Share

Chapter 5- Formal Courting

SA PAGLIIT ng mundong ginagalawan ngayon nina Fifth at Rosette ay hindi maitatangging mas lumalim pa ang kanilang samahan. In fact, hindi na nga kataka-taka ang bawat pa-fall actions ni Fifth kay Rosette dahil nilinaw naman niya noong una pa na higit pa sa magkaibigan ang nais niya para sa kanilang dalawa. Ang kaso-- parang si Rosette naman ang may problema.

During the rehearsal break ay mas pinili ni Rosette na mapag-isa. Napuna naman agad iyon ni Fifth kaya napasunod siya rito. Without knowing that Rosette would trying to ignore him on purpose.

"Bakit nag-iisa ka rito? Didn't you enjoyed our rehearsal?" Bahagya itong napalingon sa kaniya kasabay nang isang pagbuntong hininga. Doo'y bigla niyang naisip na baka naninibago pa rin ito na bahagi na siya ng bandang Soul Magnificent.

"Ha? Siyempre, hindi." Doo'y sandaling napakunot ang noo niya. "Ahm, ang ibig kong sabihin, n-nag-enjoy ako.."

Sinubukan niya itong sentruhin ng tingin subalit mabilis naman nitong naililihis ang mga mata sa kaniya. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na komprontahin ito. "Sette, are you trying to ignore me? Or may nagawa ba akong mali?"

Doon lamang siya nagawang lingunin nito. And yes, after how many days na muli silang nagkasama nang dahil sa pagbabanda ay naging komportable na ito na tawagin niya sa ganoong pangalan. Pero tila siya naman ang hindi nakampante sa isinagot nito, "Wala kang nagawang mali."

Pero bakit parang nararamdaman niyang may mali?

So the next thing he did was, trying to corner her face by wrapping his hands around it . 'Yung tipong hindi na nito magagawang lumihis pa ng tingin sa kaniya. "E, bakit parang mayroon?" Nakita niya ang ilang beses na paglunok nito.

At kung hindi pa dumating si Jed ay hindi siya matatauhan na masyado na niyang pinangungunahan ang nararamdaman ni Rosette. Given the fact that he was trying to convice her to be true.

"Ahm, sorry, mukhang nakaistorbo yata ako sa inyo," wika ni Jed.

Habang doon nama'y unti-unting kumalas ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa mukha ni Rosette. "Ah, actually, nag-uusap pa kami--"

"Hindi, Jed, okay lang, tapos naman na kaming mag-usap. 'Di ba, Fifth?" Ramdam niya ang tila pananadya ni Rosette na pag-iwas. So he had no choice but to said yes.

Hanggang sa nakita niya na lamang na nauna nang naglakad pabalik si Rosette ng studio kasama si Jed. He wouldn't understand why kung ano ba talaga ang nangyayari. Kaya naman napailing na lamang siyang napasunod sa dalawa.

Pagkarating doon ay nakita niya naman na walang ipinagbago sa sigla ni Rosette sa pagkanta kasama ang banda. Kaya naman mas pinili niya na lang din na mag-focus sa pagtugtog ng gitara habang kinakanta ni Rosette ang bago nitong ikinompose na kanta.

"Sa isang iglap, ay 'di ko inakalang~~

ikaw pala ay mamahalin na lang bigla..

Anong hirap namang iwasan ang nararamdaman,

Kahit anong pilit sa'yo pa rin naiiwan..

Mahal kita, ito'y alam mo ba?

Mahal kita, hindi ba halata?

Ikaw naman kasi, masyado kang maalaga..

Hindi mo ba naisip na ako ay na-fall na.."

Sa hindi malamang dahilan ay tila patama sa kaniya ang bawat liriko ng kantang iyon. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit nagagawa pa rin ngumiti ni Rosette sa kaniya kapag kasama nila ang buong banda. Habang ibang-iba naman ang awra nito kapag silang dalawa lamang ang magkasama. Sadya nga bang magaling lang si Rosette na magtago ng kaniyang tunay na nararamdaman? Na tipong kaya nitong pekein ang ngiti, maipakita lang sa lahat na okay siya? Pero bakit parang feeling niya ay na-compose ni Rosette ang kantang iyon nang dahil sa kaniya?

