TILA SA isang iglap ay bumalik ang masayang alaala sa isipan ni Fifth sa Batangas kung saan sila una at huling nagkita ni Rosette. Simula nang araw na iyon ay hindi na sila muling nagkita pa, pero dahil sa tulong ng communication ay madalas niya itong nakakausap. Doon niya napagtanto na maliit na mundo lang pala ang ginagalawan nila. Dahil sa mismong city kung saan sila madalas dumayo ng masarap na pagkain kasama ang kaniyang mga ka-workmates at kaibigan na sina Samuel at Andrew ay ang lugar kung saan nakatira si Rosette.
Doon niya mas nakilala si Rosette at ang buhay nito. Isa pala itong breadwinner sa kanilang pamilya dahil matagal nang pumanaw ang ama nito, habang nagtitinda lamang ng tsinelas at damit ang ina nito sa palengke. Pero dahil kasyang-kasya lamang ang kita ng ina nito sa pangkain araw-araw ay si Rosette ang tumutulong sa ina sa pagbayad ng kuryente at tubig buwan-buwan. Si Rosette kasi ang panganay sa tatlong magkakapatid at graduating na rin sa kursong Psychology. At ang pagbabanda nito ang pinagkukunan nito ng pera para sa pang-araw-araw na gastusin. Doon niya rin nalaman na hindi lang sa pagkanta kumikita si Rosette, isa rin itong part time crew sa isang fast food sa umaga. At saka naman ito papasok ng school sa gabi. Hinangaan niya 'yon dahil napagsasabay nito ang racket, trabaho at pag-aaral, sa kabila nang mabigat na responsibilidad ni Rosette sa pamilya. Ewan ba niya ngunit, hindi naging hadlang ang katotohanang iyon para ipagpatuloy niya ang hangarin na mas makilala pa ito at isiping hindi magtatagal ay mas lalalim pa ang kanilang friendship. Oo, aaminin niya na may qualities si Rosette na nagustuhan niya kaagad. Iyon ay ang pagiging responsable at pursigido nito sa buhay.Minsan pa nga ay nag-o-offer siya na ihatid na ito pauwi galing sa school dahil batid niya na gusto rin nitong makatipid ng pamasahe. Pero dahil ayaw din ni Rosette na makaistorbo ay umaayaw ito sa offer niyang tulong.Subalit, isang araw, unang linggo ng buwan ng Oktubre ay naisipan niyang sorpresahin sa pagsundo si Rosette. Nadatnan niyang kausap pa ni Rosette ang isang classmate nito habang naglalakad. Hanggang sa wala itong kamalay-malay na sumusunod siya sa paglalakad nito. Malayo-layo na rin ang nalakad ng mga ito kung saan ay hindi na matatanaw pa ang school na pinapasukan ni Rosette. At bilang pagpapapansin ay bumusina siya nang napakalakas na naging dahilan para mapalingon ito mula sa kaniyang direksyon."F-fifth? Ah.. nandito ka pala?" Bahagya siyang napangiti habang nakatingin lamang sa kaniya si Rosette at naghihintay sa kaniyang kasagutan."Ah oo, actually, kanina ko pa kayo sinusundan."Bahagyang napataas ang kilay ni Rosette at sandali naman nitong pinagmasdan ang kaklase at kaibigang si Czarina na kanina pa nakangiti sa kanilang dalawa."Ah, hindi ba nakakaistorbo sa'yo na pinuntahan mo pa ako rito?" may pagkailang na katanungan nito."Of course not, saka, walang kaso sa akin na ihatid ka araw-araw para lang makasiguro akong safe kang makauwi."Bahagya namang napangiti si Rosette at kapagkuwa'y hindi naman naiwasang ibuko ni Czarina ang problema niya. "Iyon naman pala, e, hindi mo na kailangang mamroblema sa pamasahe, ihahatid ka na pala ng prince charming mo!"Doon sandaling natigilan si Fifth sa narinig. "Wait, ano bang nangyari?" pakiki-isyoso niya sa narinig.Habang hindi naman napigilan ni Rosette na subukang takpan ang bibig ni Czarina. Pero huli na dahil nasabi pa rin nito ang dapat na sabihin. "E, kasi-- nagastos niya sa thesis paper namin 'yung pamasahe niya. Heto nga at nangungutang siya sa akin kanina. E, papahiramin ko na sana, pero dumating ka," paliwanag ni Czarina. Bagay na hindi maiwasang ikahiya ni Rosette. "Ah sige, Rosette, dito na ako, hah? Kailangan ko na talagang umuwi. Saka nandiyan na rin naman 'yung sundo mo, e!” May panunukso pang sabi nito."Sige, Czarina, mag-ingat ka.""Kayo rin!" pasigaw pang sagot nito bago pa man tumawid sa kabilang kalsada.Mabilis na nakaalis si Czarina habang nanatili naman ang pag-aalala sa mga mata niya para sa dalaga.Kaya naman nang sila na lamang dalawa ang naroon ay tinanong niya ito agad. