Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko mula sa mismong ama ko. "Dad!" Sigaw ko na para bang kapag sinigawan ko siya ay magbabago ang isip niya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Paano niya nasasabi iyon? "Si Trixie ang magmamana ng lahat ng ari-arian ko. Walang makukuha ni piso si Zariah. Mag-isip ka, Iho. Make Trixie as your wife and make her happy-" Make her happy. Nangilid ang luha sa mata ko. This js bullshit! Iniisip nanaman niya ang paborito niyang anak! "Dad, ano ba! Why are you always like this? I am also your daughter! Ilang ulit kong pinapaalala sayo na anak mo rin ako at hindi lang si Trixie ang anak mo!" Bulyaw ko. Wala na akong pake kong mas magalit pa siya sa pagsabat ko. Hindi lang ako makapaniwala sa sinabi niya. "Kung papayag ako, anong makukuha ko?" Mas lalo akong nanghina sa tanong ni Sebastian kay Daddy. "Nababaliw ka na ba? Anong klaseng tanong yan!" Sigaw ko kay Sebastian. Inis kong tinanggal ang hawak niya sa kamay ko. Tumayo ako at
"Kukunin ko ang kotse ko," sambit ko kay Sebastian dahil hawak hawak niya pa rin ang kamay ko papalapit sa kotse niya.Sumulyap siya sa'kin. "Huwag na. Sabay ka na sa'kin. Kapag wala kang masakyan at kailangan mo ng sasakyan, you can always call me," sambit nito."Nag-aapply ka ba bilang driver ko? Kung oo ay wala akong maisusweldo sayo. Just like what my dad said, wala ako ni pisong makukuha sa kanya. Hindi kasya ang sahod ko para isahod sayo." Sunod-sunod kong sambit."Come on, Zari-""Kukunin ko ang kotse ko. Mauna ka na at magkita na lang tayo sa condo mo," sambit ko at tinalikuran siya.Dahil nandito sa parking lot ang kotse niya ay malapit lang ang nakastock na kotse ko. Buti na lang at hindi ko nilalagay sa kwarto ko ang susi, kung nasa kwarto ay papasok pa ako at pupunta sa kwarto at dahil ayaw ko nang bumalik sa loob, ang ending hindi ko ulit makukuha ang kotse ko.Lumapit ako sa malaking paso ng halaman at binuhat. Dahil mabigat ay hindi ko gaanong nabuhat. Napanguso na lang
I kiss him back. Nalasahan ko ang wine na ininom nila kanina ni Daddy. Gusto ko siyang itulak, pero nakikita ko na lang ang sarili kong lumalaban ng halik sa kanya. Nakalimutan ko na lang ulit kung ano ba ang pinag-aawayan namin, kung bait kumukulo ang dugo ko sa kanga. The only thing in my mind was his lips and his hands caressing and getting close to my underwear. "Hmm," d***g ko nang tuluyan nang maabot ng daliri niya ang panty ko. Hindi ko maiwasang luwagan ang pagitan ng dalawang hita ko para mas mahawakan niya ako. Napatingala ako nang dahan dahang bumababa ang labi nito sa leeg ko at hinahayaan siyang halikan ako doon. I put my two hands on his neck to make him come closer to me, but he moved away and looked at me with a cold gaze. I bit my lips. Namumungay ang mukha ko dahil sa paraan nito ng paghalik kanina. Para akong nalasing bigla kahit na hindi naman ako uminom. "If you want to marry someone, siguraduhin mong hindi ko alam. Siguraduhin mo, Zariah Fuente Sarmiento," s
"N-Nasa kwarto ko po," alanganing sambit ko kay Mama Lani."Lyn, they're not married yet, so it's okay that they don't wear their wedding ring. Maybe they plan to buy a new wedding ring. Let's leave them alone. They're old and they know what the right thing to do."Buti na lang at nandito si.... Papa Lito. Sa totoo lang I'm happy to call them Papa and Mama, kasi alam ko na tanggap nila na tawagin ko sila ng ganoon. Si Daddy... alam kong ayaw niyang tinatawag ko siyang daddy, lalo na kapag may ibang makakarinig kahit na alam naman nila na anak ako ni Daddy."Wait. Where's Sindy?" Tanong ni Sebastian. Saka ko lang naalala na wala dito sa sala si Sindy."Nakatira rin rito ang isa sa mga kaklase niya. Nagpaalam siya na pumunta roon," sagot ni Mama Lani sa tanong ni Sebastian.Napatango na lang si Sebastian at inabala ang sarili sa paghawak sa kamay ko. Hindi ko maiwasang matitig sa wedding ring na suot niya."Hindi ka ba tinatanong kung bakit may singsing ka?" Tanong ko, imbes na sagutin
