Share

Chapter 4

Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa ring sagot si Camilla kay Hector sa sinabi nito na kailangan niyang pumayag sa gusto nito na magpakasal siya dito. Hindi siya makapaniwala sa narinig niyang sinabi nito sa kanya. Tinapunan ni Camilla ng hindi makapaniwalang tingin si Hector na naghihintay sa isasagot niya dito.

"You have to decide now, Camilla. Hindi ako aalis ngayon dito sa pamamahay n'yo kung wala kang naisasagot sa akin na desisyon mo. Kailangan na makapagdesisyon ka na ngayon. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko sa 'yo, huh? I'm giving you a chance, Camilla. Pakasalan mo ako. 'Pag pinakasalan mo ako ay hindi mo na kailangan pa na bayaran ang utang na 'yon ng papa mo. Wala na kayong utang sa akin. Hindi ko na rin ipapakulong ang papa mo at hindi ka rin makukulong, Camilla. Ang dali lang naman ng kailangan mong gawin, 'di ba? Mahihirapan ka pa ba? Magdesisyon ka na ngayon, Camilla. I want to hear your decision," seryosong sabi pa ni Hector sa kanya.

Maliwanag na maliwanag kay Camilla ang mga sinabing 'yon ni Hector sa harapan niya. Hindi lang isang beses na sinabi nito 'yon sa kanya kundi inulit pa nga nito kaya imposible na hindi pa niya 'yon maintindihan o ano pa. Wala pa rin siyang sagot matapos na sabihin nito 'yon. She needs to speak to him. Hindi puwedeng hindi.

After a few minutes she slowly opened her mouth to speak to him. Nagpakawala muna si Camilla nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa guwapong nilalang na nasa harapan niya.

"Iyon lang ba ang chance na binibigay mo, huh?" mahinang tanong niya kay Hector sa harapan nito. Hector gave her a quick nod and said, "Oo. Iyon lang naman at wala nang iba pa, Camilla. Iyon lang ang binibigay kong chance. Kailangan mo lang na pumayag."

Napasinghap si Camilla matapos ni Hector sabihin 'yon sa kanya. Umiwas muna siya ng tingin dito at muli naman niyang ibinalik ang kanyang tingin makalipas ang ilang segundo.

"Bakit ba 'yon ang binibigay mo na chance sa akin, huh? Sa dami pa naman na puwedeng ibigay mo ay 'yon pa talaga na kailangan akong magpakasal sa 'yo. Wala nang iba pa, huh?" nakakunot ang noo na tanong ni Camilla sa kanya. "Puwede naman na iba na lang, 'di ba? Puwede naman na kahit bayaran ko sa loob ng sampung taon ang utang ng papa ko, huwag lang talaga 'yon na sinasabi mo na kailangan kita pakasalan."

Hindi lang niya maintidihan kung bakit 'yon pa talaga ang binibigay nito sa kanya na chance na para hindi na bayaran nila ang utang ng papa niya ay kailangan pa talaga niya na pumayag na magpakasal kay Hector. Puwede naman na bayaran niya ito ng maraming taon kahit umabot pa ng sampung taon, huwag lang ng ganoon na kailangan niya na magpakasal sa isang kagaya ni Hector na hindi naman niya mahal.

Sinamaan tuloy si Camilla ni Hector ng tingin nito matapos nitong sabihin 'yon sa kanya. Kaagad naman na nagsalita si Hector sa kanya.

"Nagrereklamo ka ba, Camilla?" kunot-noong tanong nito sa kanya dahilan upang mapangiwi siya. Muling nagpakawala si Camilla ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita sa kanya.

"Hindi naman sa nagrereklamo ako, eh. Nagsa-suggest lang naman ako sa 'yo," nakangiwing tugon ni Camilla sa guwapong si Hector.

