Share

Chapter 2: Seal the Deal

"THIS is just a marriage for convenience, kailangan kita para mailigtas ang papa ko, para makuha ang mana ko. Sa loob ng dalawang taon na iyon, gagawin ko ang lahat ng gusto mo ng walang kahit na anong sumbat."

"So, you are just marrying me as well because of your inheritance?" 

"Kailangan na kailangan ko lang..." Kumakapit na siya sa isang patalim, na maaaring humiwa rin sa kanya sa huli.

"I see... Paano kung ayaw kong mag-divorce tayo? Sa pamilya namin, hindi ganoon kadaling makaalis, kapag naging isa ka na sa amin," saad ni Kenshin sa kanya. 

Hingang malalim ang kanyang binitawan. Hindi nagugustuhan ni Maya ang pinatutunguhan ng kanilang usapan.

Wala siyang balak na ikulong ang sarili niya sa isang kasal na hindi naman niya ginusto. Ayaw niyang magaya sa kanyang ina, na sa huli ay nagsisi rin.

Tumayo na lang si Maya. "Kung ganoon ay maghahanap na lang ako ng ibang lalaki na handang pakasalan ako, sa kondisyon na gusto ko. Pasensya na sa pagsasayang ng oras mo. Mauna na ako."

Kaya lang naman napili ni Maya na pakasalan ang lalaki, ay dahil mukha itong makapangyarihan at kaya siyang ptotektahan. Ngunit ayaw niya na ng gulo.

"Tsk, you are really hard to get. Fine! We will have divorce, sa kondisyon na gagawin natin iyon sa panahon na gusto ko."

"Two years," giit ni Maya.

"Five years," ani naman ni Kenshin.

"Three, final deal."

"Then it is sealed."

Hindi niya alam kung bakit kinakabahan pa rin si Maya sa desisyon na ginawa niya. Pakiramdam niya ay may nagawa na naman siyang maling hakbang. Para niyang pinagbuksan ng pinto ang hindi dapat. Mali atang magpapakasal siya sa estranghero. Ngunit kailangan niyang kumapit sa dapat niyang makapitan.

"I'll prepare the contract immediately... You also need to prepare your things. Starting tomorrow, you'll live to my house."

"Wala naman akong dapat ihanda. Wala naman akong gaano na gamit." Lahat ay halos naibenta na niya. Mabawasan lang ang utang ng kanyang ama.

"Can I asked, why do you need money."

"Inimbestigahan mo na ako hindi ba? Alam ko na alam mo na kung bakit."

Ngumisi naman si Kenshin. "I really like smart woman like you. Then it's settle. Ako na ang bahala sa mga utang ng ama mo. I will make it sure that you will live now in comfort, but nothing is free. Right?" Kita niya ang pagnanasa sa mga mata ng lalaki.

"Alam ko. Sabi ko naman sa iyo na handa kong gawin lahat ng gusto mo." Para na niyang sinangla ang kaluluwa niya sa kanyang ginagawa. Pero gagawin lahat ni Maya, matapos lang ang lahat ng ito.

"Come on, don't make it sound that I am the villain here. I just want to make it sure that this is a win-win situation. Just in case that I will impregnate you, I will have all the rights with the child, just want to clarify that."

"Iyon pala ang isa sa mga dahilan kung bakit mo gustong magpakasal ha. Sige, ilagay mo na lang sa kontrata."

"Alright, susunduin na lang kita bukas. I'll also prepare the wedding in a week."

"Week?!" gulat na gulat na tanong niya.

"Why? Do you want it by tomorrow? Ayos lang din naman sa akin kung nagmamadali ka na."

"Saan ba tayo magpapakasal, sa west?"

"Are you insulting me, my future wife?" matalim na tanong mi Kenshin.

"H-Hindi," nauutal na saad niya. "Sorry."

"Yeah, of course, ibibigay ko sa iyo ang kasal na deserve mo. Sabihin mo lang kung saan, kailan, at ano ang lahat ng gusto mo."

"Ikaw na ang bahala. Wala akong alam sa kasal ng mayayaman," makatotohanan na sambit niya.

KINABUKASAN, nagising na lang si Maya sa motel na pinag-stay-an niya. Wala na kasi ang dating tirahan niya sa Maynila. Kaya naman pansamantala ay dito muna siya nagpalipas ng gabi.

Ayos na ang iilan sa kanyang mga gamit. Naligo at sinoot na niya ang pinakamaayos na damit niya. Puting dress iyon, na siyang nagko-compliment sa makinis at maputi ng balat. Wavy ang buhok niya, may pagka-tsinita. Mala Sandara Park ang datingan ng ganda ni Maya.

Paglabas niya sa motel ay tumungo muna siya sa coffee shop kung saan sila magkikita ni Kenshin. Bumili muna siya ng kape habang naghihintay. At hindi na nga siya nagulat nang dumating ang fiance niya, suot ang simpleng polo at pants, pero sadyamg agaw atensyon pa rin ang binata.

"Are you ready? By the way, you look dazzling," ani naman ng lalaki sa kanya. Kung mahuhubaran lang si Maya ay malamang sa malamang ay hubo't hubad na siya sa tingin pa lang ng lalaki.

"Baka matunaw ako," ani niya.

Natawa naman si Kenshin sa kanyang sinabi. Pansin niya na mas sumisingkit ang mata nito kapag tumatawa. "Gustong-gusto ko talaga ang pagiging prangka mo. You'll driving me crazy."

"Agad-agad? Wala pa tayong isang linggo na magkakilala. Sabagay, magpapakasal na pala tayo kahit hindi naman natin kilala ang isa'-isa."

"We have three years to get to know each other."

Matapos ubusin ang kanilang in-order ay sumakay na sila sa kotse. Patungo na sila sa bahay ni Kenshin.

"Kenshin, may kasama ka ba sa bahay mo?" kinakabahan na tanong niya. Malay ba niya kung magkakaroon pala siya ng mahaderang in-laws. Isa pa iyon sa mga iniisip niya.

"Few maids, and my grannies. Pero huwag kang mag-alala. Mababait ang mga iyon. They'll love to meet you. Baka ikaw pa ang mainis sa kakulitan ng mga matatanda na iyon."

"Grabe ka naman."

HINDI niya alam kung dapat ba o hindi dapat na masurpresa pa ito. Bumungad kay Maya ang higante na gate, ang malaking fountain at hardin. Para lang siyang nasa shooting ng mga pelikula, kung saan ang bida ay isang mayaman na prinsipe.

"Isara mo iyang bibig mo, baka pasukan ko iyan ng ano," pilyo na saad ni Kenshin sa kanya pagbaba na pagbaba nila ng sasakyan.

"Bastos."

Nakapila ang mga maids at butler. Parang cliche na pelikula kung saan ang mansyon, as in mansion na nasa harapan nila ay kayang makipagsabayan sa mga kilalang mansion na sa pelikula niya lang nakikita.

Sa dulo ng mga nakapila at nakayuko na maids, nandoon ang dalawang matanda. Medyo na-intimida naman si Maya dahil mukhang masusungit na mayayaman ang dalawang matanda.

Lumapit siya at nagmano. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at paano niya naibuka ang kanyang bibig. "Magandang araw po."

"Finally!" tuwang-tuwa na saad ng matandang babae. "Nakilala ko na rin ang babaeng papakasalan ng apo ko. Akala ko e habang buhay na lang magiging pariwara ito e."

"Lola!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status