Habang abala sina Jemuel, Oliver at Jed sa pagliligpit ng mga musical instruments at wirings na ginamit nila sa rehearsal ay sinamantala niya naman ang pagkakataon na 'yon na lapitang muli si Rosette, habang inilalagay nito sa shoulder bag ang song book.

"Sette, gusto mo tulungan na kita.."

"Hindi na, kaya ko na, Fifth," desididong wika nito.

"Akala ko ba ay okay tayo?" Natigilan sa ginagawa si Rosette bago ito sandaling napalingon sa kaniya.

"Fifth, a-ano bang sinasabi mo? Okay naman talaga tayo, e," sagot nito habang isinasakbit na nito ang shoulder bag sa may balikat.

"Pero hindi iyon ang nararamdaman ko, Sette. You know, I'm trying to feel na okay lang pero bakit parang may mali? I didn't know but, parang ikaw itong umiiwas sa akin."

Rosette took a deep breath before she used to looked at him and say, "Walang mali sa'yo, Fifth. At sana alam mo 'yon."

"E, kung wala pala, e, bakit parang umiiwas ka?" Nagawa niya pa itong sundan nang nagsimula na itong humakbang paalis. Habang hinayaan na lamang sila nila Jed na makapag-usap matapos ng mga itong sabay-sabay na magpaalam.

Nakita niyang natigilan naman si Rosette sa paghakbang kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon na makitang muli ang mukha nito. Matapang niyang hinuli ang tingin nito hanggang sa hindi na ito nakaligtas sa pagnakaw niya sa kamay nito upang ibalot iyon sa mga palad niya. "Kung may problema ka, p'wede mo naman sabihin sa akin. Pero bago ang lahat, let me tell you, that I am so proud of you, dahil natapos mo na ang bago mong song composition."

Tipid na napangiti si Rosette, and with a heart whelming appreciation ay nabigla na lamang siya nang magawa siya nitong yakapin at sinabi. "Thank you, Fifth.."

The next thing he knew is, Rosette was wrapping into tears. Nang magawang magtama ng kanilang tingin. And to the rescue naman siya sa kaniyang katanungan, "Hey, what's wrong? At bakit ka umiiyak?"

"I'm sorry, Fifth.. sinubukan ko lang naman iwasan ang nararamdaman ko sa'yo. Pero ang hirap pala."

Doon siya napangisi habang unti-unting pinupunasan ang mga luha nito gamit ang kaniyang kamay. "Hindi mo naman kailangang umiwas. 'Di ba, sinabi ko naman sa'yo, kahit anong mangyari ay liligawan kita, kahit walang assurance. Kasi, simula pa lang no'ng pinili kong pumasok sa buhay mo, alam ko sa sarili ko na ikaw ang babaeng gusto kong paglaanan ng buhay ko at gusto kong mahalin.."

"Pero hindi pa p'wede, Fifth. Hindi pa ako p'wedeng magmahal lalo na't--"

"I know, I know your biggest responsibility and I understand it. That's why I'm telling you this, dahil willing akong maghintay, Sette.. kaya sa ayaw at sa gusto mo, liligawin pa rin kita, kahit walang basbas ni tita o ng mga kapatid mo. 'Cause I really like you, Rosette Candelario." Hindi na napigilan pa ni Rosette na maluha sa sobrang saya. Pakiramdam niya'y secured na siya sa piling ni Fifth. At kahit pa walang commitment na namamagitan sa kanila, Fifth was willing to give everything to her, bagay na hindi niya inaasahang ipararamdam nito.