"Sarmiento Construction Company pala ang kukunin for the new branch na ipapatayo," natigilan ako sa ginagawa nang marinig iyon galing sa isa naming katrabaho."Shempre. Hindi ka na dapat magtaka, beside Sarmiento Construction Company naman talaga ang isa sa mapagkakatiwalaang ngayon," sambit naman ni Danica."Grabe ka, Miss, para mo naman nang sinabi na hindi mapagkakatiwalan ang ibang companya," natatawang sambit ni Kayzee.Kayzee is still here. Tatapusin daw niya muna ang internship niya dito bago lumipad sa ibang bansa for her internship. I still can't believe, Sebastian. May mas maganda pa lang internship ang naghihintay kay Kayzee sa abroad tapos pinag internship pa niya rito.Hindi ko maiwasang maalala ang gabing 'yun. Shempre hindi ako sumunod sa kanya noong sinabi niya na pwede ko siyang sabayan! Nag dinner ako with his family na hindi namin nagawa sa bahay, na hindi namin nagawa kasama ng pamilya ko.Sa nakalipas na araw, hindi kami gaanong nagkikita. Mukhang busy ito sa pani
"Sebastian, ang kamay mo!" Mahina kung bulyaw habang ang mata ay nasa sketchpad na nasa lamesa ko. Nakapatong na kasi ang kamay niya sa kandungan ko at umaakyat baba na ito sa paghaplos niya. Hindi nito tinanggal kaya tinignan ko siya ng masama. Mabuti at inilayo niya rin naman, pero ang mga daliri ko naman ngayon ang pinagkaabalahan niya, kung nasaan ang wedding ring namin. I've been wearing our wedding ring for a few days now, and it's good that no one has noticed; even Sandara, who is with me in the condo, doesn't notice because she's too busy. Muli kong nilibot ang tingin ko at tahimik naman ang iba. May napapatingin, pero sigurado naman ako na hindi nila nakikita ang kamay ko na hawak niya. Pero hindi kaya sila magtaka kung bakit ganito kalapit ang probinsyanong 'to? Teka nga. Bakit ko nga ba tinatago na magkakilala at close kami ng probinsyanong 'to? Haist! Zari, stop thinking! Focus on your work! Laglag ang panga ko at ng mga katrabaho ko nang ipatawag kami sa conference r
Wala nang nagbalak pa na magsalita sa kanila. Napasulyap ako kila Danica na ngayon ay pinapanood ang bawat galaw ni Sebastian. Kitang kita ko ang gulat sa kanila. Hindi ko maiwasang isipin kung ano ba ang nasa isip ni Danica ngayon. Alam niya ang tungkol sa'min ni Miguel, tapos nalaman niya na na-engage si Miguel at ang kapagid ko, ngayon naman ay malalaman niyang kasal ako kay Sebastian kahit hindi naman talaga. Wala naman dapat akong pakealam kung ano ang isipin niya, pero hindi ko talaga maiwasan. Ano ba kasing iniisip ng lalakeng 'to? Hindi naman na kailangan na iinform sa kanila na kasal kami kasi hindi naman kasi talaga kami kasal. Sa inis ko ay kinurot ko ang tagiliran niya, pero walang hiya! Ang tigas, wala akong nakurot. "Sebastian," mahina, pero madiin na sambit ko sa kanya. Ramdam ko ang titig nito sa'kin jaya hindi ko siya matignan tignan, bbka kung tignan ko siya ay batukan ko na. Naputol ang panonood nila samin nang bumukas ang pinto. Mabilis ang kilos ko na lumayo
"Aray! Damn! Stop it, Baby! Maliit lang ang palad mo, pero nakakapanakit ka na!" Sunod sunod na sambit at daing ni Sebastian habang hinahampas ko siya ng palad ko.Pagkapasok na pagkapasok niya sa condo niya ay pinaghahampas ko na siya agad sa inis. Nauna ako rito sa condo niya. He told me his passcode so I could enter his condo freely."Kulang pa 'to!" Bulyaw ko pabalik at pinagpatuloy ang paghampas sa kanya, hanggang sa mapaupo na siya sa sofa."Baby, stop." He said as he deflected each of my blows. I was only stunned when he was able to grasp both of my hands and pull me to sit beside him."Bitawan mo ako, hindi pa ako tapos hampasin ka! Why do you need to act like that? Sa harap pa talaga ng katrabaho ko? Nakakainis ka!" Bulyaw ko sa kanya."Bakit kasi hindi po pinaalam sa kanila? What if one of your coworkers is interested in you? They will court you because they are unaware that you are married. I want them to know that you are mine. Masama ba 'yun?" Nakasimangot na sambit niyo.