Mas malawak ang kompanya nila kumpara sa kompany ni Daddy. Mayaman ang mga Fuente, pero mas mayaman ang Sarmiento, iyan ang napagtanto ko habang papasok sa company nila.Sumunod lang ako kay Ms. Zoler, sa tabi niya ay ang secretary nitong si Mr. Guavaz na naghihintay na pala sa lobby kanina. Kinausap nito ang nasa lobby, hanggang sa hinatid kami ng isang empleyado sa isang elevator. "Kinakabahan ka ba, Ms. Fuente?" Napasulyap ako kay Mr. Guavaz nang tanungin niya ako. Pati tuloy si Ms. Zoler ay napasulyap sa'kin. Nasa loob na kami ng elevator at paakyat na sa pinakamataas na palapag. "Hindi," mahinang sambit ko."Don't be nervous, Ms. Fuentes. Kailangang magustuhan nila ito," sambit pa ni Ms. Zoler."Yes, Ms. Zoler," sambit ko na lang at pinanood ang mga empleyado sa labas. Transparent ang elevator na sinasakyan namin at kitang kita ko mula sa kinaroroonan namin ang lahat ng empleyado.Nakagat ko na lang ang labi ko nang makitang palabas sa isang opisina si Daddy, galing pa nga ito
"No! Of course, no--" Tumalikot ako at naihilamos ang kamay sa mukha."I trusted you, but you never trusted me. Ano pa bang tinatago mo? Pwede bang sabihin mo na? Don't worry, I will never touch your wealth. Ni piso hindi ko hahawakan, sayo na ang kayamanan mo, just please stop playing with me. Noong una hinayaan mong maniwala akong kasal tayo, ngayon naman heto?"Tinignan ko siya sa mata. Ang kaninang seryoso at masamang tingin niya kanina ay naging malambot."Come on, Zari. It's not like what you think. Gusto ko nang sabihin sayo, but I don't know how." Muli ay natawa ako. Tumalikod ako, pero humarap rin agad sa kanya. Tinignan ko siya, pero napayuko rin dahil hindi ko matagalan ang tingin niya."Siguro grabe yung tawa mo tuwing nilalait ko ang bahay niyo sa probinsya. Siguro iniisip mo noong nilalait ko ang bahay niyo sa probinsya na 'ang tanga ng babaeng 'to, mas mayaman ako sayo. Siguro tawang tawa ka at nasisiyahan tuwing naniniwala ako sa kasinungalingan mo."Aaminin ko na dah
Napaiwas ako nang tingin nang muli itong humiwalay at tinitigan ako. Kitang kita ko na ang ngiti sa labi niya."Walang nakakatawa," sambit ko at tinulak siya pahiga sa tabi ko. Hindi ko alam kung malakas ba ang pagkakatulak ko o sadyang nagpatulak lang siya dahil napahiga naman ito sa tabi ko.Naitagilid ko ang mukha ko para sulyapan siya, pero humarap ito sa'kin kaya napaharap na lang bigla ang mukha ko sa dingding.Humiga ito patagilid at ramdam ko ang titig niya sa'kin."I miss you," mahina nitong sambit sa'kin at hinawakan ang kamay ko na nasa tiyan ko. Hindi ako makagalaw nang maramdamam ko paglapit niya at ginawa ang kadalasan niyang ginagawa kapag malapit siya sa'kin.Isiniksik niya ang mukha sa gilid ng leeg ko. Napapikit ako. Gustong gusto ko nang tumayo at umalis sa pagkakahiga sa tabi niya, pero hindi ko magawa dahil wala akong lakas. Ayaw magkasundo ang isip at katawan ko. Gusto kong tumayo, pero ayaw ng katawan ko."Are you ready to listen na?" Mahinang sambit nito."You
Unknown:I forgot to inform you. Your daddy invited us to your house. Dinner tomorrowNapabalingkwas ako sa pagkakahiga nang mabasa ang text message na 'yun. Hating gabi at saka pumasok ang mensahe na 'yun. Hindi ako makatulog dahil sa nangyare kanina sa office niya kaya hanggang ngayon ay gising pa ako.I don't need to ask who it is.Dinner? Ito ba 'yung sinabi ni Daddy noong nakita ko sila sa kompanya niya? Sa pagkakaalala ko ay may sinabi si Daddy tungkol bukas. Napasimangot ako. Bakit siya pumayag?! I was ready to type a message, pero tumunog ulit ang phone ko sa isang text message galing ulit sa number na 'yun.Unknown:I-save mo number ko. It's me, your husband.Napangiwi ako. Sinave ko nga muna ang number niya at inilagay ang pangalang Probinsyano bago mag type ng message.Me:Nababaliw ka na ba? Alam mo bang hindi pa ako umuuwi sa bahay simula noong umuwi ako galing sa probinsiya? Bakit ka pumayag?! Wala pang isang minuto ay tumunog na ang phone ko. Hindi message gaya kanina