Matapos nga ang kanilang rehearsal ay nagawa siyang ihatid ni Fifth sa kanto ng kanilang bayan. Nais pa nga sana siyang ihatid nito mismo sa kanilang bahay, but she refused it. Ayaw niya lang kasing magkaroon pa ng mahabang diskusyon sa harap ng kaniyang ina. Ang mahalaga naman ay kilala na nito si Fifth ayon sa mga k'wento niya. Batid niya na mas makabubuti kung sa labas na lang sila magkikita ni Fifth at sa labas na lang din siya liligawan nito, dahil ayaw niyang maranasan ng binata na magawang komprontahin ng kaniyang ina. Sa dalawa niya namang nakababatang kapatid ay wala rin siyang tiwala na hindi ito magsusumbong sa ina kapag ipinaalam niya sa mga ito ang tungkol sa courting stage nila ni Fifth. Para sa kaniya ay sapat na rin na sa k'wento lang ng mga ito nakikilala si Fifth.

Pero isang araw, hindi niya akalain ang biglang itatanong sa kaniya ng ina habang tinutulungan niya ito sa pag-aayos ng mga tindang tsinelas. "Rosette, anak, bakit parang napapansin ko na hindi pa nagpupunta sa bahay natin iyang si Fifth?"

"E, nay, hindi naman kailangang magpunta pa no'ng tao rito. Magkaibigan lang naman kami, e."

"Kahit pa. Pero magkaibigan lang ba talaga? E, wala nga akong natatandaan na hindi mo siya nakalimutang isingit palagi sa usapan."

Sandali siyang napakamot nang hindi makati habang nag-iisip ng magandang dahilan para makalusot sa katanungang iyon ng ina. "Pero, nay.. tinutupad ko lang ang ipinangako ko sa'yo na no boyfriend na muna. At saka, hindi n'yo naman pong kailangang personal na makilala si Fifth--"

"Anong hindi kailangan? Kailangan kong makilala ang mga taong pumapasok sa buhay mo, Rosette. E, malay ba natin kung masamang tao 'yon at kinaibigan ka lang dahil may gusto siyang makuha sa'yo."

Doon siya bahagyang natawa. "Nay, mabuting tao si Fifth. Sigurado ako ro'n," pagtatanggol pa niya sa binata.

"E, kung gano'n, nasa'n siya? Gusto ko siyang makilala ng personal. Hindi p'wede 'yong sa mga kwento mo lang namin siya nakikilala."

"Pero, nay--"

"Sabihan mo siya na kailangan niyang bumisita rito sa bahay. Kung kailan siya libre, 'wag kang mag-alala, iwe-welcome ko siya nang maayos."

Napatango na lamang siya sa sinabi ng ina kahit na kataka-taka na mahinahon ito sa pananalita ng mga sandaling iyon.

Kaya nang magkita sila ni Fifth matapos ang kaniyang klase ay hindi na siya nagdalawang isip na sabihin dito ang ninanais ng kaniyang ina. "Talaga? Edi kung ganoon, pormal na kitang liligawan sa harap ni tita at ng mga kapatid mo?"

"Ano ka ba, siyempre hindi. Fifth, kaibigan lang ang pakilala ko sa'yo. At saka.. gusto mo bang makonyatan ka ng nanay ko kapag nalaman niyang nililigawan mo ko?"

Doo'y pasimpleng napakamot nang hindi makati si Fifth. "Of course not. Pero.. bakit pala ako gustong makilala ng mama mo?"

Sandali siyang napabuntong hininga. "Hindi ko nga rin alam, e. Pero pinaalalahanan na kitang dapat na maghanda sa mga masasakit na salitang p'wedeng sabihin ni nanay."

Bahagyang napalunok si Fifth. "Ganoon ba talaga kahigpit ang mama mo? Kahit sa pagkakaroon mo ng kaibigan?"

"Oo, e. Alam mo na, over protective lang siya sa akin at gusto niyang matupad ko muna ang pangarap ko bago atupagin ang pagpapapasok ng iba't ibang tao sa buhay ko. Hay, ewan ko ba ro'n kay nanay. Parang may phobia sa nakaraan at nais niyang iparanas sa aming magkakapatid."

"Naiintindihan ko naman ang mama mo, Sette." Tipid pa itong napangiti sa kaniya. "At 'wag kang mag-alala, hinding-hindi ko babanggitin sa mama mo at sa dalawang kapatid mo ang tungkol sa panliligaw ko sa'yo."

