Share

Chapter 5: Gifted

Ngayon napagtatanto-tanto ni Maya na masyadong mabilis ang mga pangyayari. Sunod lamang siya sa agos ng mga pangyayari, pero hindi niya inaasahan na ikakasal na siya sa susunod na linggo.

Nakahanda na ang venue, nakahanda na ang mga imbitasyon, linitado lamang ang mga inimbita nilang tao. Kasama na ang kanyang ama, kahit labag sa loob niya.

Nakahiga lamang siya sa kama at nagmumuni-muni. Dati ay pangarap niyang humiga sa salapi, magbuhay mayaman, at parang nagkatotoo na nga ang lahat, sa mas komplikado na paraan nga lamang.

Pumasok si Kenshin sa kwarto. Galing ito sa trabaho, at kahit maghapon ata itong busy, ay hindi man lang mababawasan ang kagwapuhan ng lalaki.

"Stop looking at me like that, or I'll request another round this night," ani ng lalaki sa kanya. May manyak na ngiti at tingin.

"Tigilan mo ako," naaasar na saad niya. Nakatalikod at ayaw ipakita ang namumula niyang mukha.

"Okay lang naman sa akin, pagbibigyan naman kita," gatong pa nito.

"Sabing tumigil ka. Hindi naman kalakihan ang sa iyo," ani niya.

Pero sa totoo lang ay sobrang laki ng armas ng lalaki. Ang akala niya, kapag Japanese o Hapon ang isang lahi, ay maliit ang k*****a ng mga ito. Pero nagkamali siya. Si Kenshin ang nagpapatunay na wala sa lahi ang laki ng k*****a.

"Wala pa bang laman ito?" tanong naman sa kanya ng lalaki sabay hawak sa tiyan niya. Siya naman ay nag-init ng kaunti dahil sa sensasyon ng kamay ng lalaki. Lalo na at pinasok ni Kenshin ang kamay nito sa loob ng kanyang damit.

Dama niya tuloy ang init sa kanya tiyan. Ang kagaspangan ng kamay nito ang mas lalong nagbibigay sensasyon. At bago pa nga madala si Maya ay agad niyang tinulak ang lalaki.

"Magtigil ka nga, Kenshin," asik niya at saka muna siya tumakbo papalabas ng kwarto.

She was so into that moment, she barely made it alive. Alam ni Maya na kung magtatagal pa siya sa loob ng silid na iyon, ay hindi malayo na may mangyari na naman sa kanila.

Hindi siya easy to get. Madaming sumubok at nanligaw sa kanya. Ngunit ni isa ay walang pumalag sa kanya. Wala sa kanya ang itsura at yaman. Pero iba talaga si Kenshin. Mula sa appeal at charm nito.

"Running away?" Nagulat na naman siya nang lumitaw ang lalaki sa kanyang likod.

"Hindi nakakatuwa," ani niya.

"My wife is being snobbish for some reason. Nadadala ka na ba kanina?" asar pa ng lalaki.

"Isa?" banta ni Maya.

"Okay, I'll stop here. I won't mess around right now. But in a serious note, hindi kita pipilitin sa isang bagay na ayaw mo," seryosong saad naman ni Kenshin sa kanya.

"Thank you, Kenshin."

"I think you should start calling me something than my name. Sweetheart, love, babe?" ani pa ng lalaki.

"Kailangan pa ba iyon?" natatawa na saad nito. Mukhang maangas na gangster kasi ang lalaki, pero may ganitong side pala ito.

"Hey, of course. I will be your husband." Proud na proud pa ang lalaki.

"Bahala ka diyan. Hindi kita tatawagin sa ibang pangalan. Ang baduy kaya."

Tiningnan naman siya ng lalaki sa hindi makapaniwalang itsura. "Sa dinamirami ng mga babae na gusto akong pakasalan, tapos tatawagin mo na baduy iyung pagiging sweet ko?"

"Edi sa kanila ka magpakasal." Hindi alam ni Maya kung bakit parang may hapdi sa kanyang puso sa tuwing iniisip niya na may ibang babae na papakasalan si Kenshin.

'Magtigil ka nga, Maya! Halos 2 buwan pa lang kayong magkakilala.'

"Nah, ikaw lang ang gusto kong pakasalan."

Naramdaman naman niya ang yakap ng lalaki sa kanyang likod. "Mambobolang singkit."

"Hindi kita binobola."

KINABUKASAN ay nagising si Maya na para bang nagkakagulo sa labas ng kwarto. Wala na ang lalaki sa tabi niya. Pumasok na marahil sa trabaho, at tanghali na rin naman siyang nagising.

Paglabas niya ay bumungad sa kanya ang mga dress, alahas, mga mamahaling gamit na para bang nakaayos sa kanyang harapan.

"Ano 'to?" mahinang saad niya.

Isang babae na naka-uniporme ang lumapit sa kanya. "Hello po, madam. Ako po pala si Sheila, ang magiging personal assistant niyo. Pinadala po lahat ito ni Sir Kenshin. This is all customize brand and designer item. Regalo po lahat ito ni Sir."

Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ng babae. Ang antok na antok na diwa niya ay nagising. Hindi siya sanay sa mga ganitong mararangya na bagay.

Agad niya naman na tinawagan sa telepono ang fiance niya.

"Did you like my gifts?" bungad agad sa kanya ni Singkit.

"Balak mo ba akong patayuan ng Mall? Wala ka naman sigurong balak kalabanan si Henry Sy ano?" sarkastik na aniya.

"Gusto mo ba? I can easily request one for you." Wala sa tono ng lalaki na nagbibiro ito.

Napasapo na lang siya ng ulo. "Hindi ko lahat maisusuot at magagamit yan. Sayang lang sa pera."

"Maya, we don't have any issue with money here, okay? And you'll be soon to be my wife. You need those things. Hindi biro ang lifestyle sa amin. We will attend gatherings, and you are part of the elite now."

Doon nag-sink in sa kanya na hindi na katulad ng noon ang buhay niya. She will be part of a prestigious family.

"Sige, pero pakisabihan mo naman ako sa susunod kung magpapadala ka ng ganito karami na bagay. Huwag mo muna akong binibigla."

"That's just a start of my surprises."

Pinatayan na lang niya ang tawag. Pinanuod niya kung paano ayusin ng mga butler at maid ang mga gamit sa kanyang walking closet. Ngayon ay napapaisip siya kung ano na naman ba ang susunod na gagawin ng Singkit na iyon.

Parang kailan lang e nasa probinsya lang si Maya. Tamang tingin sa mga ukay-ukay at freeloves na gamit. Ngayon ay makakapag-suot na siya ng mga damit na ang presyo ay pang isang taon na niyang budget.

Kinuha niya ang kanyang kwintas nat napatitig sa larawan ng kanyang ina.

"Ma, maayos na ang buhay ko ngayon, sa ngayon. Hindi ko alam san ako pupulutin sa mga desisyon ko. Gabayan mo sana ako, Ma. Sana hindi katulad ni Kenshin si Papa."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status