Share

Chapter 5

Pinaalam kaagad ni Camilla sa kaibigan niya na si Mika ang tungkol sa pagpayag niya kay Hector na magpakasal dito. Kagaya ng sinabi niya dito tungkol sa utang ng papa niya fifty million pesos ay hindi rin ito makapaniwala sa sinabi niyang 'yon na magpapakasal siya sa guwapong si Hector. Nagpaliwanag naman siya sa kaibigan niya na si Mika kung bakit siya pumayag dito upang maintidihan nga nito.

"Wala naman akong ibang pagpipilian kaya pumayag na lang ako na magpakasal sa kanya, bessie. Ayaw ko naman na makulong ang papa ko. Ayaw ko rin na makulong, eh. Ayaw ko na parehas kaming dalawa mabulok sa bilangguan kaya ginawa ko na 'yon, pumayag na ako sa kanya na magpakasal kahit ayaw ko. Iyon lang talaga ang kailangan na gawin ko," nakangusong sabi pa ni Camilla sa kaibigan niya na si Mika na naiintindihan naman siya sa naging desisyon niya na 'yon.

"Ibig sabihin ngayon na pumayag ka na magpakasal sa kanya ay hindi mo na kailangan na bayaran ang utang ng papa mo na fifty million pesos, huh?" tanong pa ni Mika sa kanya.

"Oo. Hindi na namin kailangan na bayaran 'yon, eh. Pumayag na ako sa kanya. Hindi na namin babayaran ang utang na 'yon ng papa ko na fifty million pesos, hindi na rin niya ipapakulong ang papa ko. Hindi rin ako makukulong, bessie. Iyon ang kasunduan namin," paliwanag pa ni Camilla sa kaibigan niya na tumango-tango pagkasabi niya. "Wala akong ibang choice, bessie. Naiintindihan mo naman siguro ako sa naging desisyon ko na 'yon, eh."

"Oo naman, bessie. Naiintindihan naman kita sa naging desisyon mo na 'yon, eh. Kahit ayaw mo na magpakasal sa lalaking 'yon ay pumayag ka na lang dahil ayaw mo naman na makulong kayo lalo na ang papa mo. Siguro kung nasa ganoon na sitwasyon rin ako ay ganoon rin ang gagawin ko. Papayag na lang ako kaysa mamroblema pa ako. Dahil pumayag ka na ay wala na kayong kailangan na bayaran pa. Paid na ang utang ng papa mo. Wala ka nang kailangan na isipin pa," sagot ni Mika sa kanya. "Hindi rin naman kita hinuhusgahan, okay? Naiintindihan kita kaya wala kang kailangan na problemahin sa akin, bessie."

Tumango naman nga si Camilla matapos sabihin 'yon ng kaibigan niya sa kanya.

Camilla gave her a quick smile and said, "Maraming salamat sa pang-iintindi mo sa akin, bessie."

"Walang anuman 'yon, bessie. Ngayon na pumayag ka na magpakasal sa kanya ay ano na ang gagawin n'yong dalawa, huh?" sagot ni Mika sa kanya. Tinatanong siya nito kung ano na ang gagawin nila. "Sinabi na ba ni Hector sa 'yo kung kailan kayo ikakasal, huh?"

"Hindi pa. Hindi pa niya sinasabi sa akin, bessie. Babalik siya sa bahay namin ngunit hindi ko alam kung kailan, bessie. Pag-uusapan raw namin ang tungkol sa magiging kasal naming dalawa," paliwanag na sagot ni Camilla sa kaibigan niya na si Mika.

"Ah, okay. Alam mo nagtataka lang talaga ako, bessie..." sabi ni Mika sa kanya.

"Ano? Ano'ng pinagtataka mo, huh?" tanong naman kaagad ni Camilla sa kanya.

Bago sumagot si Mika sa kaibigan niya na si Camilla ay nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga.

"Nagtataka lang ako na sa dami ng puwedeng gawin na kasunduan n'yong dalawa ng lalaking 'yon na si Hector ay bakit 'yon pa talaga na magpakasal ka sa kanya ang naisip nito, huh? Marami namang puwede, 'di ba? Wala ba siyang girlfriend, bessie? Nagtataka lang ako, eh. Hindi biro ang magpakasal, 'di ba? Alam mo 'yan. Hindi ka naman niya siguro mahal, bessie. Kung hindi ka niya mahal bakit niya 'yon naisip na gawin n'yong dalawa ang magpakasal," nakakunot ang noo na sabi ni Mika sa kanya.

"Ganoon nga rin ako, bessie. Nagtataka rin ako. Sa dami ng puwedeng gawin na maging kasunduan namin ay 'yon pa talaga na magpakasal ako sa kanya kapalit ng hindi na namin pagbayad sa utang ng papa ko. You have a point naman sa mga sinabi mo sa akin, eh. Hindi ko rin talaga maintidihan sa totoo lang, bessie. Nakapagtataka talaga," nakangiwing tugon ni Camilla sa kaibigan niya.

"Hindi mo ba siya tinanong kung bakit ganoon ang binigay niyang chance sa 'yo na magiging kasunduan n'yong dalawa, huh?" usisa pa ni Mika sa kanya at muling napabuntong-hininga si Camilla bago nagsalita muli sa kanya.

"Tinanong ko naman siya ngunit hindi naman niya sinasagot ng diretso, eh. Hindi niya sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit 'yon ang binigay niyang chance na magiging kasunduan naming dalawa. Hindi ko naman siya kinulit pa dahil baka magalit pa siya sa akin. Hinayaan ko na lang siya matapos 'yon. Pumayag naman na ako, bessie. Wala naman na akong magagawa pa," nakangusong sagot pa rin ni Camilla sa kaibigan niya na si Mika.