"Salamat, Fifth." Napanatag naman na siya sa naging kasunduan nila ni Fifth. Kaya naman nag-set sila ng araw na p'wedeng bumisita sa bahay nila si Fifth. Sa araw mismo ng day off nito sa trabaho kung saan ay mas malawak ang oras nito na makasama siya at ang kaniyang pamilya.

Nang sabihin niya iyon sa ina ay kaniyang hindi inaasahan ang naging paghahanda nito para sa pagdating ni Fifth. Nagluto ito ng masarap na ulam at meryenda na hindi naman nito karaniwang ginagawa. In fact, first time nga nitong tatanggap ng kaniyang bisita at may permiso pa nito kaya bago iyon sa kaniya.

"O, Rosette, pakihango na nga ng caldereta at ilagay mo sa tupperware. Hindi ko kasi ito p'wedeng basta-basta na lang iwan ang latik para sa biko."

"O, sige po, nay. Pero bakit parang ang dami naman po yata ng iniluto mo? Isa lang naman po ang bisita natin, hah?"

"Marami na ba 'yan? E, isang putahe nga lang 'yan ng ulam at isang meryenda. Wala, e, mahina ang kitaan ngayon, dahil maraming kakompitensya," kuwento pa ng ina. Nakita niyang mukhang nag-e-enjoy pa ang kaniyang ina sa pagluluto kaya labis niya iyong ipinagtataka.

Nang matapos niyang maisalin sa tupperware ang ulam ay saka naman niya natanggap ang mensahe ni Fifth. "Nandito na ako sa may kanto."

Kaya naman tila mataranta rin siya at siniguradong presentable pa rin siyang tingnan kahit na naging abala siya sa pagtulong sa ina. "Ah, nay.. salubungin ko lang po si Fifth sa may kanto, hah?"

Umaasa siyang papayag ang ina dahil na rin sa magandang mood nito. Subalit hindi niya inaasahan ang isasagot nito, "Ano? Hindi p'wede. Babae ka, kaya dapat ay ikaw dapat ang pinupuntahan dito. Hayaan mo siyang kusang mahanap ang bahay natin." Naintindihan niya naman ang pinupunto ng ina. Kaya naman sinikap niyang ipaunawa iyon kay Fifth, bagay na naunawaan naman nito.

"Pasensya ka na, Fifth, ang gusto kasi ni nanay ay ikaw mismo ang kusang magpunta rito. P'wede mo naman ipagtanong-tanong diyan kung saan ang bahay namin. Sabihin mo, ang bahay kamo ni Aleng Rosalinda," wika niya sa gitna ng tawag.

"Ganoon ba? O, sige, mukhang madali lang naman hanapin ang bahay n'yo. Tama nga naman si tita dahil babae ka at ako dapat ang gumagawa ng bagay na 'yon sa'yo. Sige, magtatanong-tanong na lang ako, hah? See you."

"Sige."

Ilang minuto rin ang lumipas bago pa tuluyang makarating si Fifth. At sa unang pagtuntong nito sa bahay nila ay hindi niya nga inaasahang mainit itong iwe-welcome ng kaniyang ina at ng kaniyang dalawang nakababatang kapatid.

Okay na sana ang lahat, dahil matapos nilang tanggapin ang mga dalang pasalubong ni Fifth ay hindi naman sila nakaligtas sa sinabi ng kaniyang ina.

"Sandali. Bakit sa dami nitong mga pasalubong ay parang nanliligaw ka na sa anak ko?" Para bang pareho silang sinilihan ni Fifth mula sa kinatatayuan. Isabay pa ang panginginig ng kaniyang mga kamay.

At sa gitna ng katahimikan na 'yon ay hindi niya inaasahang, matapang na sasagutin ni Fifth ang katanungang iyon habang mabilis nitong inangkin ang kaniyang palad. "Ang totoo po niyan, tita.. may espesyal na nararamdaman na po ako sa anak mo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status