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na wala ka pa lang pamasahe? Mabuti na lang pala at naisipan kong sunduin ka," nag-aalalang aniya."Ano ka ba, Fifth, okay lang. Saka, willing naman sana akong pautangin ni Czarina, e. Wala, e, kinakapos talaga kami, dahil ultimo pamasahe at pangkain ko araw-araw sa trabaho at school ay hindi kumakasya. Minsan nga kulang pa dahil sa thesis namin na paulit-ulit na nire-revise.""Gano'n talaga, tiyagaan lang 'yan. Pero kita mo naman at graduating ka na. Mababawi mo rin lahat nang nagastos mo kapag naka-graduate ka na at makapasok sa trabaho na para sa'yo talaga.""Salamat, Fifth, alam mo, hindi biro ang maging breadwinner pero.. laban lang, dahil hangga't nabubuhay naman ay may pag-asa.""And because of that, I admire you." Bahagyang namayani ang katahimikan sa pagitan nila.Sa sarili ay hindi mapigilang maging masaya ng puso ni Rosette sa mas napapalapit nilang friendship ni Fifth.Sandali pa silang nagkangitian bago pa man siya umangkas sa motorsiklo ni Fifth. Batid niya naman na maingat si Fifth na magmaneho, pero kahit gano'n ay hindi ito pumapayag na hindi man lang siya kumakapit sa balikat o bewang nito."I want you to know that you'll always be safe as long as you're beside me." Mga katagang sinabi ni Fifth sa gitna ng biyahe. Kahit na ramdam niya ang munting kaba sa tuwing may makasasabay silang malalaking sasakyan. Kaya naman ang kabang nararamdaman na 'yon ang nag-udyok para mapayakap siya nang kusa sa likod ni Fifth, dahilan nang tipid na pagngiti naman nito.Ilang minuto lang din ang lumipas at ligtas silang nakarating sa Marikina, Riverbanks, kung saan siya nakatira. Sa may kanto pa lang ay hindi na niya napigilan ang sariling magpasalamat sa binata. "Fifth, salamat, hah? Hindi ko alam kung kailan ako makababawi sa'yo.. ang dami mo nang nagawang kabutihan sa akin, e."Fifth just simply tap the right side of her shoulder and say, "You don't have to make it up on me, dahil sapat na sa akin 'yung malaman kong okay ka. You don't know how happy I am when I'm with you. And I don't know why I could take you as an inspiration to me. Well, honestly, I would like to thank you, for giving me a chance to be part of your life."Bahagyang kiniliti no'n ang puso niya. Pero wala naman siyang dapat asahan lalo na't natural lamang sa isang pagkakaibigan ang magpasalamat sa isa't isa. Kaya naman ang sandaling iyon ay dinala niya na lamang sa biro. "Ang drama, hah? O, sige na, kailangan ko nang umuwi. Tiyak na hinihintay na ako no'n ni nanay.""Samahan na kita," pagpipresinta pa ni Fifth dahilan para hindi na siya makatanggi.Subalit nang liliko na sana sila patungo sa kanilang bahay ay nabigla siya nang hilahin ni Fifth ang kamay niya at nagawang ilihis ang kanilang paglalakad sa kabilang direksyon. "Alam kong na-miss mo ang tapsilog, kain muna tayo?" Medyo nag-alangan siya sa pag-alok nito dahil sigurado siyang mapupuno na naman siya ng sermon sa kaniyang ina kapag nagkataon. Pero bago pa man siya makasagot ay nagsalitang muli si Fifth, "Don't worry, kakain lang tayo tapos sasamahan na kita pauwi at ako na rin ang bahalang magpaliwanag kay