Simula pagkabata ko kontrolado ni daddy ang buhay ko. Lahat ng magiging desisyon ko dapat nakadepende sa kanya. Dahil gusto kong maramdaman rin balang araw ang pagmamahal niya hinayaan ko siya.Hinayaan ko siya kasi akala ko ipaparamdam rin niya na mahal niya ako, na anak niya ako, pero wala. Hanggang sa makilala ko si Sebastian. I'm happy to know him. Kung alam ko lang na may plano nitong sinugin ang dukomentong 'yun, sana napigilan ko.Sana napigilan ko. Natawa ako sa naisip. Hindi talaga natin alam ang mangyayare sa kasalukuyan. Noon, sinusumpa ko ang naging kasunduan nila, pero ngayon, ngayon na makakalaya na ako sa kasunduan na 'yun parang ayaw ko naman.My best friend has fallen in love with him. What a bizarre coincidence."This is new," natigilan ako nang may naupo sa tabi ko.Nasa bar ako at nakaupong mag-isa sa gilid, pero dahil may naupo sa tabi ko ay hindi na ako mag-isa."Ayoko ng away, Trixie," sambit ko at nilagok ang laman ng baso ko.Wala itong kasama o baka may kasam
"Miss Zoler, iba na lang ipadala mo. Just like what I said, hindi totoo na kasal kami ni Sebastian. Hindi kami mag-asawa," pagpipilit ko kay Miss. Zoler.Ilang beses ko nang sinabi kay Ms. Zoler na hindi kami mag-asawa ni Sebastian, pero hindi ito naniniwala. Sinabi pa nga niya na baka may misunderstanding lang kami ni Sebastian kaya ko nasasabi 'yun.Balitang balita ang tungkol sa engagement ni Sandara at Sebastian, pero hindi ko alam kung bakit ayaw pa rin maniwala na hindi kami kasal. Walang gaanong nakakaalam sa relasyon namin ni Sebastian kaya ang iba ay naniniwala roon kahit wala pang official na balita galing sa dalawang pamilya, pero ang mga nakakaalam sa relasyon namin ni Sebastian ay hindi naniniwala."I don't know what's happening to you and Mr. Sebastian, but I really don't have anyone else to send there. You and Danica are the only ones who won't be doing anything the whole week because you're already scheduled to go there. Puno na ang schedule ng mga kasamahan mo," said
Napasimangot ako nang makitang hindi si Sebastian iyon."Sino ka?" Taka kong tanong sa lalakeng nasa gilid ko ngayon. Mabilis kong tinanggal ang palad nito sa noo ko at tinignan siya nang masama. Kumunot ang noo ko nang ngumiti ito. Anong nakakatawa?"Nanghahawak ka nang hindi nagpapaalam, alam mo bang pwede kitang kasuhan ng harassment?" Ako habang tinitignan pa rin siya nang masama.Imbes na matakot ay sumandal ito sa kotse ko."Atleast ako hawak lang, eh ikaw? You tried to kissed me. Nakalimutan mo na? Siguro kung hindi ka hinila nong lalake nahalikan mo na ako," sambit nito habang umiiling iling.Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nang matitigan siyang mabuti ay napagtanto ko na ang lalakeng 'to ay 'yung lalake sa bar na sinubukan kong halikan. Nakagat ko ang labi ko sa naramdaman na hiya."Ano... kasi lasing lang ako non. Kalimutan na natin 'yun pwede? Hindi naman kita nahalikan noon, muntikan lang, pero hindi naman," sambit ko sa kanya sabay ngiti."Isama mo ako palabas. Ang
Hindi ko ipagkakaila na masaya ako habang nakatitig sa marriage certificate na ako mismo ang kumuha sa PSA. Kasal nga kami. Gulat na ako noong makita ko ito sa phone ni daddy, pero hindi ko pa rin maiwasang magulat ngayong hawak hawak ko na ang marriage certificate namin ni Sebastian.Ano na bang paniniwalaan ko?Masaya ako, pero alam ko na hindi pwedeng maging masayang masaya. Kapag nalaman 'to ni Sandara, masasaktan siya. 'Yun ang ayaw kong mangyare. Ayaw kong masaktan siya. Hindi ko maiwasang isipin ang magiging reaksyon niya.Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Anong gagawin ko? Ano ba! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Paano ba kasing kasal talaga kami? Napasulyap ako sa phone ko. Am I going to call him? Am I going to inform him about this? Wala ba talaga itong alam? Nasa kotse na ako nang maisipan na tawagan siya. Napaayos ako sa pagkakaupo nang isang ring pa lang ay sinagot na niya. "Yes?" Nakagat ko ang labi ko. I miss him.This is not the time, Zari! Come on!"Let
