam na may sakit ako ngayon. Maiintindihan naman siguro yun ni Boss Kim."- saka sobrang nahihiya na rin si Skyler sa bestfriend nito ni Scott. Hindi pa nga nakikita at nakikilala ng personal ni Skyler ang bestfriend ni Scott pero ang dami na nitong naitulong sakanya."Hayaan mo yun. Para naman paminsan-minsan may magawang mabuti ang mokong na
KINABUKASANMagaling na agad si Skyler. Sinunod lang ni Skyler lahat nung bilin sakanya ni Scott dahil nga ayon kay Scott ayun ang sinabi nung Private Doctor nito.Ngayon ay nakauwi na si Skyler sakanyang dorm. Buti nga at matinong kausap si Scott dahil hinatid lang sya nito sa dorm nya at umalis din agad eto. Lihim naman na pinasalamatan ni Skyler na hindi sya kinulit o pinagtripan pa ni Scott.Hula ni Skyler ay dahil iniisip ni Scott na may sakit pa sya kaya hindi sya nito kinulit pa.*Bzzt... Bzzt...*Nagulat si Skyler dahil sa malakas na pag vibrate nung cellphone sa bulsa ng kanyang suot na pants.Kinuha nya yung brand new cellphone na binigay sakanya ni Scott. Hanggang ngayon nga parang panaginip lang kay Skyler yung pag bigay sakanya ni Scott nung mamahaling cellphone.Hindi maimagine ni Skyler na dadating pala yung panahon na magkakaroon sya ng isang cellphone na akala nya hanggang pangarap nya na lang mahahawakan.Binuksan nya yung cellphone at may nag text sakanya.My Hubby:
Dinadama ni Scott ang init ng araw natumatama mula sakanyang mukha."Hey, Scott."-napaangat ang tingin ni Scott sa tumawag ng pangalan nya. Binaba ni Scott ang suot nyang shades at agad na umupo sa kinahihigaan nyang sunbathing chair nung nakilala nya agad kung sino ang tumawag sa pangalan nya."Yo, PJ."-ngiting balik na bati ni Scott sakanyang bestfriend na si Paul John Augustin o PJ. Nakipag fist bump naman si PJ sakanya pero nakasimangot ang mukha nitong nakatingin kay Scott."Really, Scott? Tinawagan mo ko kay tanghaling tapat para dito? Cinancel ko pa meeting ko kay Dad. Akala ko kung ano na nangyari."-di makapaniwalang tanong ni PJ kay Scott. Ngumisi naman si Scott dahil natutuwa sya sa itsura ngayon ng bestfriend nya. Mukhang nagmadali pa kasi itong si PJ para lang makapunta agad sakanya."Okay, umuwi ka na."-s
"Yo, Sky."-bungad na bati ni Kurt kay Skyler nung dumating eto sa samgyupsal store na pinag part-time job nito ngayon."Hi, Bihis lang ako."-balik na bati at saglit na paalam ni Skyler kay Kurt saka dali-daling pumunta sa staff room para mag bihis ng uniform nito. Kakasimula lang ni Skyler last month sa samgyupsal shop na malapit sakanilang University. Dahil kailangan ni Skyler ng dagdag income para sa renta ng dorm at sa baon nya sa pang araw-araw.Nag kataon kasing nawalan ng parehong trabaho ang kanyang Tatay at Nanay dahil nag tanggalan sa factory na parehas nitong pinag tatrabahuan. Sa kasamaang palad ay nasama ang mga magulang ni Skyler sa na tanggal.Kaya nag presenta na mag trabaho si Skyler para sa mga gastusin nya. Nung sinabi ito ni Skyler sa kanyang mga magulang ay ayaw ng mga etong pumayag dahil mas mahalaga daw ang pag-aaral ni Skyler kaya ayun daw ang atupagin nito.
"Why? Iniwan mo ko sa yacht ah."-umupo si PJ sa katapat na upuan ni Scott. Nandito si Scott ngayon sa Infinity Bar na madalas nilang puntahan. At nasa VIP room sila ngayon.Pagkatapos ng revelation kanina at pag-iyak ni Scott at ng kanyang Grandma. Ay nangako si Donya Stephina na hindi-hindi daw nito papalayasin at itatapon na lang basta si Scott kahit na nalaman ni Donya Stephina na hindi sya ang apo nito.Pero...Hindi sigurado si Scott...Dahil nakakaramdam si Scott na simula na..Na hahanapin ng kanyang Grandma ang taong yun.
Kinagabihan... Scott's Studio 10:00 PMNandito ngayon si Scott sa sarili nyang studio. Dahil hilig nya ang paggawa ng kanta ay naisipan ni Scott na mag tayo ng sarili nyang music studio.Sekreto lang ito at hindi nya sinasabi sa iba na gumagawa sya ng mga kanta. Si Donya Stephina at PJ lang ata ang may alam. At sigurado si Scott na wala namang pakealam ang kanyang Ama sakanya kaya hindi na kailangan pang sabihin ni Scott ang tungkol dito sa studio.Nakatutok lang si Scott sa screen ng computer nya ng may kumatok.*Tok.Tok.Tok.*napakunot ng noo si Scott dah
Kinabukasan. Kurt's House. 6:00 AMBuong gabi hindi makatulog si Skyler kaka isip dun sa lalaking nakatambay sa harap ng samgyupsal shop kung saan ito nag pa-part-time.Tuwing pipikit kasi si Skyler nakikita nya yung mga ngisi nung lalaki sakanya. At sobrang na creepy-han talaga itong si Skyler saka nararamdaman nya pang tumatayo ang kanyang balahibo. Pagulong-gulong nga lang sya sa tabi ni Kurt.At di namalayan ni Skyler na sumikat na ang araw."Hoy. Bakit ang likot mo kagabi? Ayos ka lang ba?"-bumangon si Kurt at humarap kay Skyler. Samantalang nakahiga parin si Skyler sa malaking kama ni Kurt."Ah... Ewan ko. Baka insomnia lang to."-inaantok na sagot ni Skyler kay Kurt kinusot pa ni Skyler ang dalawang mata nya sabay na humikab at bumangon na rin. Ayaw nyang sabihin kay Kurt yung napansin nyang lalaki kagabi. Ayaw din kasi nyang mag panic itong si Kurt at baka pilitin syang mag resign sila
Dela Vega's Mansion 6:00 AM.Bumaba si Detective Theo sa taxi na sinakyan nito papuntang mansion ng mga Dela Vega. Huminga ng malalim si Detective Theo at ngumiti sa napakalaking mansion na nasa harapan nya ngayon."This is it."-sabi ni Detective Theo sa sarili nya at naglakad papuntang gate. May guard na nakatambay dun at mukhang napansin si Detective Theo na papalapit dito."Morning Sir. Anong kailangan nyo?"-bati nung guard kay Detective Theo ng lumapit sya dito."Morning. Ako po yung bagong butler ng mga Dela Vega. First day ko po ngayon."-sagot ni Detective Theo saka ngumiti ng kaunti. Tumango-tango naman ang guard at may parang remote na hawak eto saka pinindot. Automatic naman na bumukas ang malaking gate.Napanga-nga si Detective Theo dahil first time nya lang makakita ng ganun."Sige, Pasok ka lang."-sabi nung guard kay Detective Theo. Ngumiti naman si Dete