tita." Naging panatag naman ang kalooban niyang samahan si Fifth na kumain. Hindi naman sa pag-a-assume, ngunit pakiramdam niya'y higit pa sa friendship ang kaya nitong ibigay sa kaniya. Gayong una itong nagpakita ng interes para muli silang magkita. "Rosette?""Hm?""Bakit parang hindi ka pa rin komportable na kasama ako?" tanong ni Fifth sa kalagitnaan ng kanilang pagkain. Napansin siguro nito ang kaniyang pananahimik."Ah.. hindi naman sa gano'n." She was slightly smiled. "Pero kung itatanong mo ang nararamdaman ko ngayon, masaya ako dahil nagkita ulit tayo." Sandali pang nag-iwan ng ngiti sa kaniyang labi ang sinabi niya. At doo'y hindi na nila napigilan pang magpalitan ng mga k'wento sa isa't isa-- kung saan ay hindi niya rin maiwasan na unti-unti itong magustuhan.At minsan pa ay tila sumigla ang takbo ng buhay niya simula nang makilala pa si Fifth.-“Rosette, may naghahanap sa’yo!” wika ni Czarina matapos niyang gumamit ng palikuran sa isang mall.Tatanungin niya na sana kung sino subalit natanaw niya na ang lalaking inginunguso ng kaibigan. It was Fifth.“Nandito na siya, Fifth!” kinikilig pang sabi ni Czarina. Kaya naman nang aktong lilingon ito sa kaniya ay hindi niya na maintindihan ang kaniyang sarili. She doesn’t know why, pero tila mas malakas pa ang tibok ng puso niya sa mga boses sa paligid.“Sandali, anong mayroon? Akala ko ay hindi ka makakarating?” Bahagyang napangiti si Fifth at saka naman sumulpot ang kaniyang mga kabanda na sina Jed, Oliver at Jemuel.Napahalukipkip siya sa gulat lalo na nang makita pa niyang may hawak si Fifth na gitara na hindi niya inaasahang may interes din pala ito sa pagtugtog. Humakbang ito palapit sa kaniya. At nang tuluyan na itong nakalapit sa kaniya ay saka sinabi, “Sinabi ko naman sa’yo, ‘di ba? I will always make a way para lang makasama ka palagi.” Tiningnan niya pa sandali ang gitara bago tanungin ang kaniyang mga kabanda.“Anong ibig sabihin nito?” nagtataka pa rin niyang tanong sa mga ito.Ngunit sadyang gugustuhin yata ng mga ito na si Fifth mismo ang magpaliwanag sa kaniya. So the next thing she knew is, hawak na ni Fifth ang isa niyang kamay habang sinasabi, “Kahit gaano kahirap na pasukin ang mundong nakasanayan mo, I’m willing to take the risk just to prove to you how much I like you.. and yes, I was starting to have an interest in music. Just like you, because I wanna be with you, I want to live the world you want to be, and most of all, I want us to be more than friends.” Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makapaniwala na mas lalong liliit ang mundong kinagagalawan nila ni Fifth. Tila ba ayaw makisama ng dila niya para bumigkas ng mga salita.“Welcome to our group, Fifth! Bilang aming fifth member! Naks!” sabi pa ni Jemuel.At doon nga’y napasang-ayon sila sa sinabi nito. “Oo nga, ‘no?” wika pa ni Oliver.And that day, they had their first band rehearsal together including Fifth Pascual.SA PAGLIIT ng mundong ginagalawan ngayon nina Fifth at Rosette ay hindi maitatangging mas lumalim pa ang kanilang samahan. In fact, hindi na nga kataka-taka ang bawat pa-fall actions ni Fifth kay Rosette dahil nilinaw naman niya noong una pa na higit pa sa magkaibigan ang nais niya para sa kanilang dalawa. Ang kaso-- parang si Rosette naman ang may problema. During the rehearsal break ay mas pinili ni Rosette na mapag-isa. Napuna naman agad iyon ni Fifth kaya napasunod siya rito. Without knowing that Rosette would trying to ignore him on purpose. "Bakit nag-iisa ka rito? Didn't you enjoyed our rehearsal?" Bahagya itong napalingon sa kaniya kasabay nang isang pagbuntong hininga. Doo'y bigla niyang naisip na baka naninibago pa rin ito na bahagi na siya ng bandang Soul Magnificent."Ha? Siyempre, hindi." Doo'y sandaling napakunot ang noo niya. "Ahm, ang ibig kong sabihin, n-nag-enjoy ako.." Sinubukan niya itong sentruhin ng tingin subalit mabilis naman nitong naililihis ang mga mata sa