Tumango naman muli ito pagkasabi niya.

"Ganoon ba, bessie? Hindi papa niya sinasagot ng diretso ang tanong mo sa kanya. Nakapagtataka talaga, eh," sabi ni Mika sa kanya.

"Oo, bessie. Nakapagtataka nga ngunit wala naman tayong magagawa pa. Kung ayaw niyang sabihin 'yon ay wala tayong magagawa. Hayaan na lang natin siya," tugon ni Camilla sa kaibigan niya na muling tumango sa harapan niya.

Wala munang nagsalita sa kanilang dalawa na magkaibigan matapos 'yon. Ilang minuto muna silang natahimik. Matapos ang ilang minuto na pananahimik ay dahan-dahan na ibinuka ni Mika ang kanyang bibig para magsalita sa harapan ni Camilla na kaibigan niya. She looked at her friend's eyes directly.

"Bessie..." sambit ni Mika kay Camilla.

"Yes, bessie? Ano 'yon?" mahinang usal naman ni Camilla sa kanya.

"Paano na ang trabaho mo n'yan, huh?" nakangusong tanong ni Mika sa kaibigan niya.

Bago sinagot 'yon ni Camilla ay nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga. "Hindi na ako magtatrabaho pa, bessie," sabi niya sa kaibigan na si Mika na umawang ang mga labi pagkasabi na hindi na siya magtatrabaho pa.

"A-Ano? Ano'ng sinabi mo, bessie? Hindi ka na magtatrabaho pa? Sigurado ka ba sa sinasabi mo sa akin ngayon, huh?" paniniguradong tanong ni Mika sa kanya.

Camilla nods her head quickly and said, "Oo, bessie. Hindi na ako magtatrabaho pa. Pinapa-resign na ako ni Hector. Doon na rin raw ako titira sa mansion nila kaya kailangan ko na gawin 'yon."

''Oh, talaga ba?" Camilla nodded again.

"Oo, bessie. Kailangan ko na magresign sa trabaho. Susundin ko ang sinasabi niya kahit ayaw ko. I have no other choices, right? So I have to do it, bessie," sagot ni Camilla sa kanya.

Tumango-tango naman nga si Mika sa kanya. "Ah, okay. Kagaya ng sinabi mo na wala naman tayong magagawa kaya wala akong masasabi na iba pa, bessie. Basta kapag kailangan mo lang ako ay nandito lang ako para sa 'yo, okay? I'll always be here for you, bessie," sabi ni Mika sa kanya na nginitian siya nang matatapos na ang sasabihin nito.

"Maraming salamat muli sa 'yo, bessie," nakangising pasalamat ni Camilla sa kanya habang hawak-hawak nila ang kanilang mga kamay na magkaibigan. "Walang anuman 'yon, beside. I'm always be here for you, okay? Hindi kita iiwan o pababayaan."

Imbis na magsalita pa ay niyakap na lang ni Camilla ang kanyang kaibigan na si Mika. Hindi na siya nagsalita pa.

Inabot na ng gabi si Camilla sa condo unit ng kaibigan niya bago siya umuwi sa bahay nila. Kumain na siya ng dinner bago umalis kaya wala na siyang kailangan na isipin pa pagdating sa bahay nila.

Nag-resign naman nga si Camilla sa pinagtatrabauhan niya na opisina sumunod na araw. Hindi naman kaagad siya nakapagresign sapagkat gumawa pa siya ng resignation letter. Pinuntahan pa niya ang kanyang kaibigan na si Mika sa condo unit nito. Kahit hindi naman kailangan niya na imporhamin ang kanyang kaibigan na si Mika tungkol dito ay sinabi pa rin niya na nakapagresign na siya.

Hinihintay niya na umuwi sa bahay nila ang papa niya ngunit hindi talaga ito umuuwi. Nag-aalala na siya ng sobra para dito. Hindi rin naman niya alam kung saan ito niya mahahanap. Makaraan ang ilang araw ay bumalik muli si Hector sa bahay nila. Expected naman niya na babalik muli ito sa kanila dahil nagsabi ito sa kanya na babalik muli para pag-usapan ang kanilang magiging kasal na dalawa. Pinapasok naman kaagad niya si Hector sa loob ng bahay nila.

"Umuwi na ba ang papa mo, huh?" seryosong tanong ni Hector sa kanya pagkaupo nito sa couch. Hindi muna nagsalita si Camilla sa tanong na 'yon sa kanya ni Hector na magiging asawa niya. She licked her lips and sighed deeply before speaking to him.

"Hindi pa. Hindi pa umuuwi ang papa ko dito sa bahay namin hanggang ngayon. Nag-aalala na ako sa kanya nang sobra, eh. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa kanya. Buhay pa ba siya o ano? Hindi ko alam," nakangusong sagot ni Camilla sa guwapong si Hector. "Hindi ko naman alam kung saan ko siya hahanapin, eh. Sinubukan ko naman na hanapin siya, 'di ba? Alam mo 'yon ngunit hindi ko talaga siya mahanap kung nasaan siya. Naghintay na lang ako sa kanya na umuwi dito ngunit wala, eh. Hindi pa rin siya umuuwi dito sa bahay namin, eh. Hindi mo ba ako puwedeng tulungan na mahanap ang papa ko, Hector? Baka kung puwede mo akong matulungan na mahanap siya ay tulungan mo naman ako, please. Sobrang nag-aalala na ako para sa papa ko."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status