"Hindi mo kailangan na mag-suggest, Camilla. You have no right to do that, okay? Ang papa mo ang may atraso sa akin at kasama ka na doon kaya huwag ka nang magrereklamo o magsa-suggest sa akin, okay? Kayo na nga ang may atraso sa akin tapos ikaw pa ang may gana na gawin 'yon. Mahiya ka naman, Camilla. Pasalamat ka na nga lang sapagkat binibigyan pa kita ng chance. Hindi mo na nga kailangan na bayaran ang utang ng papa mo. Sa totoo lang talaga ay ang suwerte mo, Camilla. Kung sa iba kayo may utang ay baka pinabayaran pa kayo pero sa akin ay hindi n'yo na kailangan na gawin 'yon. Kailangan mo na lang na pumayag na magpakasal sa akin," sabi pa ni Hector sa kanya.

Natahimik muli si Camilla matapos 'yon na sabihin ni Hector sa kanya. Tama naman ito sa sinabi sa kanya na ang suwerte nga niya sapagkat hindi na nila kailangan na bayaran ang utang na 'yon dahil kung sa iba sila may utang ay baka pabayaran pa sila. Kailangan lang niya na pumayag sa nais ni Hector na magpakasal siya dito kahit hindi rin niya maintidihan kung bakit 'yon ang nais nito. Wala ba itong nobya na puwede niyang pakasalan? Bakit siya pa ang pakakasalan nito? E, hindi naman siya mahal nito. Wala nga silang dalawa relasyon sa isa't isa. Nagtataka lang talaga siya.

"You decide now please. 'Wag na natin patagalin pa 'to, Camilla. Dalawa lang naman ang sagot sa sinabi kong 'yon sa 'yo, eh. It's either yes or no," pang-uulit na sagot ni Hector sa kanya.

"Paano kung hindi ako pumayag? Ano'ng gagawin mo?" tanong niya kay Hector.

"Kapag hindi ka pumayag na magpakasal sa akin ay ipakukulong ko ang papa mo at isusunod kita sa kanya. May utang pa rin kayong dalawa lalo na ang papa mo sa akin, Camilla. Hindi mo naman kayang bayaran 'yon, 'di ba? Wala kang pera na ganoon kalaki kaya hindi mo talaga mababayaran 'yon. Gusto mo ba na mangyari 'yon, huh? Parehas kayong dalawa ng papa mo makukulong at baka doon na kayo mabulok na dalawa," sagot ni Hector sa kanya kaya muling napangiwi si Camilla. "Kaya kung ako sa 'yo n'yan ay pumayag ka na, Camilla. Pumayag ka na magpakasal sa akin."

"Hindi ko gusto na mangyari 'yon na parehas kaming dalawa na makulong ng papa mo. Ayaw ko na mabulok sa kulungan," mabilis na sagot ni Camilla sa kanya.

"Iyon naman pala, eh. Ayaw mo naman pala na makulong kayong parehas ng papa mo kaya pumayag ka na. Mahirap ba na gawin 'yon, huh? I'm giving you a chance now. 'Wag mo nang sayangin pa 'yon, okay? Pasalamat ka na binibigyan pa kita ng chance kaysa hindi na, 'di ba?" saad ni Hector sa kanya.

Tumahimik muli si Camilla matapos na sabihin 'yon ni Hector sa kanya. Ayaw niya na makulong silang dalawa ng papa niya sa kulungan lalo na ang mabulok doon habambuhay. Ayaw niya na mangyari 'yon sa kanilang dalawa. Wala na silang kalayaan pa kapag nakakulong sila. Wala rin naman tutulong sa kanila na makapagpiyansa para makalabas sila sa kulungan.

Wala naman silang pera na pambayad sa utang na 'yon ng papa niya. Hindi niya kayang bayaran ang utang nito ngayong linggo na 'to. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang pumayag talaga sa nais ni Hector na magpakasal siya dito. Kung hindi naman nga siya pumayag ay makukulong ang papa niya at isusunod siya ni Hector.