"Saan ka nagpunta? Anong oras na."I almost screamed. Halos napahawak ako pa nga ako sa dibdib ko nang makita si Sandara sa harap ko. May nakalagay sa mukha niya at para siyang ewan ngayon dahil kaunting ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa sala.Para siyang multo."Bakit ka ba nanggugulat!" Nakasimangot na sambit ko.Hinawakan nito ang mukha. "Saan ka nga nagpunta?" Tanong ulit nito bago lumapit sa may switch ng ilaw."Diyan lang," sambit ko habang nag-iiwas nang tingin."Fine. If you don't want to say anything, it's okay." She said, so I looked at her. She sat on the couch and turned on the TV. Mukhang wala pa itong planong matulog.Bumuntong hininga ako. Lumapit ako sa kanya. Naupo ako sa tabi niya at niyakap siya. Kahit hindi ko tanungin at kahit sabihin niya na ayos lang, alam kung gusto niyang malaman. Alam ko na nag-aalala siya sa'kin kaya gusto niyang malaman.She's my bestfriend. Sinasabi ko lahat sa kanya, pero ngayon, napagtanto ko na hindi na ako nagsasabi sa kanya. Okupad
Kinabukasan ay inaantok ako. Kahit anong pilit kong matulog ay hindi ko magawa kagabi. PPar tuloy ako ngayong lantang gulay.Busy ako sa paghalungkat ng bag ko nang masulyapan ko ang pamilyar na kotse. Umawang ang labi ko nang makita si Miguel na palabas doon."Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko."Hatid na kita? Nalaman ko kay Sandara na mag co-commute ka ngayon," sambit nito.Sandara!Bumuntong hininga ako. "Miguel, kaya ko naman mag commute, at baka kung anong isipin nang mga nakakakilala sayo at ng kapatid ko-----" "Zari," natigilan ako nang marinig ang boses ni Sebastian. Sabay pa kaming napasulyap ni Miguel sa kanya.Napapikit ako. "Haist! Tara na nga," sambit ko kay Miguel at hinila na ang kamay niya. Mabilis ang lakad ko habang hila hila siya papunta sa sasakyan niya.Pagkasakay namin ay ramdam ko ang titig niya. "Don't look at me like that." "At least hindi lang pala ako ang iniiwasan mo," rinig kong sambit niya.Gusto kong magsalita at sabihing hindi ko siya iniiwasan, per
"Wait! Tatapusin ko lang 'to!" Malakas na sambit ko kila Danica. Napag-usapan kasi namin na sabay sabay kami kakain ngayon ng lunch. Pinag halfday kami ngayon ni Ms. Zoler dahil mabilis na naaprobahan ang designed na pinasa ko sa Sarmiento Company.Ang sabi ni Sebastian kahapon ay sasabihin pa siya ang iba, pero kanina ay may email na ang secretary ni Sebastian kay Ms. Zoler at pinakita kung anong designed ang napili.Napatayo ako nang matuwid at pinatay ang computer sa harap ko. Nang mapatay ay kinuha ko na ang mga gamit ko at sumunod na sa kanila. Sa malapit na restaurant lang kami kakain dahil may gagawin pa raw ang iba."Ang gwapo pala ng CEO ng Sarmiento Company no?"Halos maubo ako ng marinig iyon sa isa sa mga kasamahan namin. Buti na lang at walang nakapansin. Napanguso ako at ibinaba ang hawak na inumin. Sa lahat naman ng pwedeng pag-usapan ay iyon pa."May picture na siya sa internet. Ano kayang nangyare. Sa pagkakaalam ng marami ay mailap ang CEO ng Sarmiento Company, kaya
"Let's go," sambit ng taong nasa harap ko. Napasulyap ako kay Sebastian at tinaasan siya ng kilay. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Ano 'yun? Bakit-" "Kasama mo na nga siya sa condo noong tumawag ako, pati ba naman kanina? Bilang asawa mo, that's insulting. What if your dad saw you? You are cheating on me," umiigting ang pangang sambit niya. Cheating? Talaga lang ah! "What are you talking about?" Tanong ko kahit na alam ko naman ang tinitukoy nito. Akala niya kasama ko si Miguel kagabi. Sa tingin ba talaga niya ay nagbalikan kami ni Miguel? Naniniwala ba talaga siya doon? "I'm jealous! Oo at nagmumukha akong kabit dahil sa arrangement natin, kahit na alam kong may boyfriend ka, but can you please give me some of your time? I want to be with you. I fucking miss you!" Jealous? Sa tingin ba niya maniniwala ako? Kahit mag tatambling siya diyan hindi ako maniniwalang nagseselos siya. "Ano ban-- Hoy! Ano ba!" Mabilis nitong hinawakan ang palapulsuan ko at pinatayo. Hinila niya a