Share

Chapter 6

Hector took a deep breath before he speaks to her. A few minutes had passed before he decided to speak to her about her question.

"Hindi. I'm so sorry to tell you that I can't help you, Camilla. Hindi kita matutulungan na hanapin ang papa mo. We're busy, okay? Marami kaming inaasikasong mas importante pa kaysa sa papa mo kaya hindi kita matutulungan n'yan, Camilla. Ikakasal na tayo, 'di ba? Wala pa ngang date o buwan kung kailan ang kasal nating dalawa ngunit mangyayari 'yon. Hindi ko rin naman kailangan na hanapin o makita pa ang papa mo sapagkat hindi naman na niya kailangan na bayaran ang utang niya sa akin. I think naiintindihan mo na ang sinasabi ko sa 'yo, Camilla," seryosong sagot ni Hector kay Camilla na naghihintay sa isasagot niya.

Hindi naman umaasa si Camilla na tutulungan talaga siya ni Hector na mahanap ang papa niya. Nagbabakasakali lang naman siya. Kung hindi siya tulungan nito ay wala namang problema at kung tulungan naman siya nito ay mas maganda. Narinig naman niya ng malinaw ang sinabi ni Hector sa kanya na hindi siya nito matutulungan. She gave him a quick nod. Wala naman siyang balak na magreklamo pa o humirit dito.

"Kung 'yon ang sinabi mo sa akin ay tatanggapin ko, Hector. Hindi kita pipilitin na tulungan ako kung ayaw mo talaga. Hindi naman ako umaasa na tutulungan mo, eh, nagbabakasakali lang naman ako sa kanya baka matulungan mo ako, Hector," malumanay na sagot nga ni Camilla sa guwapong si Hector.

Mabilis naman siyang tinanguan ni Hector pagkasabi niya.

"Mabuti naman kung ganoon, Camilla," sabi ni Hector sa kanya. "Sigurado ako n'yan na uuwi rin ang papa mo n'yan dito sa bahay n'yo. Malakas ang kutob ko na wala namang nangyaring masama sa kanya. Maybe he's just hiding from us especially to me. Kaya huwag ka nang magproblema pa sa kanya, okay? Ang kailangan na isipin mo ay ang magiging kasal nating dalawa."

Tumahimik muna siya pagkasabi nito. Na-realize niya na tama naman ang sinabi ni Hector sa kanya na uuwi naman ang papa niya sa bahay niya kung wala namang masama na nangyari dito.

Makaraan ang ilang minuto ay dahan-dahan na nagsalita si Camilla sa harapan ni Hector.

"Ano'ng plano mo sa magiging kasal nating dalawa? Iyon naman ang pinunta mo dito sa bahay, 'di ba?" tanong ni Camilla sa kanya. Hector nods slowly after she asked.

"I know that, Camilla. We're going to talk about that but not as of now, okay?" sabi ni Hector sa kanya dahilan upang mapangiwi siya.

"Huh? Bakit? Akala ko ba ay 'yon na ang pag-uusapan nating dalawa? Bakit ngayon ay hindi pa?" nagtatakang tanong ni Camilla kay Hector.

"Hindi muna natin kailangan na pag-usapan 'yon, okay? But we're okay about the wedding, Camilla. Wala na tayong problema sa bagay na 'yon," sabi ni Hector kay Camilla.

"Kung hindi muna natin pag-uusapan ang tungkol sa magiging kasal nating dalawa ay bakit ka pumunta dito sa bahay?" kunot-noong tanong ni Camilla kay Hector.

"Masama ba na pumunta ako dito sa bahay n'yo, Camilla?" tanong ni Hector sa kanya.

"Hindi naman, Hector. Hindi naman masama 'yon," sabi ni Camilla sa kanya. "Gusto ko lang naman malaman kung bakit ka pumunta ngayon dito sa bahay kung hindi pa naman pala natin pag-uusapan ang tungkol sa magiging kasal nating dalawa. Akala ko kasi ay pag-uusapan natin na 'yon. Iyon ang inaasahan ko sa pagpunta mo ngayon dito sa bahay namin."

Hector cleared his throat and said, "Camilla, may tamang oras para pag-usapan natin ang magiging kasal natin. Hindi pa ngayon ang tamang oras na 'yon ngayon. Hindi ka pa nga nakikilala ng mga magulang ko, 'di ba? Paano natin pag-uusapan ang tungkol sa magiging kasal natin kung hindi ka pa nga nila kilala. Ang nararapat na mangyari ay ang makilala ka muna nila."

"Ipakikilala mo ako sa kanila?" nakaawang ang mga labi na tanong ni Camilla kay Hector bilang paninigurado. Dahan-dahan naman siyang tinanguan ni Hector bago muling nagsalita ito sa kanya.

"Oo, Camilla. Ipakikilala kita sa kanila. Ipakikilala kita sa kanila na babaeng pakakasalan ko," pormal na sabi ni Hector sa kanya.