Sa loob ng ilang minuto na pag-iisip-isip ay nakapagdesisyon na nga siya. Wala rin naman siyang ibang pagpipilian kundi ang pumayag na magpakasal kay Hector kaya 'yon na lang ang gagawin niya. Magpapakasal na lang siya dito para hindi makulong silang dalawa lalo na ang papa niya. 'Pag pumayag siya na magpakasal dito ay wala na siyang babayaran pa. Hindi na makukulong ang papa niya. Hindi rin siya makukulong sa bilangguan.

"I think it's enough for you to think about it, Camilla. Sigurado ako na nakapagdesisyon ka na," sabi ni Hector sa kanya makalipas ang ilang minuto. "May desisyon ka na ba, huh?"

Lumunok muna si Camilla ng kanyang laway bago nagsalita sa kanya. Dahan-dahan siyang tumingin muli sa mga mata nito. Naghihintay lang talaga si Hector sa sasabihin niya.

She slowly nods her head and said, "Oo. Nakapagdesisyon na ako."

"Mabuti naman kung ganoon na nakapagdesisyon ka na, Camilla. Ano'ng desisyon mo, huh?" tanong ni Hector sa kanya.

"Pumapayag na ako sa nais mo, Hector. Pumapayag na ako na magpakasal sa 'yo," sagot ni Camilla kay Hector. Sinasabi na niya na pumapayag na siya na magpakasal dito.

Hector gave her a quick smile after she said that. "Okay. Ngayon na pumapayag ka na ay wala nang bawian 'yon, Camilla. Pakakasalan mo ako," sagot ni Hector sa kanya na mabilis naman nga niyang tinanguan.

"Hindi ko naman babawiin 'yon, Hector. Wala naman akong ibang pagpipilian, 'di ba? Iyon lang naman na pumayag ako na magpakasal sa 'yo," nakangusong sagot ni Camilla sa guwapong si Hector.

He nodded immediately.

"Sa pagpayag mo ngang 'yon na magpakasal sa akin ay hindi n'yo na kailangan na bayaran ang utang na 'yon ng papa mo, Camilla. Hindi ko na rin ipapakulong ang papa mo at hindi ka na madadamay pa, okay?" maliwanag na sabi ni Hector sa kanya.

"Ang pagpayag ko ba na magpakasal sa 'yo ang kabayaran ng utang ng papa ko, huh?" malumanay na tanong ni Camilla kay Hector na dahan-dahan naman na tumango sa kanya bago nagsalita.

"Parang ganoon na nga, Camilla," sabi nito sa kanya. "Wala ka nang kailangan pa na isipin pa, okay? I'll be back here in your house. Hindi ko masabi kung kailan pero babalik ako para pag-usapan ang magiging kasal nating dalawa. Maliwanag na sa ating dalawa ang lahat. Naiintindihan mo ba?"

Camilla shook her head and replied, "Oo. Maliwanag na sa akin ang lahat, Hector. You have to resign now to your work."

"Huh? Ano'ng sinabi mo? Mag-resign na ako sa trabaho ko?" paniniguradong tanong ni Camilla kay Hector.

He nodded again. "Oo. Mag-resign ka na sa trabaho mo kung ano man 'yon, Camilla."

"Bakit ko kailangan na magresign, huh? Wala naman 'to sa pinag-usapan natin, 'di ba? Wala rin naman ito kinalaman sa pagpayag ko na magpakasal sa 'yo, eh," nagtatakang tanong ni Camilla kay Hector na napabuntong-hininga pagkasabi niya.

"I know na walang kinalaman 'yon sa pagpayag mo na magpakasal sa akin ngunit hindi mo ba naisip na magpapakasal ka na sa akin. You'll stay in our mansion. Doon ka na titira, Camilla. You'll leave this house, okay? You're not going to work anymore. Kaya kailangan mo na magresign sa trabaho mo kung ano man ito. You resign now, Camilla. Sundin mo na lang ang sinasabi ko sa 'yo para wala na tayong problema pa. Do you understand me, huh?" sabi ni Hector sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status