"KAILAN ka pa nanliligaw sa anak ko?" Tila nagpantig pa ang tainga ni Rosette sa sumunod na katanungang iyon ng ina. Habang nanatili namang magkahawak ang kamay nilang dalawa ni Fifth. For some reason, iyon ang pinakakinatatakutan niyang mangyari. Lalo na't batid niya sa sarili na ang kaniyang ina ang unang tututol sa courting stage nilang dalawa. Nanatiling tahimik ang buong kabahayan hanggang sa hindi niya muling inaasahan ang isasagot ni Fifth, "Ahm, actually po, ngayon pa lang sana ako pormal na magpapaalam sa'yo tita. P'wede bang ligawan ko si Rosette?" Sandali pa siyang nilingon ng binata. At kusang kumalas ang kamay ni Fifth sa kamay niya nang sabihin ng ina ang mga katagang, "Hindi!" Sandali pa ulit silang nagkatinginan ni Fifth. "Pero kung susundin mo ang isa kong kondisyon, baka ngayon pa lang ay pumayag na ako." Tila nabuhayan ng pag-asa si Fifth, kaya naman kusang lumabas ang matamis na ngiti nito. "Ano po 'yon, tita?" Nais niya nang humanga sa pagiging matapang ni Fif
SA KABILA nang paglalim ng gabi ay ang pananatiling masaya ng puso niya ng mga oras na iyon. Sadyang nakaka-relax ng feeling ang kanilang roadtrip at nasundan pa 'yon ng kwentuhan nang magpasya silang mag-stop over muna upang magpahinga sa biyahe. Sinabayan pa ng malakas na soundtrip ni Ryan habang humihithit ng yosi sina Fifth, Samuel, Andrew at ang boyfriend ni Eunice na si Zoren.Nag-usap-usap naman ang mga girlfriend nina Samuel, Andrew at Ryan na sina Cassandra, Eva at Ira. Habang doon naman siya nagawang kausapin nina Eunice."Hi, nice to meet you, Rosette, am I right?" Bahagya siyang napatango at napangiti. "Oo, salamat. And you are?" "Eunice," tipid nitong pagpapakilala at saka naman nito nagawang ipakilala sina Cassandra, Eva at Ira. "Ahm, si Cassandra nga pala, she's Samuel's girlfriend." "Hi," wika ni Cassandra habang kumakaway pa sa kaniya. Gayong kumaway din naman siya pabalik. "Of course, Meet Eva, Andrew's girlfriend." "Hello," wika naman ni Eva na nakangiti habang
SA NALALAPIT na kapaskuhan ay nagawang magsimba ni Rosette kasama ang kaniyang ina at dalawang kapatid na sina Roselle at Rowel, dahil iyon ang unang araw ng simbang gabi. Nakagawian na nila iyong gawin taon-taon. Kaya naman walang hiling si Rosette na hindi natupad dahil nakukompleto niya talaga ang simbang gabi. Hanggang sa sumapit ang huling araw ng simbang gabi. At sadyang hindi siya nagising sa kaniyang alarm. Mabuti na lamang at nagising ang kaniyang ina kung kaya't ginising siya nito, maging sina Roselle at Rowel. Kaya naman gahol na gahol na sila sa pagkilos para lang mahabol ang umpisa ng misa. E, nasanay na silang sila ang naghihintay sa pagdating ng pari hindi 'yung mauuna itong dumating."Ano ba naman 'yan, Rosette, kung kailan huling araw na ng simbang gabi ay saka ka naman hindi nagising. Ano ba kasing pinagpuyatan mo kagabi?" And the truth has going to exposed. Dahil ang totoo ay napuyat siya na kausap si Fifth kagabi mula sa kabilang linya."Pasensya na, nay, si Fift