Kinabahan tuloy si Camilla matapos sabihin 'yon ni Hector sa kanya na ipakilala pala siya sa mga magulang nito. No'ng pumayag siya kay Hector na magpakasal ay hindi siya nakaramdam ng kaba ngunit nang sabihin nito sa kanya na ipakilala siya sa mga magulang nito ay saka lang talaga siya nakaramdam ng ganoong klaseng kaba. Natahimik siya matapos 'yon na napansin naman kaagad ni Hector sa kanya.

Wala namang puwedeng i-reklamo si Camilla sa sinabing 'yon ni Hector sa kanya na ipakilala siya sa mga magulang nito sapagkat mangyayari talaga 'yon lalo na pumayag siya na magpakasal. Kahit maraming katanungan sa isipan niya na hindi niya maintindihan ay kailangan pa rin niyang sumunod kay Hector sa sinasabi nito. Hindi niya matatakasan ang bagay na 'yon. Kinakabahan siya sapagkat makakaharap niya ang mga magulang nito. Never pa niyang na-meet ang mga magulang ni Hector kaya nakakakaba talaga. Hindi rin niya alam ang pag-uugali nito. Baka nga ay maliitin pa siya nito o ano dahil hindi naman siya mayaman kagaya nila.

"Natahimik ka yata, Camilla. May problema ba sa sinabi kong 'yon sa 'yo, huh?" malumanay na tanong ni Hector sa kanya.

Camilla sighed deeply and slowly opened her mouth to speak to him. "W-Wala naman. Wala namang problema sa sinabi mong 'yon sa akin, Hector. Kung 'yon ang kailangan na gawin ay susunod ako. Handa akong makilala ang mga magulang mo. Makikipagkilala ako sa kanila bilang mapapangasawa mo," sagot ni Camilla sa kanya.

Hector nodded immediately. "Okay. Sinabi mo 'yan, Camilla. So I would believe that and nothing else."

"Kailan mo ba ako ipakikilala sa kanila, huh?" tanong niya kay Hector na kinakabahan pa rin. Hindi naman napapansin ni Hector sa kanya na kinakabahan siya unless magsabi siya dito ay saka lang malalaman nito na kinakabahan nga siya.

"Kahit anong oras ay puwede kitang ipakilala sa kanila, Camilla. You have to be ready. Kahit ngayon na araw na 'to ay puwede kitang ipakilala pero ayaw ko naman na ipakilala ka na hindi ka ready. Gusto ko na handa ka kapag pinakilala kita sa mga magulang ko," paliwanag na sagot ni Hector kay Camilla na napatango-tango naman pagkasabi niya.

"Salamat sa sinabi mong 'yon, Hector. Hindi pa ako handa para sa bagay na 'yon. Ang totoo nga n'yan ay kinakabahan nga ako, eh," sabi ni Camilla sa kanya.

"A-Ano? Kinakabahan ka, huh? Bakit naman? Bakit ka naman kinakabahan, huh?" tanong ni Hector sa kanya.

"Kinakabahan ako dahil hindi pa ako handa na ipakilala mo ako sa kanila na mga magulang mo," paliwanag ni Camilla kay Hector.

He gave her a quick nod and said, "Ah, ganoon ba? Okay. Now I know."

Pagkasabi ni Hector sa kanya ay inilabas nito ang wallet at kumuha ng pera. Tinitingnan lang niya ito. Wala naman siyang kaide-ideya kung bakit inilabas ni Hector ang wallet niya at kumuha ng pera. Baka gusto lang siyang painggitin sa pera na meron ito.

Nanlaki ang mga mata ni Camilla nang ilahad sa kanya ni Hector ang ilang libong pera na kinuha nito sa wallet. Binibigay nito 'yon sa kanya.

"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ni Camilla kay Hector habang hawak-hawak nito ang pera na binibigay sa kanya. Hindi naman niya kinukuha 'yon dahil hindi naman niya alam kung bakit siya nilalahadan ng ilang libong pera.

"Hindi mo ba nakikita ang nasa harapan mo, Camilla? Hindi mo ba alam kung ano ang hawak ko, huh?" seryosong tanong ni Hector sa kanya. Camilla grimaced bitterly as he heard his questions to him.

"Nakikita ko naman, Hector. Alam ko kung ano 'yan na hawak mo, 'no?" sagot ni Camilla sa kanya na nakangiwi pa rin.

"Iyon naman pala, eh. Alam mo naman pala. So bakit ka pa nagtatanong sa akin kung alam mo naman pala kung ano ang hawak-hawak ko, Camilla?" sabi ni Hector sa kanya.

"Alam ko naman na pera ang hawak-hawak mo, Hector. Tinatanong kita kung ano 'yan na perang binibigay mo sa akin. Iyon ang ibig kong sabihin sa 'yo, okay? Bakit mo ba ako binibigyan ng pera, huh? Hindi naman ako humihingi sa 'yo, 'di ba? Bakit mo ba ako binibigyan ng pera?" tanong ni Camilla sa kanya. Naliwanagan na si Hector sa sinabi niyang 'yon. Sinagot naman na niya ng diretso si Camilla sa tanong na 'yon nito sa kanya.

"I know you didn't ask for me to give you money but I just want to give you," sabi ni Hector sa kanya.

"Why?" seryosong tanong ni Camilla sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status