Share

Kabanata 42 - Mayaman

"Wait! Tatapusin ko lang 'to!" Malakas na sambit ko kila Danica.

Napag-usapan kasi namin na sabay sabay kami kakain ngayon ng lunch. Pinag halfday kami ngayon ni Ms. Zoler dahil mabilis na naaprobahan ang designed na pinasa ko sa Sarmiento Company.

Ang sabi ni Sebastian kahapon ay sasabihin pa siya ang iba, pero kanina ay may email na ang secretary ni Sebastian kay Ms. Zoler at pinakita kung anong designed ang napili.

Napatayo ako nang matuwid at pinatay ang computer sa harap ko. Nang mapatay ay kinuha ko na ang mga gamit ko at sumunod na sa kanila. Sa malapit na restaurant lang kami kakain dahil may gagawin pa raw ang iba.

"Ang gwapo pala ng CEO ng Sarmiento Company no?"

Halos maubo ako ng marinig iyon sa isa sa mga kasamahan namin. Buti na lang at walang nakapansin. Napanguso ako at ibinaba ang hawak na inumin. Sa lahat naman ng pwedeng pag-usapan ay iyon pa.

"May picture na siya sa internet. Ano kayang nangyare. Sa pagkakaalam ng marami ay mailap ang CEO ng Sarmiento Company, kaya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status