AS THE NEW Year comes, ay hindi naman din nila namalayan ang mabilis na pagtakbo ng mga araw. Nasa kalagitnaan na ng Enero at nagbalik na naman si Rosette sa eskwela. Masyado na namang hectic ang schedule niya pagdating sa school, trabaho at pagbabanda. Pero kinakaya naman niyang hati-hatiin ang oras. Lalo na kapag rest day niya na dapat ay pahinga niya na lang ngunit inilalaan pa niya sa pagko-compose ng bagong kanta. "Hindi ko alam kung ano ang mayro'n ka, Bigla na lang, may nadama sa'yo sinta..Kahit na alam kong mayro'n kang iba,Patuloy na ako'y umaasa.. Kinanta niya iyon nang kinanta hanggang sa matapos-- tumugtog siya nang tumugtog hanggang sa huling tono ng kanta. At tila ba kakaibang kasiyahan ang namayani sa kaniya."Ayos!" Hindi niya naiwasang mapasigaw sa kasiyahan dahil sa wakas ay nakatapos siyang muli ng isang kanta. Aaminin niyang inspirasyon niya ngayon si Fifth kung kaya't mas madali na lang sa kaniya ang umisip ng liriko ng kanta.Hanggang sa hindi niya namalayan
NAALIMPUNGATAN si Rosette nang makita ang sarili na walang saplot at tanging puting kumot lamang ang bumabalot sa kaniyang katawan. Pero mas naalimpungatan siya nang makitang mahimbing na natutulog si Fifth sa tabi niya. Pinagmasdan pa niya ang paligid at sigurado siyang wala sila sa sariling bahay nito. Dahil mukhang private room ang silid na iyon.Nang sandaling iyon ay napasilip siyang muli sa sarili niyang katawan at napahalukipkip dahil doon pa lang ay batid na niyang may nangyari sa kanila ni Fifth."Naku! Hindi p'wede," napapailing na wika niya sa sarili. Wari ay bigla na lamang nasira ang pangarap niya sa isiping baka magbunga ang nangyari sa kanila ni Fifth. Naisip niya rin na kamumuhian siya ng ina kapag nabuntis siya. At naiinis siya dahil hindi niya man lang namalayan ang nangyari kagabi nang dahil sa kalasingan. Isabay pa ang pagtanaw niya nang pagiging mababa sa sarili. Sa sobrang pagkainis ay mabilis siyang tumayo. Nakita niyang nagkalat ang kanilang damit at underwear
MAGKASUNOD na tawag ang natanggap niya mula sa talent manager nila na si Ms. Savana at kay Jed na hindi niya inaasahang magri-reach out sa kaniya. Matapos kasi siyang kumbinsihin ni Ms. Savana na 'wag iwan ang banda ay mabilis nitong ibinalita sa mga kabanda ang naging desisyon niya. "Jed.""Tumawag sa akin si madam at nakiusap siya na kumbinsihin kitang 'wag tuluyang iwan ang banda. Dahil ba sa tampuhan natin, kaya mo naisip na umalis na lang sa banda?" May tonong pagtatampo sa boses nito. "Jed hindi--" "Hindi mo na kailangang mag-explain, Rosette. At kahit na ilang beses mong i-deny ay parang gano'n pa rin ang dating dahil batid din ng mga kabanda natin na hindi tayo okay." "Sinabi nang hindi, e!" napalakas sa tonong sabi niya. At doo'y hindi niya na napigilan ang sarili niyang luha na pumatak. "A-akala mo ba ay madali lang sa akin ang desisyon na 'to? Jed, bakit ko naman bibitiwan nang basta-basta ang pangarap ko? Aber?" "Malay ko ba sa'yo kung bakit biglang nagbago ang desisyo
THE DAYS have been passed quickly. At hindi niya namamalayan na mag-iisang linggo na simula nang magdesisyon siyang umalis sa banda. At simula no'n ay tila nawala na sa direksyon ang buhay niya. Mabuti na lamang at napagbubuntungan niya pa rin ng panahon ang paglalaro ng gitara sa tuwing may bakanteng oras sa school. Para na rin kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Katulad ngayon na hindi naman pumasok ang professor nila sa isang major subject kung kaya't nagpasya na muna siyang mapag-isa sa may teresita ng building. Kung saan ay natatanaw niya sa baba ang gymnasium.Kasalukuyan niyang tinutugtog ang bago niyang ikinompose na kanta nang bigla siyang nilapitan ni Czarina. "Wow! Iyan 'yong bago n'yong song na nag-viral online, hah? Mas maganda pala pakinggan sa personal!" Kahit na narinig niya nang malinaw ang mga sinabi ni Czarina ay tila nagbingi-bingihan siya sa sinabi nito. In fact, she just wanted to be alone. Pero dahil nanatili siyang tulala sa kawalan habang tumutugtog n