"Oo na. Papunta na ako," sambit ko kay Danica habang nag dadrive."Kung bilisan mo kaya diba? Para akong ewan rito mag-isa," sambit nito."Malapit na nga ako. Sige na, ibababa ko na," sambit ko at pinatay na ang tawag para bilisan ang pagmamaneho. Nandoon na raw silang lahat at ako na lang hinihintay. Nang marating ko na ang bakanteng lote kung saan ipapatayo ang bagong branch ng ZC Company ay minessage ko na si Danica. Hindi ako nahirapan na maghanap ng pag papark'an ng kotse ko dahil malawak naman ang space.When I came out, I immediately took a picture of the front. Why do we need to come here? This is not our job. Danica waved when she saw me."Hindi pala tayo sa hotel mag i-stay," sambit agad niya nang makalapit siya. "Huh? Saan?" Taka kong tanong. Lumapit ako sa backseat para kunin ang bag ko kung nasaan ang ilang damit ko. Kaunti lang kinuha ko dahil isang linggo lang naman kami rito. Miss Zoler said that we would be spending our nights in a hotel."Really? Hindi mo alam?" n
"Dapat nag stay ka na lang sa bahay, Sandara," natigilan ako sa pagtingin sa pinapakita ni Danica nang marinig iyon galing kay Sebastian.Nasa site na kami at busy na ang iba.Pati si Danica ay natigilan na rin at napasulyap sa kanila. Tumikhim ako para bumalik ang atensyon ni Danica sa'kin."Ako na tatawag kay Miss Zoler para sabihin 'yung changes," sambit ko. Pinaalam na sa'kin ni Danica kung anong pinag-usapan nila ni Sebastian."Sige. Ako na ang maglilibot ngayon," sambit nito kaya tumango ako."Wala akong gagawin doon," rinig kong sambit ni Sandara kay Sebastian.Focus, Zari. Don't mind them."Maalikabok rito. It's not good for your heart, Sandara. You can use my car to go home," hindi ko na nagawang mag focus sa ginagawa nang marinig iyon.This is what I want, right? Bakit nasasaktan ako? Tumayo ako sa kinauupuan at kinuha ang phone ko. Mamaya ko pa sana tatawagan si Miss Zoler, pero hindi ko ata kayang magtagal pa roon at makinig pa sa usapan nila."Zari, saan ka pupunta?" Napa
Sebastian's POVNaihilamos ko ang kamay ko sa mukha at napamura nang makita ko ang pagmamadali ni Zari na umalis sa harap namin."I told you. Ngayon mo sabihin na hindi ako mahal ng bestfriend mo," sambit ko kay Sandara pagkaalis ni Zari sa kusina.Naabutan niya at nakita niya ang biglaang paghalik sa'kin ni Sandara. Hindi ko napaghandaan ang ginawang paghalik niya sa'kin kaya hindi ko siya naiwasan."P-Pero sinabi niya na hindi ka niya mahal," nauutal na sambit nito. Nakikita ko rin sa mukha nito ang gulat. "I'm sorry. Sinabi ko na susubukan ko siyang kalimutan, pero hindi ko kaya. I'm inlove with your bestfriend," sambit ko habang nakatulalang nakatingin sa dugong pumatak sa basag na baso.I already said that I love Zari, but she said that she doesn't care. I know that Zari doesn't want to let Sandara know that she has feelings for me, but I can't help but tell Sandara that. When I said that, she didn't believe it. She said that I was just assuming that Zari was in love with me.Na
Zariah's POV"Kailan nagsimula na nagustuhan mo si Sebastian?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.Natapos na niyang gamutin ang mga sugat ko at mabuti na lang at walang naiwan na bubog. We are just both silent while still sitting here.Akala ko ay hindi niya sasagutin, pero mali ako."I don't know, but maybe when I saw that he really cares about you. One day, I said to myself, I want to feel that. I want to feel his care and thoughtfulness towards you, and when you said that you don't have feelings for him, I'm determined to get his attention," sambit nito habang tulala.Hindi ako nagsalita at napatitig na lang sa paa ko. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko pagkatapos kong marinig iyon mula sa kanya. Muling namayani ang katahimikan."Ngayon malinaw na sa'kin ang lahat. You really avoid me. Akala ko guni-guni ko lang 'yun at sadyang busy ka lang sa trabaho mo," sa pagkakataong iyon ay siya ang pumutol sa katahimikan."I'm sorry," sambit ko.Tumingin ito sa'kin at sumimangot. "Do